Prologue

31 1 1
                                    

#mth_Prologue

"Hello Ma, pauwi na po ako." I stopped for a while to wear my hoodie properly.

"Hello anak, kailan ka uuwi? Sandali lang at ibibigay ko lang itong karne ng baboy sa tagaluto." I can hear the people chatting and laughing at the background. "Nak, Chia, andiyan ka pa ba? Oh kailan nga ang uwi mo?"

"Magpapasundo po sana ako rito sa Airport Ma, kakarating ko lang po." then I pushed the luggage cart towards a boutique that sells chocolates.

"Aba eh magpa-.... Anong sabi mo anak?! Kakarating saan? Nasa Pilipinas ka na ba Chiandra?" sabi ko na nga ba she will be surprised.

"Opo Ma, nasa Pinas na po ako, si Dyzhel po ba nakauwi na? Kung wala po sana siyang ginagawa eh magpapasundo po ako." Pumunta na ako sa cashier para bayaran ang mga binili ko.

"Oo nakauwi na si bunso, sandali at tatawagin ko. Nako naman talaga itong batang ito, bakit naman kasi hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka ngayon?"

"Para surprise Ma, diba effective? Tsaka huwag niyo po munang sasabihin kay Captain, nagtatampo kasi yun sa'kin dahil hindi raw ako makakauwi sa Graduation niya." Nagpasalamat na ako sa cashier at lumabas na ng store.

"Dyzhel, bunso, pwede ba akong pumasok?" narinig kong tanong ni mama pagkatapos niyang kumatok sa kwarto ni Dyzhel.

"Opo Ma, pasok po kayo bukas 'yan." narinig ko namang sagot ng bunso namin.

"Nak, may oras ka ba ngayon? May iuutos sana ako sa'yo eh." Pabulong na sabi ni Mama.

"Opo Ma, wala naman po akong gagawin ngayon, pero bakit po bumubulong ta'yo" pabulong din na tanong ng kapatid ko.

"Eh kasi anak, yung Ate Chia mo, nakauwi na raw." bulong parin ni mama kay Dyzhel.

"Ganoon po ba, kausap niyo po ba si Ate ngayon? Ate pahinga na po kayo." Bulong rin ni Dyzhel. Narinig kong hinampas siya ni Mama pati narin ang aray niya.

"Ano ka ba naman Dyzhel! Yung Ate Chia mo kako ay nakauwi na, nagpapasundo sana sa'yo sa airport."

"Paano po eh ang layo-.... Teka nakauwi po ba sa Pinas iyong tinutukoy niyo Ma?! Ate nasa Pinas ka na?!" Pabulong pero pasigaw na tanong ni Dyzhel. Mag-ina nga sila ni Mama.

"Uhm, nandito na ako sa airport Kakarating ko lang, pasundo sana ako Bunso, kung wala kang gagawin." masuyong sabi ko.

"Nako Ate! Libreng-libre po ako ngayon dahil kakatapos lang ng mid-terms, binigyan po kami ng school-break." narinig ko na ang pagsusuot niya ng sapatos.

"Chia anak, papunta na ang kapatid mo riyan, medyo matatagalan nga lang dahil sa kalayuan at traffic." Si Mama na ngayon ang kausap ko.

"Okay lang po Ma, maaga pa naman po siguro mga 6:30 narito na naman na si bunso, maglilibot po muna ako rito, titingnan ko kung ano ang mga pwedeng ipasalubong sa inyo riyan." sabi ko kay mama habang tinatahak na ang daan papunta sa luggage storage area.

"Sige anak, magpapaluto ako ng menudo para dito na kayo mamaya kumain pag-uwi mo."

"At saka Ma, huwag mo munang sabihin kay Captain ha, pati na rin kay Papa, para hindi masira surprise ko. Paki sabi rin po kay Dyzhel na mag-ingat sa pagmamaneho. Bye Ma, Love you, see you later po."

"Mmm, sige anak... Dyzhel! Mag-ingat ha.... Chia anak, nakaalis na yung kapatid mo. Tumawag ka ulit mamaya pagmalapit na kayo ha. Bye anak, love you, see you later."

Pagkababa namin ni mama sa tawag ay naglakad na ako papunta sa Krispy Kreme, nagpareserve ako ng sampung box ng donuts para kina mama at para narin sa mga pamilya ng nagluluto sa bahay. Mukhang marami yatang tao roon ngayon na tumutulong sa paghahanda para sa Graduation Party ni Yzha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mending the HiraethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon