Simula

10 0 0
                                    

"Wait! Oh gosh, mali!" Humalakhak ako nang makita ang aking asawa na nagkamali ng pindot sa aming nilalaro.

"Hala mali?! Bakit ganon? Patapos na yung oras!" Tarantang tuon niya.

Naglalaro kasi kami ngayon ng asawa ko na si Jayden ng diffusing bomb sa vr box namin. Ako ang may hawak ng modules habang ang asawa ko naman ang nag pumipindot sa box.

"Mahal patapos na yung o-- ow, patay na tayo." Sabi ng aking asawa habang nakasimangot.

Natawa ako sa reaksyon niya nang sumabog na ang aming bomba. Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang kanyang goggles. Nilapag ko iyon sa lamesa at tumingin sa pinaka mamahal kong asawa.

Nakita ko ang kanyang nagki kislapang mga mata na nakakatitig sa akin. Ang mga kurba ng labi niyang nakangiti na siya'y di ko mapigilang halikan. Ang maamo niyang mukha na minahal ko nang sobra. Wala na ako hihilingin pa dahil nasa akin na siya. Kinapa ko ang kanyang mukha at ngumiti sa kanya.

"Jayden, mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal kita din kita, Kate. Hanggang sa mamatay ako, ikaw lang."

Alam ko ang buhay natin ay maikli lamang, pero bakit nung nagsisimula pa lang ako maging masaya, bigla agad ako kinuha? Hindi ko ba karapatan maging masaya?

Ang huling alang-ala na naalala ko sa huling sandali ng aking buhay ay ang pagkakatusok ng metal na bagay sa aking tiyan. 

Malamig ito at sa panahon na ito hindi ko na alam ang dapat na mare reaksyon ko. 

Wala na pumapasok sa aking isip kundi ang tiyan.

"Ang anak ko..." sabi ko sa isipan ko.

Dahan-dahan akong tumingin kung saan ko naramdaman ang matulis na bagay. Hindi ako makasalita at pakiramdam ko nanghihina ako. Wala akong ibang ginawa kundi tuluyan lang umagos ang mga luha ko sa aking mata.

Ginawa ko ang makakaya ko na itaas ang aking ulo para masilip kung sino ang gumawa sa aking nitong karumal-dumal. Kahit nanininig na ako sa sobrang hina, pinilit ko ang sarili ko na mahawakan ang kanyang pisngi. Hindi ko makita kung sino siya dahil nanlilimog na ang aking paniningin. 

Hinawakan ko ang patalim at akmang tatanggalin ko ito sa aking tiyan ngunit diniin pa lalo ang kutsilyo sa aking tiyan. At sa pagkakataon na iyon, alam ko iyon na ang huling pagkakataon na mabubuhay ako.

Mahal ko, Jayden, pasensya na at kailangan na namin lumisan ng iyong anak. Hindi mo man lang alam na may nabuo na sa pagmamahalan natin. Alagaan mo ang sarili mo at mag i-ingat ka palagi. 

                                                                                                                                                                         Nagmamahal,
                                                                                                                                                                                       Kate

The Memory of Kate ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon