Tamie POV
"Tamie Delaruis,23 years old ang nag iisang magandang apo ni lola matilda!!"Sabay taas ng dalawang kamay habang pumapalakpak sa tuwa si lola.
"Ang galing galing ng apo ko ikaw ang pinakamaganda kong apo!"sabay taas niya ng kamay
"Lola naman binobola mopa ako"sabay palo ng mahina sa balikat niya.
"Eh!ako Lola hindi?"
Napatingin kami ni Lola sa nagsalita.
Siya ang kapatid ko si Thaila.Nag isip-isip pa si Lola akala mo may isip.Jowk😂✌️
"Cute kalang hindi maganda"sabay tawa namin ni Lola
"Your hurt my feelings"madamdamin niyang sabi.
Ring Ring Ring
Rinig ko sa CP ko habang naka suot ng mataas na lampin.
"Nako lola late napala ako kailangan ko ng umalis. Magtratrabaho pa kasi ako"
Sabay tanggal ng lampin na suot na suot ko"Apo dito kalang maglalaro pa tayo"Sabay hawak niya sa kaliwang braso ko
"Lola mamaya nalang pagbalik ko kailangan kuna kasing mag trabaho at nandito naman si Thaila eh dika naman niya pababayaan.Diba Thai" sabay tingin ko kay thaila.
"Oo.Ako pa ba"sabay ringing niya sa akin
12 taong gulang na siya habang nag tatrabaho ako siya naman ang nagbabantay at nag aalaga kay lola habang wala ako mahirap kasi pag walang nagbabantay kay lola.
Kailangan bantayan si lola kasi may problema siya pag-iisip kasi simula nong nawala si lolo nagkaganyan na siya natruma ata siya.Hindi namin siya mapagaling dahil hindi namin kaya ang pagpapa ospital sa kanya pero double double ang pag tatrabaho ko para pag nabuo kuna ang na ipon kung pera ay maging maayos na si lola.
"Sige na ate umalis kana baka malate kapa"sabay hawak niya kay lola
"O sige alagaan mo si Lola.Huwag mo siyang pabayaan.May pagkain akong niluto.Yun ang kakainin niyo mamayang tanghalian"sabay halik sa pisngi ni lola at thaila
"Opo!mag-iingat ka ate"sabi ni thaila
Ito na naman panibagong araw at paulit ulit na trabaho nanamin ang gagawin natin ngayon walang tigil sa pag tatrabaho para sa mga pangangailangan ako nalang kasi ang inaasahan ng pamilya ko ngayon kaya kailangan mas husayan sa pagtatrabaho.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hoi!Tamie ba't ngayon kalang gusto mo bangnmatanggal sa trabaho?aba marami tayong costumer ngayon kaya wag pa bagal!bagal!"Bulyaw sakin ng boss ko
"Opo"sabay suot ng apron .Isa akong tagaluto dito kaya parang masusunog nayung mukha ko sa init pero hindi ko nayun inaalala 2 oras Lang ang trabaho ko dito at ang sweldo ko lang ay 600 pero hindi yun sapat para maka kain kami at mabuo ang pera ko na pinag-iipunan ko.
Tapos na ako sa trabaho ko sa pag luluto pero hindi pa tapos ang gawain ko ngayon.
Pagkatapos kong mag trabaho sa pagluluto dali dali din akong aalis at pupunta sa Restaurant na tinatrabahoan ko.4 na oras na ako dito at ang sweldo lang dito 2000 ang trabaho ko dito ay isang waitress.Hindi madali ang pagka waitress ko dito.Kasi ito ang pinaka sikat na resort dito kaya masyadong maraming tao.
Pagkatapos ko naman dito magtrabaho sa restaurant. Didiretso nako sa bakery ni kuya ray 3 oras ako sa bakery niya at ang sweldo dito 800 lang pero okay nako dito pang dagdag narin sa pagpapagamut kay lola.
Walang tigil yung trabaho ko sa isang araw at hindi nako nakapag papahinga pa.Minsan nahuhuli ako kumain.Pero diko nayun inaalala pa kasi ang mas inaalala ko ang pagpapagamot kay lola at ang kakainin namin araw araw.
"Oh!tanie nanyang kana pala" sabi ni kuya habang gumawa ng tinapay
"Ah,opo"sabay suot ko ng apron na kulay black
"Bantayan muna itong shop.Kasi aalis muna ako"sabay tanggal niya ng apron na suot niya
"Opo"sa lahat ng tinatrabahuan ko si kuya ray lang talaga ang naging mabait sakin.Strict lang siya pagdating sa trabaho.Ako lang din ang naging katulong niya sa bakery niya.Hindi ko nga din alam kong bakit.Hindi siya kumuha ng mga katulong niya dito s bakery nato.Pero itong bakery nato ay isa din sa pinaka masarap na tinapay dito.Minsan nga dinadarayo ito ng mga mayayaman.Dahil daw sa sarap. Minsan din may nag aalok ng trabaho kay kuya ray bilang isang chef ng tinapay pero tinatanggihan ito ni kuya ray diko rin alam kung bakit.