Prologue

8 0 0
                                    

Jowang-jowa na talaga si Quellaiah at naiinggit sa paligid dahil lahat ata ay may jowa na.

Kelan ba deadline ng paghahanap ng ka-bebetime?

Gusto na nyang kiligin.

Gusto na niyang mawasak.

Gusto na niyang masaktan.

Kaya naging desperada na sya at sinubukan ang sabi-sabi sa kanilang university.

Kapag daw kasi marating mo ang 100th step sa itaas patungo sa College of Forestry nang wala pang isang minuto, ang iyong kahilingan ay matutupad. May mga diwatang nakatira sa malalaking puno raw kasi na tinutupad ang lahat ng kahilingan kapag nagawa mo yun.

Ilang linggong sinubukan ni Quellaiah na ma-achieve ito ngunit mas mahirap pa pala ito kesa pagpapapansin nya para magkajowa.

Pero pursigido talaga sya, "Ito na talaga ang chance ko magkajowa. Gusto ko may kasama ako sa grad pic ko. Giatay kayo." Yan ang motivation nya.

Di kalaunan, nagtagumpay sya at humiling, "Napakahaba ng listahan ko ng ideal boyfriend ko, kaya iklian ko nalang. Una, gusto ko magaling maggitara at kumanta. Pangalawa, gusto ko binibilhan ako ng cravings ko at malaaga kapag dinadatnan ako. Pangatlo, gusto ko rin yung hindi ako pinababayaan sa inuman. Pang-apat, syempre gusto ko gwapo. Panglima, gusto ko sweet sa akin lagi. Pang-anim, gusto ko funny. So bale, six lahat sila. Hehehehe"

At sa isang iglap, binigyan talaga sya ng anim na lalaki nang sabay-sabay.

Nagkabilat-bilat na siya.

Nalilito.

Sino ang pipiliin nya?

Pipili ba sya? Eh mas gusto niya nalang pagsabayin sila lahat, e.

"Giatay na yawa." Yan nalang ang nasabi nya sa sitwasyon nya.


________________________________________

×× D g e u p n a i l l e s ××

(To my 2017 Gang, Frating Sirok: Inha, Beshie, Neku, Kabiyak, Beasty, Wagwag, Dong Aybantot, Marshie, Leslie, EdZekZen)

TSOTWWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon