6

2 1 0
                                    

Louise

Dalawang araw siyang hindi lumalabas dahil wala si Amanda. Naisipan niyang baguhin ang ayos ng silid ni Athena. Ang panget masyadong masikip tingnan. Dahil naglilinis lang naman sya sinuot nya ang oversized shirt na nakita ko sa maleta tinernuhan ko ito ng favourite kong short. Mahirapan sya kung ang damit ni Athena ang isusuot nya dahil bukod sa mahaba iyon ay apat na patong pa ito. Inipit nya rin ng messy band ang kanyang buhok. Tinanggal din nya ang mga gamit na hindi naman na kailangan. Inayos din niya ang mga damit nito. Pati na rin ang mga dala nyang gamit. Naglagay rin sya ng nga palamuti. Nakaramdam na sya ng gutom kanina pa ngunit hindi nya muna ito pinansin.  Kailangan nya matapos kung magpapahinga siya ay tatamarin na sya panigurado.

Pahiga nasa sya ng may kumatok sa kanyang silid.
"Sinong nariyan?" mahinahong wika ko saka lumapit sa pinto.
"Ang gwapo mong kapatid Prinsesa" natatawang biro nito ng Prinsipe. Agad nya ring binuksan ang pinto ng malamang ang Prinsipe Drigo iyon. Ngumiti siya ng malaki rito. 'Bakit kasama nya ang mayabang na lalaking to?'
"Oh kuya anong ginagawa mo rito?" tanong nya at binuksan ng malaki ang pinto. Hindi nakatakas sa paningin nya ang pagtitig sa kanya ng kasama ng kapatid nya. 'Ganda ko no?'
"Ano ba yang suot mo?" Takang tanong ng Prinsipe sa kanya.
"Ahh hindi pa kasi ko nakakaligo" nahihiyang wika nya.
"Kain tayo" nakangiting wika ni Drigo habang nakaturo sa tagapangalaga sa likod nya. Naglaway kaagad nya ng makita ang mga pagkain kaya dagliang syang gumilid.
"Tara pasok kayo. Tamang tama lang hindi pako nakakapananghalian gutom nako" nakangiting wika nya. Saka umupo sa maliit na lamesa. Nag-umpisa na siyang kumain kahit hindi pa tapos ang mga tagapangalaga na ihain ang mga pagkain.  Tumikhim si Kuya Drigo dahilan para tumigil siya sa sunod sunod na pagsubo. 'Sorry naman kanina pa ako nagugutom eh'
"Paumanhin nagugutom na talaga ako" nakangusong wika nya habang may laman pa ang bibig nito. Umupo ang mga ito katabi nya si  Prinsipe Drigo habang nasa harap naman nya ang mayabang na lalaking iyon. Nagsimula na rin silang kumain kaya katahimikan ang namutawi sa paligid.
"Tila nagbago ang ayos ng iyong silid aking kapatid" pambabasag ni Kuya Drigo sa katahimikan.
"Hindi ko nais ang ayos ng dating kong silid kaya iniba ko" nakangiting sagot nya.
"wala ang tagapangalaga mo. Ikaw ba gumawa ng lahat ng iyan?" takang tanong niya. Sunod sunod naman nyang tumango.
"Kaya ko naman mag-isa eh" nakangiting wika niya.
"Ngunit hindi mo ginagawa iyon noon alam moba yon?" Wika ng Prinsipe.
"Ganon ba? Hindi moba nais ang pagbabago ko? Isipin mo na lang na patay na ang dating Athena" nakangiting wika nya at kumain uli.
"Andrius bakit hindi ka nagsasalita?" baling sa kanya ng kaibigan. Umiling lamang ito saka umayos ng upo. 'So Andrius pala ang pangalan mo' bagay sa kanya. Ang hot hihi. Ano bang iniisip ko? Hot nga hindi naman gentle man. Gwapo nga mayabang naman. Baliwala lang din yon.
"Bakit nga pala kasama mo ang mayabang na iyan dito hindi bat bawal pumasok ang kawal sa silid ng Prinsesa? "  inis na wika niya at binigyan ng masamang tingin sa binata. Walang buhay na nakatingin lang ito sa kanya. Naiinis sya sa way ng pagtingin nito sa kanya parang walang pakialam ito sa ganya nya. Baliw naba ko? Eh ano kung di nya maappreciate ang ganda ko. Diko ikakamatay duh.
"Ano bang sinasabi mo Athena? sya ay isang Prinsipe" natatawang wika ni Kuya Drigo. Nabuga nya ang kanyang kinakain sa sinabi ng Prinsipe. Tumalsik ang lahat ng ito sa Prinsipe. Minsan talaga Louise dika nag-iisip may kawal bang sasagot sagutin ang isang Prinsesa.
"Oh my! pasensya na" wika nya at biglang lumapit sa kanya upang alisin ang tumalsik sa muka nito.  Hinawi nito ang kamay nya at walang pasabing tumayo at umalis na. Nagmamadali syang kumuha ng panyo at hinabol ang Prinsipe
"Andrius!" malakas na tawag nya dito. Ngunit hindi sya tumigil sa paglalakad kaya ng makalapit siya ay hinila niya ito sa braso. Buti na lang ay tumigil sa sa paglalakad. Kung hindi ay baka atakihin sya sa puso kakahabol rito.
"Pasensya na hindi ko naman sinasadya eh" sincere na sabi ko habang pinupunasan ang  damit nya ng panyo.
"Bakit ba kailangan mopa kong habulin!" Ganon na lang ang gulat ko ng biglang itong sumigaw. Unti unting namasa ang nga mata ko dahil sa ginawa nito. Hindi kona napigilan at tuluyan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas. Eto ang ayaw ko eh ang pagiging soft hearted ko. Ang nipis ko masyado. Ang dali kong umiyak
"Gusto ko lang naman humingi ng tawad sayo" lumuluhang wika ko bago sya talikuran at maglakad palayo. Galit na galit naman sya para namang napaka laki ng kasalanan ko.

Namalayan ko na lang na nasa pinaka likod na ako ng palasyo. Grabe ang tataas ng pader dito. Wow as in wow. Kasing laki ng building iyon na may 10 floors. Hindi na muna sya bumalik sa room nya dahil baka makita sya ng Prinsipe Drigo na umiyak. Naupo sya sa ilalim ng lilim ng malaking puno. Ang daming malalaking puno dito. Naalala ko dati nung bata ako. Pinagawan ako ni daddy ng isang malaking tree house. Don kami madalas maglaro ng kababata ko. Bigla ko tuloy namiss si Ethan. I miss my dad also. Bakit nga ba hindi sya gumawa ng treehouse dito. She's an famous engineer after all. She's graduated at age of 18. Maaga kasi syang nag-aral she wants to be an architect but after her dad passed away she decided to take engineering. Para imanage ang company ng daddy nya. Inakyat ko ang puno para malaman ko kung pano ng style at sukat ang gagawin ko. Ang balak ko ay yung hindi makikita sa malayo. Matatabunan ng puno. Para walang makakaalam. Pinag-aralan kong mabuti nag bawat punong inaakyat ko ang ang pinaka huli ang nagustuhan ko. Konting putol lang sa sanga nito saktong maraming kahoy ma nadaanan kanina. Bukas kita sisimulan haha. Pero sa ngayon magmumukmok muna ko dito sa taas ng puno. Magrerequest pako sa reyna na kung pedeng magpalagay ako ng sariling kusina sa kwarto ko para ako na lang ang magluluto ng pagkain ko.




Magdidilim na ng bumaba ako sa malaking puno. Medyo nahirapan syang bumaba. Gagawan ko to ng hagdan.







In Another TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon