9

462 24 0
                                    

- JUSTIN'S P.O.V -

"Jah," agad na lumapit sa akin si Josh pagkalabas ko sa office ni Sir Charles.

Hahawakan niya sana ang kamay ko pero lumayo ako.

"Maghiwalay na tayo, Josh." Diretyong sabi ko.

"Look, sinabi ba ni Sir Charles na gawin mo 'yan?!" May diin na sabi nito kaya napailing ako.

"Desisyon ko 'to." Sagot ko. "Kung sinabi man niya, tama naman siya, e. Mas makabubuti na maghiwalay na tayo para hindi na madamay 'yung tatlo pag napatunayan 'yung issue." Patuloy ko.

Napahilamos siya sa mukha. Halata ang frustration sa mukha niya.

"Pero hindi naman pwede na maghiwalay tayo, Jah. Mag-iingat tayo sa susunod para wala nang ganito na mangyayari." Pagtutol nito at pilit na lumapit sa'kin pero umatras ako.

"I'm sorry." Tanging sagot ko at tumalikod sa kanya.

Tinatawag pa niya ako pero hindi na ako lumingon sa kanya dahil nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Kinabukasan, buong araw ko iyon inisip. Hindi na nga ako nakapag focus sa practice dahil sa mga nangyayari. Tama naman 'yung ginawa ko diba?

Arrrhg! Hindi ko na alam.

"Are you okay?" Tanong ni Stell kaya napatingin ako sa kanya. "Mukhang kailangan mo munang magpahinga." Patuloy niya.

"Siguro. Do you think tama na pinili ko 'yung makakabuti sa lahat?" I asked.

"Walang mali 'dun, Jah. Siguro ang mali lang ay 'yung pagkakataon." Sagot niya.

"Gusto mo bang sumama sa'kin sa probinsya muna?" Tanong niya.

Napatango nalang ako bilang sagot. Siguro mas mabuti na munang malayo ako sa kanya.

JoshTin AU: Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon