When Destiny Decides
"Naniniwala ka ba sa destiny?" Minsang tanong mo isang gabi habang tahimik tayong nakaupo sa bubong ng bahay niyo at magkatabing pinagmamasdan ang mga bituin.
"bakit mo naman natanong 'yan?" Imbes na sagutin ko yung tanong mo ay nakangiti naman kitang tinanong pabalik. Nakatingin lang ako sa langit. Magkahawak kamay tayo at nakasandal ang ulo ko sa balikat mo habang yakap naman ng isa mong kamay ang likod ko.
"Sagutin mo na lang kasi.." pilit mo pa. Tinignan mo 'ko pagkasabi mo nun pero hindi kita nilingon. Diretso lang ang tingin ko sa langit at sa mga bituin habang nakangiti nang bahagya.
"Hindi. Hindi ako naniniwala." Pagkasabi ko nun, nilingon kita para tignan ang magiging reaksyon mo pero ikaw naman ang nakatingin sa langit at parang may malalim na iniisip. Napangiti na lang ako at bumalik sa pagtingin sa mga bituin. Kahit gusto kong sabihin na hindi ako naniniwala dun kasi tayo talaga ang gumagawa ng bawat istorya natin at hindi ang destiny na 'yan, ay hinayaan ko na lang. Siguro may tamang oras para malaman mo lahat yan.
"Babe, anong plano mo para sa future natin?" Walang emosyon kong naitanong para basagin ang ilang sandaling katahimikan. Magkahawak pa rin ang mga kamay natin, Yung ulo ko sa balikat mo at Ang kamay mong nakayakap sa tagiliran ko.
"Pag sabay tayong grumaduate ng high school at college, at kapag nakapasa na tayo sa mga exams na 'yan at magkatrabaho, papakasalan kita... Magpapakasal tayo." Naalala mo pa ? Ito kasi yung sagot mo sa tanong ko... Naalala ko pa nga, eh. Marahan akong napangiti sa naging sagot mo. Ramdam ko na mahal na mahal mo 'ko at sana naramdaman mo na ganun din ako. Nagmamahalan tayo at Kampante tayo sa lahat, kampante tayong hindi na tayo maghihiwalay kailanman. Ikaw at ako at ang pag-ibig natin. Naniniwala tayong hanggang sa huli'y tayo pa rin.
"Pagkatapos ng kasal, ano nang gagawin natin?" Parang bata kong tanong ulit habang nakatingin pa rin sa mga bituin na ngayon ay unti-unti nang natatakpan ng itim na ulap. Hindi ka lumingon sa akin, ganun din ako. Siguro sapat na ang magkahawak nating kamay para iparamdam sa isa't isa ang ating damdamin. Ewan ko nga kung bakit natanong ko yun, eh. Siguro gusto ko lang marinig ang mga plano galing sayo...galing sa lalaking sobrang mahal ko.
"Syempre bubuo tayo ng pamilya. Yung pamilyang masaya. Magiging mabuti akong asawa sayo, at mabuting ama sa mga anak natin." Nagkatinginan tayo pagkasabi mo n'un at nakita ko yung malapad mong ngiti. Ngumiti rin ako sayo pero napansin kong may kakaiba sa mga mata mo. Parang 'di ka masaya...parang takot ka...at... parang malungkot ka. Pero di ko pa rin pinansin 'yun kasi nangingibabaw ako sa tuwa at saya dahil sa mga sinabi mo. Inisip ko na lang na baka masama lang ang pakiramdam mo kaya ganun.
Pero niyakap mo ako. 'Yung napakahigpit na yakap na minsan mo lang ibigay. Kadalasan pag masaya o malungkot ka. Inisip ko kung alin dun...siguro 'yung una. Kasi wala namang rason para maging malungkot ka di ba? Graduating na tayo ng high school ngayon kaya ibig sabihin malapit nang matupad ang pangarap natin. Kaya dapat maging masaya ka--tayo-- dahil ang bunga ng lahat ng pinagdaanan natin ay malapit na nating maabot sa wakas.
"Babe, bakit--" Itatanong ko sana ang mga gumugulo sa isip ko pero biglang umulan. Nag-alala ka naman kaya tinakpan mo yung ulo ko gamit ang isang kamay mo habang tinutulungan mo akong tumayo. Nagpumilit ka pang ihatid ako sa bahay namin kasi sabi mo baka ako ubuhin, sipunin, magkasakit at kung anu-ano pa. Narealize ko kung ga'no ako ka-swerte na mahalin at magkaroon ng isang boyfriend na kagaya mo. Napakaalaga mo at napakabuti mong tao kaya naman sa dulo ay pumayag na din akong magpahatid kahit ayoko ko pa talaga kasi gusto pa kitang makasama...
***
"Babe, bakit naman? Kailangan ba talaga doon ka mag-aral? Pwede namang dito na lang di ba? Please naman, oh. Babe please..." After mong magdeliver ng iyong speech sa ating graduation ay pinuntahan mo 'ko sa pwesto ko kasi sabi mo may sasabihin ka sa akin. Akala ko hihingi ka ng tawad kasi hindi tayo nagkasama the day before our graduation, pero mas matindi pala... mas mahirap at mas masakit.
BINABASA MO ANG
When Destiny Decides (One Shot)
RandomNaniniwala ka ba sa destiny? Ako? Sa una hindi... Pero noong masaktan ako, Saka na ako naniwala.