"Dear diary, natatakot ako... kasi naman diary buntis nga ako diba pano ko kaya to sasabihin sa bf ko at kila mom & dad? alam mo naman na ayaw ko silang nag aalala and kailangan nilang mag focus sa bussiness namin. ayaw ko na lang dumagdag sa sakit ng ulo nila"
"Dear diary, nasabi ko na kay Rome na buntis ako :'>, sino si Rome? haha sya bf ko no! alam mo diary kung makakausap mo sya ay panigurado magugustuhan mo sya para sa akin and mabait kasi sya, magalang, gwapo at matalino kaso nga lang pano to? 17 lang ako diba tapos preggy na ako"
"Dear diary, 1 week na akong hindi kinakausap ni Rome :( bakot kaya? ah! baka nag iisip lang ng name ng baby namin :'> pag babae isusunod ko sa pangalan ko magiging 'Athena Samantha' kapag naman lalaki 'Rome Samuel' ayieee ang ganda ng name ng baby namin!!! wait nga next time na lang ulit diary nanghihina ako eh...baka dahil sa pag bubuntis"
"DIARY!!!! NAKIPAG HIWALAY SAKIN SI ROME!! BAKIT?! BAKIT NGAYON PA?! PANO NA YUNG BABY NAMIN?! DIARY ANO BA!! SUMAGOT KA NAMAN"
"Diary, andito ako sa hospital alam na nila mom and dad na buntis ako :( sa totoo lang nadisapoint daw sila sakin pero ano pa daw bang magagawa nila andito na to. alagaan ko na lang ng mabuti si baby ko kaso pano ko sya maaalagaan eh diary sabi sakin ng doctor may brain cancer daw ako...stage 2 na p-pano na yung anak ko diary? Pano na sila mom at dad... diary bestfriend ko nasan ka na ba? b-bakit hindi ka sumasagot sa mga sulat ko? are you mad? anong nagawa ko bes please tell me... pumunta ka naman dito sa hospital miss na kita eh"
"diary 1 month mahigit na kitang hinihintay :( hindi ko na kaya bes napapagod na rin ako, naaawa na rin ako kila dad lalong lalo na kay mom. hanggang ngayon hinihintay kita :( hindi na rin ako natutulog ng gabi para malaman ko kung pumunta ka...naaawa na rin ako kay dad na pabalik-balik sa post office pag papadalhan kita ng sulat...hindi ko sinasabing pabigat ka bes ang point ko lang eh pagod na ako kasi yung taong hinihintay ko mukhang wala talagang balak magpakita sa akin...bes please tell me why, bakit bigla mo na lang akong iniwan sa ere? masakit bes, mas masakit pa to sa nararamdaman ko kada oras pag sasakit ang ulo ko at bilang manghihina...dad alam kong binabasa mo yung mga sulat na pinapadala ko kay bes, dad mahal na mahal ko po kayo ni mom...i'm really sorry kung nadisappoint ko kayo huh? dad mag palakas kayo ni mom pag nawala na ako...ayokong makikita ko kayong umiiyak kasi malulungkot ako..dad please be strong kasi po kailangan na kailangan ka ngayon ni mom, ikaw rin mom magpalakas ka para kay dad okay? kailangan nyo ang isat-isa para hindi kayo masyadong malungkot pag nawala na ako...i'm sorry kung naging burden ako sa inyo, kung mababalik ko lang yung oras itatama ko lahat ng mali ko. Mom, dad, and diary i'm really sorry...matutulog na ako ha? hanggang dito na lang -Athena"