Chapter IX • Falling

704 62 5
                                    

Habang nasa class si austin ay biglang pumasok ang dean sa class nila kaya sabay sabay silang bumati "good morning students. I wanna talk to austin" sabi ng dean kaya lahat ng estudyante ay nag tinginan kay austin "come to my office" sabi ng dean. Si austin naman ay kinabahan na sumunod papunta sa office ng dean.

Pag dating nila ng office ay nakita ng dean ang muka ni austin na tila takot at kinakabahan kaya natawa ang dean "austin. Dont be scared. You didn't do anything wrong" sabi ng dean na natatawa "sorry po. Kinakabahan lang po kasi ako. Ano po ba iyon?" Sabi ni austin

"Nag viral kasi yung live sayo during out reach program nung kumakanta ka. Naka 100k views na yung video mo" sabi ng dean "so... bakit niyo po ako pinatawag?" Sabi ni austin "as you know, 2 weeks nalang open day na ng uni. And a lot of people na gustong pumasok sa music department ay gusto na makita ka na live kumanta" sabi ng dean "po?!?!" Gulat na sabi ni austin

"Oh.. akala ko nasabi na sayo ni javier" sabi ng dean "yes po pero--" si austin "this will benefit not just the school but it will also benefit you as well. Kaya please austin. You still have a lot of time to prepare" sabi ng dean "okay po.." sabi ni austin "thank you austin" sabi ni dean na naka ngiti

Pag sapit naman ng uwian ay pumunta si austin sa club room niya. Pag pasok niya ay nakita niya na nag lalaro ng bola ang sports club sa loob ng club room "oh austin" sabi ni linda "hi" sabi ni austin "oh mukang malalim ang iniisip mo ah" sabi ni linda "si dean kasi pinapakanta ako sa open day ng uni" sabi ni austin. Si jason naman na nag lalaro ng bola ay narinig ang sinabi ni austin

"Really?! Oh my god! Oh bakit parang di ka masaya?" Sabi ni linda "never pa akong kumanta sa stage... im nervous" sabi ni austin "ano ka ba austin. Just do your best. Magaling ka naman. Susuportahan ka namin" sabi ni linda "salamat" sabi ni austin na naka ngiti

"Austin!" Sabi ni javier habang tumatakbo palapit sakanila. Pag tingin ni austin ay bigla siyang niyakap ni javier kaya napa tingin ang lahat ng nasa classroom sakanilang dalawa "bro look" sabi ni xian, pag tingin naman ni jason ay nakita niya na naka yakap si javier kay austin kaya napa taas ang kilay niya

Si austin naman ay bumilis ang tibok ng puso ng yakapin siya ni javier "uh.." si austin na hindi alam ang sasabihin "thank you soooo much! Sinabi sakin ng dean na pumayag ka na para sa open day!" Naka ngiting sabi ni javier "uh oo.." nahihiyang sabi ni javier "if you need something just tell me" sabi ni javier "salamat" naka ngiting sabi naman ni austin

Matapos ng club meeting ay dumeretso si austin sa music room upang mag practice ng kakantahin niya ngunit biglang pumasok si javier "oh why did you stop" sabi ni javier "nahihiya ako mag practice pag may tao" sabi ni austin "oh... sige... hintayin nalang kita sa labas" sabi ni javier "hindi na, 7 na oh, umuwi ka na" sabi ni austin "kaya nga ako nandito eh, 7 na. Gabi na. Delikado umuwi ka mag isa" sabi ni javier

Si austin naman ay kinilig sa mga sinabi ni javier kaya napa ngiti siya at muli nanamang bumilis ang pag tibok ng puso "uupo lang ako sa labas" sabi ni javier na nala ngiti

Habang nag hihintay si javier sa labas ng music room ay nakita niya si jason na nag lalakad palapit at may hawak na inumin "oh jason" sabi ni javier "javier.." sabi naman ni jason "bakit ka nandito sa music department? May kailangan ka ba?" Sabi ni javier

Si jason naman ay tumingin sa paligid at tila nag iisip ng isasagot "uh.... ano.... kasi..." sabi ni jason "can i ask you something?" Sabi ni javier na tila seryoso "oo" sabi ni jason sabay upo sa tabi ni javier

"Close kayo ni austin?" Sabi ni javier, nagulat naman si jason sa tanong ni javier "austin? Sinong austin?" Sabi ni jason, si javier naman ay nakita ang muka ni jason na halatang nag sisinungaling kaya natawa siya ng kaonti "hindi ka sanay mag sinungaling" sabi ni javier na natatawa

My Childhood Frienemy | boyxboy | (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon