TEARS 1

268 4 0
                                    

Madami ang nagbago simula ng maging isang ganap na Mrs. Samaniego na si Asheira. Akala niya ay magiging masaya na siya pagkatapos niyang ipagpilitan ang kasal nila ng kanyang minamahal na si Adam Samaniego.

Si Adam Samaniego ang tagapagmana ng Samaniego Hotel and Resort na isa sa pinakamalaking HR sa buong mundo. Ang Samaniego ang isa sa katunggali ng Romualdez pagdating sa business.

Para sa mga tao, ang dalawang pamilya ay mayroon malaking hidwaan. Pero, ang totoo wala talagang gulo sa pagitan ng mga ito.

Dahil sa pagkakaroon ng issue tungkol sa kanilang pamilya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na sabihin ang balak niya para mapatunayan sa lahat na nasa good terms ang Samaniego at Romualdez.

Ang pagpapakasal nila ng nagiisang anak na lalaki ng mga ito. Hindi sangayon ang mga magulang nila sa una, lalong-lalo na si Adam. Pero wala na itong nagawa ng kalaunan ay pumayag na rin ang pamilya ng mga ito.

Siya na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo sa pagiisip palang na ikakasal na sila ni Adam. Ang lalaking matagal na niyang napupusuan.

♥♥♥

Dalawang buwan na simula ng ikasal sina Asheira at Adam. Dalawang buwan na rin itong umuuwi ng lasing o hindi kaya'y may kasamang babae. Sa dalawang buwan na 'yun, hindi niya maiwasang hindi masaktan.

Sa umaga, isa siyang katulong kung ituring. Sa hapon, isa siyang battered wife at kung gabi isa naman siyang The Crying Baby.

Iyak lang naman ang katapat ng lahat ng sakit na nararamdaman niya. Sabi niya noon, magsisimula na siyang sumaya ng husto. 'Yung mas masaya siya kaysa nung kasama niya ang mga magulang niya. Pero hindi, kasi lahat pala ng akala niya ay hanggang akala lang.

"Ahh.. Ohh.. Yes Adam! Fuck!!.."

Halos lagutan na siya ng hininga dahil sa naririnig. Aaminin niya, nasasaktan siya. Bakit kailangan pa kasi nitong maghanap ng iba kung nandito naman siya? Ano bang wala sa kanya na meron sa mga babae nito?

"Adam! Ahh... Fuck Babe!! That's it!....."
Ungol ng babae.

"Babe, ohh! Please! Im c-cu-cumming!"

"Ohh. Yes! Moan my name! Scream my name.. Slut!"

Para siyang sinasaksak ng marining ang mga ungol ni Adam. Parang siya nitong nililibing ng buhay sa sementeryo ng mga heartbroken.

Nakatayo lamang siya sa harap ng pintuan ng kwarto ng asawa. Hindi niya maigalaw ang mga paa at lumayo na roon. Maya-maya pa ay narinig na niya ang sigaw ng dalawa na para bang naabot na nila ang sukdulan.


Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Para siyang pinako sa kinatatayuan at hindi na siya makaalis.

Paano kapag nakita niya ako dito? Anong gagawin ko? Sabi niya sa sarili. Ano naman ba kung makita siya ng asawa niya?

Nakatingin lamang siya sa doorknob ng pinto. Maya-maya pay'y bigla itong bumukas at iniluwa no'n ang isang babaeng magulo ang buhok at ang asawa niyang abala sa pagsusuot ng boxer shorts.

Maganda ang babaeng kasama ng asawa niya ngayon. Hindi 'yon maikakaila ni Asheira. Kahit sinong lalaki ay mabibighani nito dahil makinis ang babae at mahahaba ang biyas. Katulad niya, halata mong anak din ito ng mayaman.

Bigla ay nakaramdam siya ng insecurities sa katawan na kahit kailan ay hindi niya naramdaman. Sa kalagayan niya ngayon, mas maayos pa ang alagang hayop sa kanya.

Nailang siyang bigla ng padaanan siya ng babae ng tingin mula ulo hanggang paa. Wala magawa si Asheira kung hindi ang yumuko pero, bago pa man siya yumuko ay nakita niya ang mukha ng asawa na parang naiirita sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears Of  A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon