This is a work of fiction. Any resemblance to real persons or historical events is purely fictional .***
|| A story of a World War II Filipino veteran Gorgonio Francisco, who met a wounded Imperial Japanese soldier during World War II ||
"Disyembre 20, 1944, dalawang buwan na ang nakalipas nang magsimula ang mga sundalong Amerikano at Pilipino na patalsikin ang mga Hapon sa bansang Pilipinas."
"Nakapwesto kami sa trenchera sa Kawit na malapit sa Imus Cavite, at nagsimula na ang pagbomba sa lugar."
"Umaapoy na kapaligiran, mga bangkay na nabubulok, maya't mayang pagsabog, mga pag-sigaw, at pag-hingi ng tulong. Ilan lamang iyan sa mga maririnig mo habang lumalaban."
"Pagtapos ay naunang sumugod ang mga tangke at nasa likod kami. Isa isang nagsisibagsakan ang mga kasama ko, bawat isa sa kanila ay may pamilyang naghihintay sa kanilang mga tahanan, at umaasa na sila ay makakabalik pa.
"Disyembre 21, 1944, habang patuloy na umaabante ang aming pwersa patungong Maynila, may nakita ako na taong gumagapang sa hindi kalayuan. Ako lang ang mag-isang nagbabaybay dahil inutusan ako, nilapitan ko siya at nalaman kong isa itong sundalo dahil sa suot niya."
"Kaagad siyang humarap sa akin at itinaas ang kaniyang mga kamay, hindi ako nagkakamali, isang sundalong Hapon ang nasa harapan ko!"
"Lalamunin na sana ako ng galit nang makita ko ang mga sugat niya, isang malaking sugat sa binti at isa sa paa, nakita ko sa mata ng sundalo ang takot kaya't hindi ko napigilang maawa at hindi ko siya pinatay.
"Dahan dahan kong ibinaba ang hawak kong baril at dumukot ako ng isang piraso ng pandesal sa bulsa ng uniporme ko at ibinigay ko sa kaniya, kaagad niya naman itong kinuha at kinain."
"Tumingin sa akin ang sundalong Hapon at may dinukot siya sa bulsa niya, isang bote na naglalaman ng tubig. Uminom siya at ibinigay sa akin ang bote, umupo ako at ibinaba ang hawak kong armas. Ngumiti akong tinanggap ang kaniyang alok na tubig."
"Habang kumakain kami ay may inilabas siyang larawan mula sa kaniyang bulsa, ito ay larawan ng isang babae at hinalikan niya ito, may sinasabi siya sa akin ngunit hindi ko maintindihan ang kaniyang lenggwahe."
"Maya maya pa ay may natanaw akong hukbo ng mga sundalong Amerikano at Pilipino sa hindi kalayuan, nakita niya rin ito at ngumiti siya sa akin."
"Gamit ang kaniyang dugo sa paa ay may isinulat siya sa malaking mapa ng Pilipinas na nanggaling sa kaniyang bulsa, iniabot niya sa akin ito kasama ng maliit na papel na sa tingin ko ay naglalaman ng isang liham, kinuha ko ito at itinuro niya ang babae sa larawan, mukhang naiintindihan ko na ang ibig niyang sabihin."
"Naririnig ko na ang mga kakampi kong sundalo na naglalakad papunta sa amin. Kaagad niyang kinuha ang baril niya at akala ko babarilin ako, ngunit, ibinigay niya ito sa akin at itinuro ang sarili niya. Gusto niyang ako ang pumatay sa kaniya."
"Tumayo ako at itinutok ko sa kaniya ang baril, nagbuntong hininga siya at ngumiti. Kahit hindi niya ako naiintindihan, kinausap ko siya bago ko iputok ang baril."
"Kung hindi dahil sa digmaan ay naging magkaibigan sana tayong dalawa, masaya akong nakikala kita. Mag-kita na lang tayo sa kabilang buhay, paalam kaibigan."
"Ipinutok ko ang baril sa ulo niya at napaluha ako, galit ako sa mga Hapon dahil sa pagsakop nila sa Pilipinas ngunit, nalulungkot ako sa dahilan na pumatay ako ng isang sundalong Hapon."
"Makalipas ang isang taon tagumpay naming napalayas at natalo ang pwersa ng mga kalaban sa Pilipinas. Ngayon, habang sinusulat ko ito ay may isang bagay akong natutunan na hindi ko malilimutan."
"Hindi ang mga sundalo na lumalaban sa digmaan mula sa magkabilang panig ang tunay na magkaaway, ayon ay ang mga namumuno sa isang bansa at nag-uutos na makipaglaban ang mga sundalo."
"Ang mga matatanda sa pwesto ang nagsisimula ng gyera, at ang mga batang sundalo at inosenteng tao ang namamatay. Ayon ang pinakamasamang parte ng digmaan."
||. A story of a World War II Filipino veteran Gorgonio Francisco, who met a wounded Imperial Japanese soldier.
***
"Apo, ano iyang hawak hawak mo?" Shocks nagulat ako. Kasi naman kulay pula yung sulat dito sa papel tapos biglang susulpot si Lola, sinong hindi magugulat aber?
"lola, ano pong ibig sabihin ng mga nakasulat sa mapa ng Pilipinas?"
"Paano mo nahalungkat iyang gamit ng lolo mo? Halika, maupo ka rito sa tabi ko at iku-kwento ko sa iyo."
"Naglilinis po ako then nakita ko sa drawer niya. Ang creepy nga po nung sulat eh." Sa totoo lang, hindi ako naglilinis... interested lang ako sa artifacts ng History.
"Ang sabi riyan apo 'kung mamamatay lang din ako, masaya akong mamatay sa mga kamay mo. Humihingi ako ng tawad'."
Kaagad ko namang naalala yung nabasa kong libro tungkol sa lolo ko at sa sundalong Hapon. Naiintindihan ko na, and I'm... speechless.
The Japanese soldier accepted his fate peacefully, because it came from a friend.
"Kimyōn, apo. Masuwerte ang henerasyon niyo, dahil hindi niyo naranasan ang bangungot ng nakaraan."
Kaagad naman akong nabuhayan sa mga sinabi ng lola ko. Tama siya, payapa tayong namumuhay ngayon dahil sa mga bayani na katulad ng lolo ko.
War is just an old men arguing and young men dying, and killing men who could have otherwise been your friends is one of the saddest part of the war.
***
BINABASA MO ANG
WAR BETWEEN US
Historical FictionNasa kalagitnaan ka ng digmaan at pansamantalang tumigil ang putukan upang umabante ang inyong hanay. Sa hindi kalayuan, nakita mo ang isang sundalong gumagapang. Sugatan at hindi makatayo. Humarap siya sa iyo at natuklasan mong kalaban mo siya. Na...