~hello ;)) hahaha may masabi lang ... thanks sa nakakabasa pa nento ;) yun lamang hihihi
Lumipas ang ilang araw ... sa mga araw na iyon lagi pa rin kaming nagkakatext at nagkaka-usap sa cellphone ng FRIENDSHIP TEXTMATE kong si Princess Jeneva ...May mga times na emotionally depressed siya minsan naman ako . Kapag ganun , we comfort each other , natutuwa nga ako kasi siya lang nasasabihan ko ng mga hinanakit ko at siya lang nakakausap ko ng matagal .Kadalasan kasi LONER ako sa bahay , ayaw ko naman lumabas ng bahay .
Yung mga bestfiriend ko naman kasi busy sa studies nila . Syempre may mga sarili din silang lovelife , kaya hindi ko rin sila masisisi. Kaya mahal na mahal ko si Bhebhe coh ( Princess Jeneva ) kasi lagi siyang nanjan , marami din akong natututunan sa kanya. Parang siya nga ang mas matanda sa akin kasi , siya natutulungan niya FAMILY niya ako hindi , ang ginagawa ko lang naman eh tumunganga magdamag dito sa bahay . Kapag may inuutos lang or may dapat asikasuhin doon lang ako kumikilos . Pero ako naglalaba ng mga damit ko nuh
hanggang isang araw nay nalaman ako ....
[ December 09 , 2012 Sunday ]
"bhe ingat sa pag-uwi :* " text ko kay bhebhe coh
"ah tnx bhe " reply naman niya
after 30 minutes ....
may narecive akong gm ng bestfriend ni bhebhe coh ... tinext ko nga ...
"ingatan mo po si bhebhe coh ah ? tnx " ako
"oo naman iingatan ko toh , nakakaasar kasi tigas ng ulo , nilalagnat na nga nagtatrabaho pa." siya
"yaan mo na , ganyan talaga eh , wala tayo magagawa, makulit eh" ako
"sabagay , sinabi mo pa . buti nga aalis na to eh. bawas sakit ng ulo at puso" siya
[ natagalan ako sa pagreply sa kanya pagkabasa ko ng text niya na yan ... nakaramdam agad ako ng lungkot kasi alam ko na yung sinasabi nitong bestfriend ni bhebhe coh ... ]
***FLASHBACK***
*toot*
*toot*
nagtext pala si bhebhe coh ... mabasa nga ...
"nganga yung interviewer sa akin eh , ang bitter ko daw ? hahaha" group text yan , hindi ko na matandaan yung text niya eh
basta ang pagkakatanda ko lang sa text niya eh ... ( english kasi yun )
"kaya ako aalis ng bansa ay para makalimutan ko yung lahat ng sakit sa puso ko , at para makalimutan ko na din yung mga taong dapat kong kalimutan." basta yan yung dating ng text niya , galing kasi siya ng embassy nun
***END OF FLASHBACK***
Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ako ... nung una kasi masaya ako kung aalis man siya ng bansa , pero ngayon parang hindi ko na kaya . Siguro masyado akong na-atached sa kanya. Siya lang kasi nasasabihan ko ng mga problems ko at siya lang kasi nag-aadvice sa akin , siya lang nakaka-usap ko sa lahat ng bagay.Yung tipong siya lang nakikinig sa akin.
"ang daya naman niya , di man lang sinabi sa akin na aalis na siya. nakakainis siya :(( kailan po alis niya ? " reply ko sa text ni BRU ( tawagan nila ng bhebhe coh )
"next week na. . kaya nga umuwi ako dito eh , para makasama siya before flight niya" BRU
"ang bilis naman , eh sino lang sinabihan niya about sa pag-alis niya?" ako
"kami palang dalawa nakakaalam. . wala yata siyang balak sabihin sa iba. ewan ko dun" siya
"ah ganun ba ? di man lang ako sabihan about sa pag-alis niya :( " malungkot kong reply
"takot yun masabihang mayabang o mapintasan ugali niya .. haha .. " siya
"ah ok sabi mo eh , pero sana naman sinabihan niya ako about jan,tnx nalaman ko kahit papaano gue" ako
Nalulungkot ako , hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na alam ko na aalis na siya , at iiwan na niya kami. Madrama ako , oo , kasi ba naman yung taong saglit ko palang nakakatext at nakakatawagan eh aalis nalang bigla ng hindi man lang ipinapaalam sa akin. Masakit kasi yung bigla nalang hindi magpaparamdam yung kaibigan mo , tapos yun pala umalis na ng bansa.
after 5 minutes ... tinawag ko si Princess Jeneva ...
kring ....
kring ...
"hello bhe ! " sagot niya agad
"hello din bhe" matamlay kong tugon
"ano gawa mo ?" siya
"ito kahiga lang" walang buhay kong sabi
"ah , kumain ka na ba?" siya
"hindi pa , kaw kain ka na" ako
"kumain na ako bhe, bakit di ka pa kumakain ?! wag ka nga magpalipas ng gutom , magkakasakit ka niyan eh" siya
"wala akong gana eh , mustah ka ?" ako
"ayos lang kahit papaano , nabastos ako kanina , kaya mejo badtrip ng unti . hay naku ! bakit wala kang gana ? sino na naman yang problema mo huh bhe ?? mejo inis niyang sabi
"ahh , ano kasi .. bhe .. hmmm ... " ako
"oh anong ano kasi ?" siya
"wala bhe" ako
"wala ka jan ! kilala na kita nuh , sabihin mo na kasi" siya
"eh kasi bhe , may nalaman ako about sa friend ko , tapos sa iba ko pa nalaman" malungkot kong sabi
"oh anong nalaman mo ?" siya
"wala bhe , maliit na bagay lang yung nalaman ko " ako
"maliit ? may maliit na bagay ? eh bakit ka nagkakaganayan ngayon ? si LoLo dahilan ? si Paula na naman ba bukambibig niya ?" siya
"hindi naman si LoLo bhe eh" ako
"eh sino ? si Jocelyn ?" siya
"hindi din, wag mo nalang problemahin bhe , wala lang talga toh" mas lalo akong nalulungkot ngayon kasi kausap ko yung taong dahilan ng pagkalungkot ko . Mahirap magsinungaling sa kanya . Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kung ano yung nalaman ko >.<
"Sabihin mo nga sa akin yung totoo bhe ! Alam mo na nuh ? Sinabi ba sa'yo ni BRU ?" siya
"huh ? anong alam ko na ? ano yang pinagsasasabi mo?" kunwari di ko alam yung sinasabi niya
"naku bhe , magkatext kayo kanina ni BRU , kanina ayos ka naman nung kausap kita eh. Tapos ngayon bigla ka nalang nagkaganyan. So tama ba ako ? Sinabi na sa'yo ni BRU ?" siya
'Ang sinabi lang naman sa akin ni BRU is about dun sa nabastos ka eh , no more no less. I'm just worried about you bhe, ok ?." akala ko lusot na ako sa reason ko =_=
"i know you bhe, wag ka na nga magsinungaling. Hay naku , kaya ayaw kong sabihin eh. Ganyan ang mangyayari , mas ok na hindi ko ipaalam ." siya
"Ayos lang naman sana na sabihin mo eh , ang ayaw ko lang eh nalaman ko pa sa iba na aalis ka na. Parang iba naman ako sa'yo. >.< " ako
"Naku naman oh bhe ! haixt , wala kasi akong balak sabihin kahit kanino eh , kahit nga sa friends ko. I have my own reason why i take the opportunity to work abroad. Sana maintindihan mo naman yun." siya
" oo na po , sorry . Ayos na ako bhe , XD wag ka na mag-alala . kakain na din po ako. Sige bukas nalang po ulit tayo usap"
Hay naku , bakit ba kasi ako ganito >.< . Sana pala hindi ko nalang siya tinawagan , sana hindi ko nalang nalaman na aalis siya para hindi ako nalulungkot ng ganito. Pero wala akong magagawa , nandito na eh , tatanggapin ko nalang kaysa magmukmok ako ng magmukmok. Itutulog ko nalang toh , para pag dumating yung time na aali na siya tanggap ko na, at wala na akong iisipin pa , kundi mamimiss ko ang mga text niya, tawa niya at ang mga kalokohan niya kahit hindi kami nagkakasama. Atleast kahit papaano eh , may tunay akong kaibigan kahit di pa kami nagkikita. Panatag na ako sa ganun. Buhay nga naman oh

BINABASA MO ANG
FRIENDSHIP TEXTMATE
Short Story~masarap magkaroon ng KAIBIGAN kahit na LONG DISTANCE pa yan ... kasi alam mo na totoo yung friendship niyo ... kaso paano kung isang araw may malaman ka at hindi mo yun matanggap ??? ano kaya mangyayari ???