Wait lang, wag kang atat!

242 7 3
                                    

Mahilig ako sa author's note, pake mo?!

Peace yow!

---------------------------------------------------

"Gunting!"

Titig na titig ako sa ginagawa ko. Pinunasan ko ang pawis ko gamit ng likod ng kamay ko na naka-gloves pa. Mas itinapat ko pa sa ginagawa ko ang lamp shade ko dahil madilim sa buong kwarto. Inabot ko ang binigay na gunting sakin ng kapatid ko, si Melody.

"Colored paper!"

Ibinigay naman niya agad ito sakin at maingat ko itong ginupit. Nakakagat pa ko sa labi ko. Kailangang maging maingat ang lahat kundi may buhay na masisira. At akin yun.

"Glitters!"

Binigay niya sakin ang bote ng glitters at dahan-dahan ko itong ibinuhos.

"Ilaw!"

Tumalon sa kama ko si Melody at binuksan ang ilaw tsaka ako tumayo.

"Voila! Tapos na! Buwahahaha!"

Sabi ko habang taas-taas ko pa ang card na ginawa ko. Tinignan ko ito. Punong-puno ng glitters ang buong card maliban sa part na bumubuo ng hugis puso. Binuksan ko ito at nag-pop ang isang puso na punong-puno ng glitters. Binuksan ko ito at binasa ang sulat ko.

Mahal kong Carl,

It's been 4 years. First year ako ng maging crush kita. Pero hindi na kita crush ngayon kasi mahal na kita. At dahil graduating na tayo, hindi ako papayag na hindi mo malaman ang feelings ko.

Mahal kita, matagal na. Di mo lang alam.

-Halley!

"Kyyyyyaaaaaahhhhh!"

Niyakap-yakap ko ang ginawa kong card tsaka nagtatalon sa kama.

"Ate, make baba nga. You're so OA talaga."

Tinignan ko ang kapatid kong nakapamewang pa.

"And you're so arte! Aarrgghh! Tigilan mo nga ang conyo language mo ha! Feeling mo naman ikaw yung bida dun sa binabasa mong wattpad story!"

"At kung maka-act ka diyan, feeling mo you already gave that to that panget at in-accept niya sa puso, sa isip, sa salita at sa gawa with open arms!"

Sumalampak ako ng upo sa kama. Oo nga noh? Paano ko ito ibibigay sa kanya? Tanggapin niya kaya?

"Ate, make listen to your pinaka magandang sister nga."

Sabi niya sabay tabi sakin dito sa kama.

"May choice pa ba ako? Sabagay, ikaw nga naman ang pinakamaganda kong kapatid kasi hindi naman babae si Kuya. Kaya no choice talaga ako."

Bulong ko.

"What are you sinasabi, Ate?"

"Wala. O ano na? Anong sasabihin mo sakin?"

Huminga siya ng malalim na para bang sa harap siya ng pangulo magbibigay ng pinakamahabang speech sa kasaysayan ng Pilipinas.

"Ate, I can't make isip talaga that ibibigay mo yan to that very panget na guy-"

"Hindi panget si Carl! Ang pogi kaya nun!"

Itinapat niya ang palad niya sa mukha ko.

"Wag nga you make react to my sinasabi. What I'm sinasabi is that you're a babae, Ate. I will not tawag you 'Ate' if you are a lalaki. And Ate, be a dalagang Pilipina nga. Boy is the one who make ligaw to the girl not the girl will make ligaw to the boy. Do you get my punto?"

Wait lang, wag kang atat! [One shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon