Chapter 54

297 5 4
                                    


Shein's POV

Ang bilis ng araw. Sa sabado na ang wedding namin ni Kynne.

"Babe, two days lang tayo hindi magkikita"sabi ni kynne

"Eh ayoko nga, gusto ko lagi kitang nakikita"sabi ko

"Love naman kailangan natin sundin yung sinasabi ni lola okay? It's a tradition baby"sabi niya

"Sige na lumayas kana!"sabi ko at tinalikuran siya

Tumakbo ako paakyat sa hagdan

"Dammit! Shein careful!"sigaw ni kynne pero dali dali parin akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa kwarto

Hey little one bakit kasi ang arte mo? Dalawang araw lang naman natin hindi makakasama ang daddy mo.

Patagilid akong humiga sa kama at nakatalikod ako sa pinto

Ramdam kong bumukas ito mukhang may pumasok, hanggang sa maramdaman kong lumubog ang kabilang bahagi ng kama at naamoy ko ang pabango ni kynne

Nagsimula ng tumula ang luha ko sa hindi alam na dahilan.

Bakit ang iyakin ko? Grabe ko naman maglihi

"Love"sabi niya at niyakap ako mula likod at hinimas niya ang tiyan ko "two days lang love please"sabi niya

"Sabi ko umalis kana diba?bakit nandito kapa?"tanong ko

"Baka hindi mo ako siputin sa kasal"sabi niya

"Umalis kana inaantok nako"sabi ko at tinalikuran siya

"Okay i love you, see you on our wedding"sabi niya at kiniss ako sa pisnge at sa tiyan

Ilang oras lang nakalipas ng umalis si kynne at biglang nagtext si mika

Miks:

Girl sunduin ka namin ni france kailangan may bachelorette ka din.

Ako:

Baka di ako payagan ni lolo

Miks:

We already talked to him, come on we're waiting outside.

Dali dali akong nagbihis at lumabas ng mansion

"Tayong tatlo lang?"tanong ko

"Oo, don't worry di naman tayo mag iinom"sabi ni france

"Saan ba tayo?"tanong ko

"Sa bahay ni miks, andun si francis eh"sabi ni france

"Oh great! Gusto kong makita si baby francis"sabi ko

Nakarating na kami sa bahay ni miks at andun nga ang anak ni France na si francis

"Hello po tita"bati ni francis

"Hello namiss kita"sabi ko

"Ako din po namiss ko kayo ni tito kynne"sabi niya

"What is this?"tanong ko ng may iabot sakin si miks

"Mag papajama party tayo"sabi niya

Natuwa pa ako dahil pare parehas kami pati si francis kasali

"Anong gagawin natin?"tanong ko

"Kakain,manonood ng tv "sabi ni mika

"Great!"sabi ko

Nagpicture picture pa kami kasama si francis

"Look ang cute natin dito"sabi ni france

"Send mo nga sakin istory ko sa ig"sabi ko

Sinend na sa akin ni france yun kaya minyday ko na at nakita kong nagview agad si kynne

Kynne.Alvaro: who told you that you're allowed to go out?

Kynne.Alvaro: dammit you're pregnant!

Kynne.Alvaro: you're supposed to be in home!

Kynne.Alvaro: answer you goddamn phone babe.

Bahala siya dyan galit ako sakanya

"Oh anyare? Bakit nakasimangot ka dyan?"tanong ni france

"Wala naman"sabi ko

"May problema kayo ni kynne? Hoy ikakasal na kayo ah"sabi niya

"Wala toh, thankyou kasi pinasaya niyo ako ngayong araw"sabi ko

"Alam kasi naming malungkot ka nasabi kasi ni kynne samin na nainis ka daw kanina nung umalis siya"sabi ni mika

"Pero diya niya alam na papapuntahin ka namin dito"sabi ni france

"Hayaan niyo na manood nalang tayo"sabi ko

Kynne.Alvaro: are you still marrying me?

Kynne.Alvaro: are you mad?

Kynne.Alvaro: baby?

Pinatay ko na lang yung phone ko dahil naiirita talaga ako sakanya

Hanggang sa biglang magring ang phone ko

It's Pietro!

"Guys excuse me lang"sabi ko at nagtungo ako sa isa sa mga kwarto

Videocall kasi yun

"Hey pretty girl you're getting married huh"sabi ni pietro

"Ahm yes, finally"sabi ko

"Wow congrats and best wishes to you"sabi ni pietro

"Yeah thanks"sabi ko

"So how are you? And your kids?"tanong niya

"We're okay still healthy"sabi ko

"That's good"sabi niya

"Yeah"sabi ko

"Okay i just greeted you I'll hung up now my wife will punch me if she see us talking haha"sabi ni pietro

"Okay bye pietro"sabi ko

Bumalik na ako sa sala at naupo hanggang sa biglang tumunog ang phone ko.

Kynne.Alvaro: care to tell me what is this?

kynne.Alvaro: send a photo

Yung videocall namin ni pietro

Tsk bahala siya dyan

Alvaro Series 3: To Be HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon