Introducing My Dreams

6 0 0
                                    

Puting kurtina, puting mga bulaklak, at puting damit. Ganito ang nakikita ko sa aking dinaraanan. Marami ang nakatingin sa akin, bakas sa kanilang mukhang ang saya, nakapagtataka dahil bakit ako naglalakad na may hawak na mga asul na rosas. May naghihintay ba sa altar?

Madali akong lumingon sa altar, aba mayroon nga. Tila pamilyar sa akin ang kanyang mukha. Matangkad, matipunong pangangatawan, mapupungay na mga mata, may makapal na kilay at ipinapakita niya ang kanyang dimples na pagkalalim-lalim.

Paulit ulit kong kinurap ang aking mga mata. Tama, siya nga ang lalaking paulit ulit ding lumalabas sa aking panaginip.

Tumuloy tuloy ang aking paglakad, excited ako na para bang hindi maintindihan ang nasa loob. Anytime  parang may sasabog.

Ngumiti ako sa kanya dahil patuloy ang kanyang pag-ngiti sa akin. Kinikilig ako. Ito ang pinapangarap kong kasal.

***kriiiiiiiiiiiiiiiiiinnngggggggggggggg......

***kriiiiiiiiiiiiiiiiiinnngggggggggggggg......

***kriiiiiiiiiiiiiiiiiinnngggggggggggggg......

Teka ano ba ang tumutunog na iyon. Lumingon ako sa aking paligid, parang unti unting naglalaho ang mga tao doon,

Si mama, si papa, ang mga kapatid ko parang usok na lumilipad ang kanilang pag laho.

Agad akong lumingon sa altar. Ang lalaking kanina pa sa akin nakatingin at naka-ngiti ay unti unti na ring naglalaho.

"Sandali.. saan kayo pupunta? Hindi pa tayo nagsisimula."

Naramdaman ko na lang na umiinit ang aking pisngi. Kinapa ko ito, Oo, umiiyak ako dahil nakikita ng aking dalawang mata ang unti unting paglaho nila.

Wala akong masambit na mga salita. Tila napipi na ako. Ang pag iyak ko lamang ang naririnig ko.

***kriiiiiiiiiiiiiiiiiinnngggggggggggggg......

***kriiiiiiiiiiiiiiiiiinnngggggggggggggg......

***kriiiiiiiiiiiiiiiiiinnngggggggggggggg......

***kriiiiiiiiiiiiiiiiiinnngggggggggggggg......

***kriiiiiiiiiiiiiiiiiinnngggggggggggggg......

Eto na naman ung tunog. Tumigil ka na. Hindi ko na makita ang mga tao sa aking paligid.
Umiiyak na naman ako.

Pinipilit kong idilat akong aking mga mata.
Eto na naman ung pakiramdam. Pakiramdam na hindi makahinga, hindi makapagsalita, hindi maibuka ang bibig. Iyak lang ang paulit ulit kong naririnig.

Tama na. Kailangan ko nang gumising.

Gumising sa katotohanang wala na sila.
Wala na ang aking mga pinakamamahal.

Sa patuloy na pagpilit na dumilat, nasilayan ako ang munting liwanag na nagpupumilit pumasok sa aking bintana.

Puting 4 na sulok na naman ang aking nakita. Nasa hospital pala ako. Ilang araw na ba ako dito. Siguro nsa 1, 2 o 3 linggo na akong nandirito.

Hanggang ngaun ay sariwa parin sa aking isipan ang mga nangyari. Ang malalakas na putok ng baril. Ang pag-karipas ng takbo ng ibang bisita.

At higit sa lahat...

Ang pag-agos ng dugo sa aking paligid.

Si mama,

Si papa,

Si Zeus,

Si Athena,

At ang pinaka-mamahal ko...

Si Apollo.

Napabaluktot na lang ako sa aking kama. Humagugol na ako dahil hindi ko na sila makikita pa.



Napabalikwas si Auntie Hera at agad na lumapit sa akin.

"Ssshhhhh, tahan na, andito ako."

Agad ko siyang niyakap, palaging sa ganitong posisyon ako nadadatnan ni auntie, siya man ay namatayan ng pamilya.

Tanging kaming dalawa lamang ang nakaligtas dahil agad aking nakatakbo sa pangyayari.

Alam kong siya din hanggang ngaun ay nagluluksa sa pagkawala ng kanyang asawa at nag-iisang anak pero heto siya at binabantayan at inaalagaan ako.

"Auntie..."

"Ssssshhhhhh, dont worry andito ako.
Kailangan nating magpalakas para sa kanila. Hinihintay nila ang hustisyang para sa kanila. Kaya kailangan mong magpagaling."

Tahan na.

Tanging pagtapik ng kanyang kamay sa aking likod ang aking nararamdaman. Palagi niya itong ginagawa sa twing aatakihin ako ng aking mga panaginip.

Mga panaginip na gusto ko nang mawala upang makausad na ako.

Makausad sa aking buhay.

Hinihintay na ako ng aming kumpanya.

Ang kumpanyang itinayo ng aking mga magulang kasama sila Auntie Hera at Uncle Aries.

Unti unti nang bumibigat ang aking mga mata.

Sana sa aking pag gising, wala na ang sakit na dulot ng mga panaginip.













-- and that's for the first Part.
Anyways, newbie po ako sa pag susulat sa wattpad. Humihingi po ako ng inyong suporta.

Will update soon.

** DConnected

Living My Dream To RealityWhere stories live. Discover now