Chapter 2

8 0 0
                                    


*** ***Criiinnnggggggggggg*** ***

A/n: School bell yan guys wag kayong anu. HAHAHA

----------------------------------------------------

Hay! Salamat at Break time na kanina pa'ko gutom at inaantok ako. Bat ba kasi ang tagal ng bakasyon? -_-

Agad akong tumayo sa upuan ko at lumabas na.
"Macey wait!" Huminto ako at tiningnan ng masama si Felly.
"Anu nanaman ba Felly?" Bored kong tanung.
"Sabay na tayo pumunta sa cafeteria"

Naglakad na kami patungo sa canteeen , hndi na'ko pumalag sa kanya dahil gutom na gutom na ako. Amp!

Pagkatapos naming kumuha ng pagkain pumunta na agad kami sa table namin. Yeah! We have our own table here. Na kaming dalawa lang ni Felly ang pwedeng umupo. Ganyan talaga basta MAGAGANDA *Flip hair*

Tahimik lang kaming kumakain ng biglang nagsisigawan ang mga kababaihan sa loob ng canteen. Lumingon lingon ako. At grabe lang halos lahat ng babae at feeling babae ay nag aayos ng mga itsura nila.

What's happening ba?

"Pst. Felly anung meron?" Tanong ko kay Felly na busy'ng busy sa paglamun ng pagkain nya. Nagkibit balikat lang sya.

"Kyaaaaa. Anjan na sya!"
"Oo! Grabe ang gwapo nya shet!"

Napalingon kami ni Felly sa katabing table namin na nag uusap.

Ugh! Anu bang meron?

Nasagot lamang ang katanungan ko nang biglang bumukas ang pintuan ng canteen at biglang natahimik ang lahat. Tiningnan ko si Felly at....... Nakanganga sya. Na nakatingin sa may pinto. Naka talikod kasi ako sa may pinto kaya

Lumingon ako at............................


:O

Nakita ko sya.

Papunta sa table namin

Papalapit ng

Papalapit.

Hanggang sa makalapit na sya sakin

At....


"Miss baka pasukan ng langaw yung bunganga mo" nabalik lang ako sa reyalidad ng hawakan nya ang baba ko at isinara ang bunganga ko.

Shet! Don't tell me na nakanganga din ako katulad ni Felly?

"Mukha kang tanga miss. Haha" sabi nung. Te-teka what did he say?

Tumayo ako at tumingin ng diretso sa kanya. "What did you say?"

Inis kong tanong. Aba sino ba sya para sabihan ako ng tanga.

"Stupid" sabi nya. Aba at.... " a What?" Irita at inis kong tanong.
" tanga ka na nga bingi pa." pagkatapos nyang sabihin yun tumalikod na sya. Aba at talagang sinusubukan ako ng hinayupak na'to. Kinuha KO yung tubig ko at.
" Hoy! " tawag ko sa kanya. Bigla syang huminto. Lumapit ako ng konti, pagkalingon nya.

******* Splasssshhhh *******

Binuhos ko ang isang basong tubig ko sa pagmumukha nya.
" baka kasi hndi kapa naliligo MISTER! at Una sa lahat hndi ako TANGA. pangalawa Hindi rin ako BINGI!" Galit na saad ko. Ang yabang nya akala mo naman kung sino. ><

Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa table namin kanina at kinuha ang bag Ko. Umalis na ako dun nakakabwisit argh!!!!

Sumunod naman sakin agad si felly . "Macey wait!!!" Hingal na hingal syang nakarating sa tabi ko. Dirediretso parin ako sa paglalakad ko. Naiinis talaga ako sa lalaking yun! Argh!! Sino ba kasi yun? Leche!

"Uy! Grabe ka gwynn. Panu mo nagawa yun sa cute, gwapo, at hot na lalaki like him?" Napahinto ako sa sinabi netong babaeng to.

"CUTE?? GWAPO ??? HOT??? YUN??? YUCK! Felecitas tumigil tigil ka nga. Hindi sya cute, gwapo o hot! Leche bwisit sya! Ang kapal ng mukha!!" Mabilis akong naglakad Hindi ko na hihintayin yung babaeng yun. Uuwi na ako. Hndi pa tapos yung klase ko pero uuwi na talaga ako. Badtrip !!

"Teka! Bat kaba galit dun? Wala naman syang ginawa sayo ah. Sa katunayan ikaw pa nga yung may ginawa sa kanya" naabutan nya pala ako. At anu raw?

"So kinakampihan mo pa sya? Hindi mo ba nakita yung pagpapahiya nya sakin? Sinabihan nya akong tanga at bingi! At Hindi ko matatangap na sinabihan nya'ko nun." Tuloy tuloy kong sabi. "E kasi naman gwynn. Nakanganga ka kanina nung nakita mo sya. Hahaha. Para ka naman talagang tanga kanina" napahinto ako sa sinabi nya. "What the heck! Felly at sumang ayon ka pa talaga? Really? Best friend ba talaga kita?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Oo Hindi ako naging mabuting kaibigan sa kanya pero. Duh? Were best friends at dapat Hindi nya kinakampihan ang hinayupak na yun.

Naglakad na ako ulit. Bahala sya magsama sila ng lalaking yun!

"Macey wait!!!! Uyy.. Eto naman nagtampo agad. Hndi naman sa ganon pero ksi... Bat ka nga ba nakanganga?" Tanong nya sakin.

"Uiii. Nagwapuhan ka rin sa kanya kanina no? Yiee kaya ka nakanganga kasi na starstruck ka " panunudyo nya sa kin. What the!!

"WTF! Felly ako? Nagwapuhan sa kanya? A —" natahimik ako at biglang nag flashback yung nangyari knina.

Ang gwapo nyaaaa

"Macey! Macey! " nagulat ako ng kurutin ako ni Felly.
"ARAY! Anu ba Felly. Bat kaba nangungurot?" Inis kong tanong

"E kasi po bigla ka nalang natulala Jan. Tinanong lang naman kita ng — wait! Nag dedaydream ka macey! Yiiee! "

Inirapan ko lang sya at nag lakad na ulit,

" oo nagwapuhan ako sa kanya pero. Duh? Ang sama ng ugali!" Yamot kong sabi. Totoo naman eh.

Gwapo Sana kaso ampanget ng ugali.

Ang YABANG! ><

**************

A/n : medyo sabaw yung part dto. Hahaha. Pasensya guys I'm not feeling well kasi . by the way keep reading :))

Inis at First Sight(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon