"Sandali! Mister ano ang pangalan mo?" Tanong ko habang tumatakbo papalapit sa isang lalaki.
Hindi ko maintindihan, hindi ko maaninag ang mukha niya ngunit nasisiguro kong may kulay kastanyo syang mga mata.
"Ang pangalan ko? Hmm, Jai-"
"ANYA! Bumangon ka na riyan at papasok ka pa sa trabaho."
Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ng kaibigan ko. Hindi ko tuloy nakuha ang pangalan nya.
"Ano ba naman yan Dahni! Nanaginip pa ako" napakamot nalamang ako sa ulo dahil sa inis.
Mabilis akong bumangon at bumaba para mag almusal.
"Ano nanaman bang napanaginipan mo at nakanguso ka riyan?" Tanong nya.
"Sya" maikli kong sagot at nakanguso parin.
"Sya nanaman eh ilang taon mo nang napapanaginipan ang lalaking yan ah" pagtatakang saad ni Dahni.
"Nakuha mo ba ang pangalan nya? Baka mahanap natin sya"
"Ay palaka! Ano ba naman yan Levi bigla bigla ka nalang sumusulpot!" Gulat na saad ni Dahni.
"Yun na nga diko nakuha ang pangalan nya."
Habang naglalakad ako wala akong ibang iniisip kundi ang lalaking iyon dahilan para lumagpas ako sa café kung saan ako nagtatrabaho.
"Late ka nanaman Anya?! Ano nanaman to this time ha?! May pulubing tinulungan?!" Galit na sigaw ng boss ko.
"Lumagpas po kase ako-" pagpapaliwanag ko ngunit parang walang pakealam rito ang gurang kong amo.
"Magdadahilan ka pa!"
"Osiya ikaw muna rito at may pupuntahan pa ako."
"Kaya hindi kana nakapag asawa dahil sobrang sama ng ugali mo heh!" Bulong ko at sinumulang mag trabaho.
Para sa akin normal lang naman ang araw na to, may darating na customer at may aalis. Maglilinis ng kalat at paulit ulit lang hanggang matapos ang trabaho ko. Uuwi sa bahay para mag luto, kakain tapos matutulog.
Yun ang akala ko, ngunit ang araw pala na ito ay ang araw na hinding- hindi ko makakalimutan. Ang isang araw na tatatak sa buong buhay ko.
Oras ang lumipas at sa wakas natapos ko rin ang trabaho ko. Gustong gusto ko nang umuwi dahil sobrang napagod ako eh sa dami ba namang customer ngayong araw.
Isasarado ko na sana ang pintuan ng café ng may lalaking nag tatatakbo paparating saakin.
"Miss tulungan moko!" Hinihingal at nag mamakaawa nyang saad.
Nakasuot sya ng kulay berdeng hoodie at may suot rin syang salamin.
"Ha eh? Sarado natong café pasensya na" tanging sagot ko.
"Ibibigay ko kahit anong kapalit basta itago mo lang ako" saad nya at tila takot na takot sya.
Bakit ko naman sya tutulongan eh baka nga kriminal pa tong lalaking to at nag tatago sya sa mga pulis, ayoko nga.
"Sino ba ang humahabol sayo?" Tanong ko dahil sa kuryusidad.
"Ayun! Ayun sila! Itago mo ko bilis" saad nya at hinila hila ang damit ko na parang isang bata.
Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang grupo ng mga kababaihan na nag tatatakbo at sumisigaw.
"Riesse Vergozo! anakan moko mga bente huhuuuu" sigaw nung isang babae na parang baliw.
"Mahal kong Riesse iuuwi na kita sa bahay!" Sigaw naman nung isa.
"Riesse itanan mo na kami!" Sigaw nilang lahat habang taas taas ang isang banner na may nakalagay na "Mahal naming Riesse Vergozo".
"Nakaalis na sila" saad ko habang tinitingnan ang paligid.
Takot na lumabas ang lalaki sa likuran ko ng may narinig akong tumatakbo papalit sa direksyon naming dalawa.
"May paparating, magtago ka bilis!" At mabilis namang nag tago ulit ang lalaki sa likuran ko.
"Mr. Vergozo!" Sigaw ng isang matabang lalaki.
"Nandito ako!"
Dali dali namang lumapit ang lalaki papunta sa kanya.
"Ayos kalang ba Sir? May masakit ba sayo?" Tanong nya sa lalaki na tila alalang alala sya.
"Ayos lang naman ako" simple niyang sagot habang hinuhubad ang salamin na kanyang suot at bigla syang humarap saakin.
"Ikaw ayos ka lang ba?"
Ang mata nya, b-bakit parang nakita ko na iyon dati?
End of Chapter 1 <//3
Thanks for reading!!
Please vote and comment.
YOU ARE READING
A DREAM THAT NEVER LAST
FanfictionSimula noong ako ay bata pa lamang palagi kong napapanaginipan ang isang lalaki. At ang labis na ipinagtataka ko ay, sa panaginip sya ay aking kasintahan at ako ay kanyang pinoprotektahan. Nang minsay tinanong ko ang aking lola tungkol rito ang sabi...