Oneshot:
“I want you to wear your white mask and do this activity without speaking or uttering anything,” sabi ng professor ko. “Simple lang naman. Give the paper, let them sign, and then choose another student. Kung ayaw, wag pilitin. Basta ang mahalaga, makakuha kayo ng sampu.”
Nagtinginan kaming magkakaibigan. Pati sila halu-halo ang nararamdaman na emosyon. ‘Di kasi namin alam kung matutuwa ba kami o kakabahan o mahihiya. Pano ba naman, masyadong nakakatanggal hiya ‘tong pinagagawa ni sir.
Okay, given na. May mask nga, so technically, walang makakakilala samin.
Pero kilala namin sarili namin. Behind the mask, mamamatay kami sa hiya.
Naku naman sir! >.<
Let me explain kung anong nangyayari. Ako nga pala si Raine, sixteen years old, at kasalukuyang first year student. Psychology major ako kaya medyo weird ang pinagagawa samin nung prof. ‘Di ko nga magets kung anong koneksyon nitong Mask na’to sa ‘Personality’ na topic namin ngayon.
What’s worse? Paunahan pa!
Gosh naman! Nanginginig na mga braso at binti ko. ‘Di ako sanay na kumilos under pressure at mas lalong socially awkward ako. Nooooo!
“Uy guys ah, sama-sama tayo ah? Kung sino sa inyo, yun na lang din sakin,” sabi ko sa mga kaibigan ko. Nagkasundo naman kami, kaya medyo nabawasan yung kaba ko.
“Okay, ready. Wear your masks,” instructed ni prof.
Sinuot ko na yung white mask ko, tapos nakaready na rin yung yellow paper at ballpen. Simple lang naman. Kailangan lang nilang magsulat dun kung ano masasabi nila samin. Madali lang diba? Madali nga ba? Nakakahiya talaga eh!
Hala, kinakabahan pa rin ako!
“Alright, go.”
Dali-daling naglabasan ng room yung mga kablock ko. Pagtingin ko sa mga kaibigan ko, hala nawala na rin sila! Anyare sa usapan namin na sabay-sabay kami? Tinamaan din yata ng kaba at nagmadali na rin sila! Buti na lang, yung ibang mga students nasa tapat lang. May bilihan kasi ng pagkain nearby, kaya nandun sila sa mga sheds para kumain. Mas mapapadali yung activity!
Thump.
Thump.
Thump.
Yung puso ko parang sasabog na sa sobrang kaba. Hays, bahala na nga!
Lumapit ako sa isang babae at inabot yung papel. Umiling siya tapos naglakad palayo.
Ayy, attitude? Natakot? Ano ba ‘yun? Hala, ang hirap naman nito! >.< >.< >.<
Lumapit ako sa grupo ng mga HRM students. Nagtawanan sila. Grabe, yung pride ko lalo nang bumagsak!
“Uyy, para san yan?”
‘Di ako sumagot. Nilapit ko na lang yung papel.
“What can I say about you?” sabi nung isa, sabay tawa. “Weird.”
Ouch naman! Maka-weird naman!
“Pero di nga, para san yan ate?” tanong nung isa. “Sige ka, hindi kami susulat..”
Aba, nanakot pa! Ako naman, natakot!
“Gagi ka talaga. Sumulat ka nalang. Bawal yata sila magsalita eh!” sagot naman nung isa pa.
Thank you, ate! Lifesaver ka talaga! Thank youuuuu!!
Pagkatapos ko sa kanila, napangiti na ‘ko. Lima sila eh, so lima na lang din yung kailangan ko. This time, dalawang lalaki yung lumapit sakin.
BINABASA MO ANG
Mask of Love (Oneshot)
RomanceOne look was all he needed to do... ...to make me fall in love with him. CREDITS TO HOOBAE FOR THE COVER <3