Ang pangarap ni Rap-Rap...

119 0 0
                                    

bata pa lang si rap-rap ay mahilig na syang makinig ng mga kantang rap. At dahil sa pakikinig, naging inspirasyon nya ito para gumawa ng sarili nyang rap.

Ginagaya nya rin ang istilo at pormang hip-hop ng mga inidolo nyang rapper mula sa pananamit, pagkilos, at pagsasalita na may kasamang “YOW”

Sobrang panatiko talaga sya ng ka hip-hapan. Kulang nalang pati brief nya maging hip-hop din.

Pangarap nyang maging sikat na rapper balang  araw. At mag produce ng maraming album na mapapakinggan mula sa mga radyo,sa youtube, internet, hanggang sa mga bibig ng mga batang hamog habang sumisinghot pa ng ragbi.

Isang araw…

“rap-rap tigilan mo na nga yang kalokohan mo, yung pag aaral mo ang atupagin mo, para makatapos ka.”

Si aling pasita, ang nanay ni rap-rap. Tinatalakan na naman  si rap-rap. Naiinis si aling pasita sa porma ni rap-rap na hip-hop, dahil muka daw syang adik sa hitsura nya.dagdag pa sa ikinabu-bwisit nya ay ang mga dabarkads ni rap-rap na out-of-school-youth, na suki na ng barangay dahil sa  katakut-takut na mga reklamo.

“bakit naman po? Wala naman po akong ginagawang masama. Hindi ko rin pinabayaan  ang pag-aaral ko, kahit na tinatamad ako minsan mag-aral, pinipilit ko parin pumasok. Tsaka malay nyo sumikat ako.”

“kapag pinag butihan mo ang pag-aaral mo, pwede Karin sumikat. Pwede kang maging sikat na doctor, engineer, scientist, kahit ano basta may kinalaman sa pag-aaral.sa pag rap rap  mo na yan pansamantala lang ang kasikatan. kung sisikat ka nga. Hindi naman pwedeng uugod ugod ka na e nagrararap ka  parin, samantalang kung nakapag-aral ka e hanggang sa pagtanda dala mo ang mga pinag aralan mo. Tsaka iwasan mo na rin ang pagsama-sama mo  sa mga barkada mong walang direksyon ang buhay. Iwasan mo na rin magsuot ng malalaking damit at pantalon. Mahirap labhan, tsaka malaki ang sinasakop sa sampayan.”

“hindi ko naman nakakalimutan yung pangarap nyo para sakin. Pero gusto ko talagang mag rap at sumikat. At kapag sinuwerte ako, at magkaron ng pera, hindi nyo na ako kailangang pag-aralin, dahil ako na mismo magpapa-aral sa sarili ko, pati sa mga kapatid ko, pati kayo ni tatay pag-aaralin ko rin kung gusto nyo. Hindi narin kayo mahihirapan sa pagtatrabaho. Dahil titigil na kayo sa pagtatrabaho kapag nangyari yon.”

Hindi umimik si aling pasita

“at yung sinasabi mo namang mga barkada ko, e  hindi naman ako sumasama sa kanila, kasi sila ang sumasama sakin. Mga supportersko sila e. Hindi ko rin naman pwedeng ipagtabuyan nalang sila basta basta dahil baka masira ang image ko, hindi dahil sa masama ang ugali ko, kundi baka abangan nila ako sa kanto at pagtripang bugbugin. Siguradong blackeye ang abot ko. Tapos kinabukasan ipapalabas sa t.v. patrol dahil na CCTV pala. Biglang sikat ako kahit hindi pa panahon. At kung paulit-ulit nilang gagawin sakin yon sa lugar na may CCTV, e malamang maging CCTV sensation ako. Pero tingin ko hindi naman nila gagawin sakin yon, dahil mataas ang paghanga nila sakin.At nakikinig sila sakin. Sinusunod din nila kung minsan yung mga sinasabi ko. Pero hindi ako mastermind ng ilang nakawan sa lugar natin na kinasangkutan nila. Hindi pa sila sumasama sakin, e alam ko na ang mga karakas nila. Pero kung gugustuhin ko lang, kaya ko siguro silang baguhin. Dahil sa respeto nila sakin. Kaya ko siguro silang gawing mabuting tao, magkaron ng direksyon ang buhay, kapaki-pakinabang, maging produktibo, masipag, masikap, at pag-asa ng bayan, kaya ko rin silang gawing utusan, taga igib nyo sa tuwing maglalaba kayo, taga hugas at tagabasag ng plato, taga ubos ng pagkaing natira nyo dahil wala kayong ganang kumain kakaisip ng pera para pambayad sa inutangan nyong bumbay, taga-salo ng sermon nyo para sakin, pati sampal narin, taga kamot ng likod nyo, yung isa sa mga supporters ko na si manong pwedeng proxy kay tatay pag wala sya, taga-tawa sa mga joke kong korni at marami pa silang kayang gawin. Atsaka hindi ko naman sinabing labhan nyo yung damit ko. Marunong naman akong maglaba.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang pangarap ni Rap-Rap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon