Chapter 4: Annoying

48 3 0
                                    

Nilock ko ang door sa aking condo bago pumasok sa school. Magsasign lang naman ako ng attendance at aalis na din saka this is the last day of our foundation day, ewan ko nalang sa ibang school na nakasabay namen kung last day din nila ngayon. Sa mall or sa park nalang siguro ako magsstay o kaya sa Droppers nalang. I just wish that I wouldn't bump into my mother's guards again because the last time na nangyare yun, napunta ako sa ibang school and worst is nakuha pako sa marriage booth. That booth was bullshit, ni hindi man ako taga school nila tapos kinuha nila ako? For goodness sake!

"Hello?" Sagot ko sa phone ko nang tumunog ito. It was kuya Denver.

"Sweetheart, dad told me to get your motorbikes key." Lumunok ako pagkarinig palang na banggitin niya ang dad.

"Why kuya?" Bakas ang pait sa pananalita ko nang sinabi ko iyon.

"Nalaman niya kung paano mo pinaharurot yung motor mo nung minsan, and he told me that you're still not yet on the legal age." Hindi na ako magtataka kung paano nalaman ni dad iyon. What's new? Gusto ko man siyang pagsalitaan ng masama dahil sa pangengelam niya sa akin ay hindi ko parin ito magawa dahil kahit papaano ay tatay ko pa din siya. Tumikhim ako bago nagsalita.

"Fine." I said before ending the call.

Umakyat ulit ako sa condo ko at kinuha ang susi ng kotse ko. Motorbike lang naman daw yung bawal e.

Nagstay muna ako sa kotse nang nakarating ako sa Droppers. Kinuha ko ang phone ko at denial ang number ni Mayumi.

"Oh Annaira, baket?" Sagot niya agad sa akin.

"Are you busy?" Tanong ko sakanya.

"Uh, I'm at Manila today sorry. Baket? Is there a problem?" Umiling agad ako kahit hindi niya naman nakikita.

"No. I just wanna bond with you today sana but it's okay. Next time nalang." Tumawa ako.

"Okay sige, I'll just contact you kapag nasa Pampanga na ako."

"Okay sige. Goodbye. Ingat." I said before ending the call.

Sumandal muna ako sa driver's seat at chineck ang bag ko kung andun ba ang sketchpad ko. Agad akong lumabas nang nakitang andun naman iyon.

"Goodmorning ma'am." Tumango agad ako sa mga waiter at guard na nakasalubong kong bumabati sa akin.

"Hi Frank." Bati ko sa kanya nang nakita ko siyang nagmimix ng drinks.
"Ang aga naman ata niyan?" Ngiti ko sa kanya.

"Parang hindi mo Gawain ha?" Ngumuso lang ako nang tumawa siya.

"Para sa mga yun." Sabi niya habang nginunguso sa akin ang mga grupo ng magkakaibigan na nagkaksiyahan.

Pagkalingon ko, nahuli ko ang isang lalake na kasama nila ang nakatingin sa akin. Tinagilid ko ang ulo ko habang nakataas ang kilay saka umiwas ng tingin.

"Bitch mode." Sabi sa akin ni Frank pagkalingon ko sa kanya. Tinawanan ko nalang siya.

"Frank, I want strawberry yogurt shake and nachos nalang." I smiled at him.

"Okay." He said.

Kinuha ko ang bag ko at naglakad sa table na malapit lang sa bar ni Frank. Nilapag ko ang bag ko at umupo.

I grabbed my sketchpad and pencil at kinuha ang pouch kong puno ng pictures. Kinuha ko ang picture namen ni Mayumi nung nasa condo ko. I stapled the pic in the upper left corner of my sketchpad. Kinuha ko ang pencil at kinagat ito kasama ang labi ko.

Sinimulan ko nang idrawing ang picture namen ni Mayumi. Napansin kong medyo konti nalang ang pages na available ng sketchpad ko. I need to buy one. This sketchpad is full of my drawings, drawings na ginaya ko sa mga pictures kasama ang mahahalagang tao sa buhay ko, at kasama ang ex ko doon..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Will a badass fall? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon