SIMULA

5 0 0
                                    

“What the! Stop following us, you nerd. Nakakadiring tingnan na may pulubing buntot ng buntot sa kaibigan ko." Bulyaw ng babae.

Tumingala ako sa lalaki na nakasuot ng kunot na kunot na uniporme at nakasuot ng nerdy glasses.

Nilingon ko rin ang kasama ng babaeng sumigaw, si Thalia. Ang napakagandang babae at napakahinhin nito. Kaya si Kara na lang ang bumubulyaw sa lalaking ito dahil alam niyang hindi kayang sigawan ni Thalia ang lalaki. Everyone in this campus knew that Oliver has a crush on Thalia kahit na wala naman itong pag-asa.

“I- I just want to g-give her a s-snack." nauutal man ay nagawa pa ring magsalita ni Oliver.

“Tsk. Are you stupid?" naghalukipkip si Kara. “We can approach the cafeteria kapag nagugutom kami. At tsaka, baka maraming germs iyang ginawa mong snack, so better keep it to yourself."

“Kara, hayaan mo na. Let's go." mahinhing wika ni Thalia. Pinaikot niya ang kamay sa braso ni Kara upang mahila ito papalayo kay Oliver.

“P-pero T-thalia. D-diba paborito mo ito? K-kaya nga ako mismo ang gumawa kase a-al--"

“You stuttering person, hindi ka lang nerd, you are even a stalker. Gd damn it." maarteng wika ni Kara bago nagpaubaya sa panghihila ng mala-anghel na kaibigan nito.

Ang mga taong nagkukumpulan dahil sa eksinang iyon ay unti-unting bumalik sa kani-kanilang upuan dito sa Canteen. Iyong iba  ay masama pa rin ang tingin kay Oliver na nakatayo lamang sa gitna.

Hindi ako nagdalawang isip at agad na tumayo at nilapitan siya. Hindi na rin ako nagpaalam at hinawakan ang kanyang kamay upang mahila papalabas sa canteen. Saka ko lamang binitawan ang kanyang kamay ng marating namin ang tambayan ko dito sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Umupo ako sa nag-iisang bench dito at inilabas ang medicine book ko.

“B-bakit mo ko hinila p-papunta dito?" nauutal na naman nitong wika.

Tiningala ko siya. “You won't prolly move, if I didn't drag you away from there."

Ibinalik ko sa libro ang aking atensyon. Nang mapansing nakaupo na siya sa tabi ko ay saka ko lamang siya pinagmasdan. May matangos na ilong, maputlang labi, payat ngunit gwapo, at ang kanyang balat ay medyo kayumanggi kung ikukumpara sa kulay ng balat ko.

Suddenly, an idea just came up that made me smirk.

I think I can use my oh-so-good-ideas para mapansin siya ng babaeng gusto niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When love tearsWhere stories live. Discover now