TSOTWW 01: Physics 11 class

12 0 0
                                    

Palagi akong sawi sa pag-ibig.

Ewan ko ba kung isinumpa ba ako o ano, pero masarap naman akong magmahal.

Pero bakit ako palaging iniiwan?

Para bang wala na akong karapatang maging masaya kasi palagi nalang sakit ang aking nadarama.

Tila naranasan ko na ang lahat ng klaseng sakit na mararanasan sa isang relasyon.

Ano ba, kulang pa ba?

Minsan mapapatanong nalang ako kung dekorasyon lang ba ako sa mundo o pinapakilala ako sa iba't-ibang tao para ayusin ang kanilang mga nagdurugong puso.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, naninniwala pa rin ako na balang araw, makikilala ko rin ang lalaking para talaga sa akin.

Balang araw.

Sana makilala ko na siya kasi punong-puno ng pagmamahal ang puso ko na handa kong ibuhos sa kanya. Sana, siya na nga.

Sana di rin siya tulad ng iba.




"Hala pota, late na pala ako" yan na lang ang nasambit ko sa sarili ko habang naghahanap ng mauupuan. Nandito ako ngayon sa College of Arts and Sciences AVR kasi may make-up class kami sa Physics 11 namin. Maraming tao ang nasa loob kasi apat na section ang pinagsabay ni Ma'am Bucayong. Pinagsabay, gaya ng relasyon ko dati.



"Why are you late?" patay na. Ayoko pa naman sa instructor na ito, nakakatakot e.




"Inikot-ikot pa ako ng multicab tsaka---" di ko na natapos sasabihin ko kasi sumenyas na si Ma'am na maupo na ako.




Hindi ako nakaupo kasama ang ka-block ko kasi nasa harapan sila at nasa likod ako. Nainis ako kasi di ko kilala yung mga katabi ko, hindi ako makakakopya. At habang nagdidiscuss si Ma'am sa harapan, may pinasolve siyang problem at isang Agriculture student ang nagvolunteer na i-solve ito at siya ay nakaupo sa harapan ko. Nayayabangan tuloy ako kasi bumabagyo na ang utak ko pero ang dali niyang na-gets.




Habang sumusulat siya, biglang pumunta sa upuan ko ang blockmate kong bakla. "Qaiah, alamin mo naman ang pangalan nung boy na nag-solve. Please, crush na crush ko siya"




"Hoy Warfe! Aral muna bago landi eh noh?" tas inirapan ko lang siya at umalis siya kasi paparating na yung crush niya.




Kinulbit ko yung crush niya sabay sabing, "Hoy. Kilala mo ako?" Tiningnan niya ako na nagtataka. Napatingin ako sa mukha niya. Okay, gwapo nga siya.




"Hindi kita kilala," sagot niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TSOTWWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon