Tahimik akong naglalakad papasok ng paaralan. Nag-aaral ako sa "University of Sollido" mula elementary at hanggang sa ngayong patapos na ako ng high school ay dito pa rin ako nag-aaral. Isa ako sa mga estudyante na naka passing the entrance exam at nabigyan ng scholarship.
Tahimik lang ang buhay ko. Walang ingay, may bully at boring na matatawag. Wala akong kaibigan at hindi ko naman kailangan yon.
Naglakad ako papunta sa hagdanan. Nasa taas pa ang classroom ng fourth year at doon nakalagay ang pangalan at sections. Nang nandito na ako sa fourth year building ay nakita ko ang mga katulad kong estudyante na nag kokompulan at hinahanap ang kanilang mga pangalan sa long bondpaper na nakadikit sa dingding.
Marami pa ang nag kokompulan kaya lumayo mo na ako sa kanila at hihintayin na lang silang matapos. Maglalakad na sana ako papunta sa teresa ng paaralan nang mabangga ako ng isang lalaki. Bumangga ako sa matigas na dibdib niya.
"S-sorry..." Mahinang pag hingi ko ng tawad. Inayos ko ang uniporme ko.
"Hoy, ang lakas mo namang banggain ako. Hindi mo ba ako kilala, huh?!"
Hindi ako nag angat ng tingin sa kanya at yumuko na lang. May naririnig akong mga bulong bulongan ang ibang naririnig ko ay sa mga babae.
"Bulag ba siya? Hindi niya ba nakikita na nadadaan si, RK?" Bulong pa nong isa.
"Baka nag papansin lang yan?"
"Sino yang babae?"
"I don't know she's not popular."
"Must be, RK's, crazy fan..."
Marami pa akong naririnig na binubulong nila sa akin. Siguro, ganoon na lang ka sikat ang na bangga kong lalaki para mag bulong bulongan sila. Pero mali ang mga sinabi nila at hindi ko naman kilala ang lalaki na ito. At hindi ko sinasadya na mabangga siya.
"Sorry. Sa susunod titingin na ako sa dadaanan ko."
"Alis." Binangga niya ang balikat ko bago naglakad palayo. May nakasunod pala sa kanya. Tatlong nakasuot ng rubber shoes sila.
Nahihiya ako sa nangyari dahil sa sariling katangahan ko. Dapat tumingin ako sa daan para hindi ko siya mabangga at hindi na magkaroon ng mga bulong bulongan. Kilala ko ang mga babae dito lalo na iyong mga babaeng may mga binubulong. Hindi ko kilala ang mga pangalan nila pero alam ko kong gaano sila kasikat sa paaralan na ito. Anak sila ng mga mayayaman kaya sikat sila dito.
"Excuse me." Naglakad ako papunta sa long bondpaper para mahanap na kong nasaan na section ako. Ayaw kong mag tagal dito at hindi naman ako nababagay sa lugar nila.
Fallen Chandran Alleno.
"Section A-" Nagulat ako ng tinulak ako ng isang lalaki. Lumipad ako at nabangga ang likod ko sa matigas na pader. Napangiwi na lang ako sa sakit ng kumirot ang likod ko.
Nagtawanan ang mga nakakita at wala man lang ni isang tumulong sa akin. Kagaya ng dati tinatawanan lang ako at hindi tinutulongan. Noong unang tong tong ko dito sa paaralan ay yon na nagsimula ang pang bu bully nila sa akin. Kahit wala naman akong ginagawa ay bi ni bully pa rin nila ako.
"Hoy, Jefferson! Bakit mo yon ginawa? Gago ka!" Boses yon ng isang lalaki. Brosko ang boses niya.
"Anong pakialam mo, Vin? Bakit papalag ka?"
"Aba! Gago ka, ikaw na nga nanulak ikaw pa matapang? Ano? Suntukan na lang?" Hamon pa nong broskong lalaki.
"Sige, at hindi kita uurongan. Ano? Dito na lang?!"
Kung nag aaway sila dahil sa akin ay imposible iyon. Baka dati ng mag kalaban ang dalawa at na siyimpohan lang na nakita niyang tinulak ako. Umayos ako ng tayo at nakayukong nag lakad sa classroom ng section A. Ayaw kong isipin na pinagtanggol ako ng broskong lalaki na yon. Dahil hindi naman niya ako kilala at hindi ko rin siya kilala.
YOU ARE READING
To be Yours
Teen FictionFallen, who is a simple and silent girl. Only go to school and then locked her self to her room. She doesn't want to go parties like mostly teenagers do now and she don't want wasting her time with other people. Her rather be alone than wasting for...
