Prologue

10 0 0
                                    

"Ma, Kailangan mo ba talagang umalis?" tanong ko. Napatingin naman sakin si Mama alam ko ayaw niya din umalis

"Napag-usapan na natin ito anak diba? Alam mo namang wala na tayong sapat na pera para sa pangaraw araw nating gastusin. Dahil lahat ng iyon ay napunta sa burol at libing ng tatay mo at binayad natin sa hospital nung nabubuhay pa siya" aniya.

Naiintindihan ko naman 'yon e, ayoko lag talagang umalis si mama. Dahil wala na akong kasama dito, bukod kay Auntie.

Namatay si papa dahil nagkaroon siya ng Heart failure. Late na namin ito nalaman kaya hindi na masyado naagapan. Miss na miss ko na nga si papa ko. Malapit ako sa kanilang dalawa ni mama dahil bukod sa nag iisang anak lang ako, never naman nilang pinaramdam na dapat lumayo ang loob ko sakanila.

"Alright ma, basta yung mga paalala ko sayo ha? wag masyado magpakapagod, laging uminom ng gamot" naputol ang sasabihin ko dahil tinuloy na ito ni mama.

"at magpahinga" tuloy niya. Natawa na lang kami pareho

"Anak pang ilang beses mo na saking sinabi yan. Nakabisado 'ko na kita mo? Wag ka mag alala saakin. Kaya ni mama ang sarili niya. Ikaw ang mag ingat dito dahil ang Auntie mo lang ang makakasama mo"

"yes ma, maghahanap din ako ng pwedeng pasukan na trabaho para kahit hindi ka magpadala ay may pang gastos ako atsaka pang ambag sa bayarin dito."

Nginitian naman ako ni mama atsaka nagpatuloy mag ayos ng mga gamit niya. Mamayang gabi na ang alis niya at hindi ko maisip kung anong pwedeng mangyari sakin dito habang wala siya sa tabi ko.

Napapaisip ako kung bakit ang aga ko namang maranasan ang mga bagay na 'to. Gustuhin ko mang sabihin kay Mama na wag siyang umalis ay hindi rin pwede, dahil tulad ng sabi niya wala na kaming pera. Napabuntong hininga nalang ako atsaka tinulungan si mama mag impake.

Alas nuwebe na ng gabi, alas onse ang alis ng eroplano ni mama. Napatingin naman sakin si mama.

"Oh Rel, kumilos kana dyan at baka maiwan ako ng eroplano." Tinignan ko lang siya at nalaman niya naman agad ang ibig sabihin nito. "Uulitin ko na naman ba ang dahilan rel?"

Ngumiti lamang ako at umiling. Binuhat ko na ang ibang gamit ni mama at inilagay ito sa arkilang taxi namin. Habang nasa byahe binilinan na ako ni mama. Napuno ng bilin niya ang buong byahe namin. Nang makarating kami sa NAIA ay agad na naming inayos ang mga bagahe ni mama.

"Ang mga binilin ko sayo Aurelie ha?"

"Yes Ma, tumawag ka sakin lagi tuwing may free time ka, wag kang magpapagod masyado, u-uminom ka n-ng vitamins at gamot mo o-okay?" ani ko habang pinipigilan ang mga luha kong ready'ng ready ng tumulo.

Niyakap ako ng mahigpit ni mama kaya hindi ko na natiis at napaiyak na ko. Agad ko naman itong pinunasan at ngumiti kay mama.

"Sige na ma, baka maiwan kana ng eroplano. Sige ka niyan, hindi na talaga kita paaalisin. haha" Kunwaring tawa ko para hindi halatang gusto ko na talagang umiyak.

Napatawa naman si mama atsaka ako niyakap ulit. "Osya sige, mag ingat ka ha? I love you anak"

"Love you too mama. Ingat ka doon, tawagan mo ko lagi"

Tinanguan niya ako atsaka hinila ang bagahe niya. Lumakad na siya papasok habang ako ay nakatingin lag sakanya. Kumaway muna siya muli sakin bago pumasok. Napatingin ako sa eroplanong kaka alis lang kasabay ng pagtulo ng luha ko dahil alam kong mas nahihirapan si Mama na umalis kapag pinakita kong mahina ako.

'I'll miss you ma..'

AwakenWhere stories live. Discover now