SCD 2- Present 2015.1

57 1 0
                                    

SCD 2
Mogu's POV

Kakagising ko lang nung narinig ko na naman ang ate kong tumitili pinapanood niyang palabas. Ewan ko lang pero kinukutuban ako ng kabang hindi ko mawari. ...konti lang naman.
Bumaba agad ako sa sala para tingnan ang ate ko kung buhay pa ba o baka inatake na sa kakapanood ng katakot-takot na palabas.

Bumungad sa akin ang magkasabay na tili ng ate ko tsaka nung babae sa palabas.

"Ahhhhhhh!"

Lumapit ako sa ate ko sabay tapik sa balikat niya.Ramdam ko ang nanginginig niyang braso't nagpapawis na balat.
"Ah, ate. Ok ka lang?"

"Lumayo kaa!"-sigaw niya sabay tulak sakin na siyang nag-udyok sa akin na mapabulalas at...

"Aaahhh! Halimaw....este ate!"

Puno ng tensyon at dagundong ang paligid. Gulat na gulat kami sa isa't isa. Nagulat ko siguro siya. Napakanerbyosa talaga ng kapatid kong to. Tsaka nagulat ako sa boses niya nung sabay silang nagsabi nung halimaw sa tv.

"O, mogu ikaw pala yan. Akala ko lumabas yung killer sa palabas."-sabi niya habang hinihingal, gulat na gulat, at nakadiin sa dibdib ang kanyang kanang kamay.

"Pasensya kana ate ha. Maliligo muna ako."- sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

Patapos na ako nung narinig kong humahagul-gul ang kapatid ko. Ramdam ko ang dalamhati sa tono ng kanyang tinig. Kaya dali-dali akong lumabas at nagbihis. Pinuntahan ko agad siya sa sala.

//+ In memory of Parthel Leuzfaugr//

Ito ang bumungad sakin pagdating ko sa sala. Kasabay ng patak ng luha ng aking ate ang hustisyang hindi nakamit. Saliw sa awiting nakalulumbay ang pighati na para bang may koneksyon ang ate ko sa pinapanood niyang palabas.

"Ah ate, tanong ko lang. Kilala mo ba yang nasa palabas?
Kasi kung umiyak ka diyan para kang totoong namatayan."- tanong ko sa kanya. Ni isang titik wala siyang mabigkas. Para bang sadyang pinagdikit ang mga namumutlang labi niya. Ito'y nanginginig at puno ng tensyon.

"Ate, ayos ka lang ba? Palabas lang y--"

"Wala ka kasing alam!"-tuminding yung balahibo ko sa pagsambit niya ng mga salitang iyan. Para bang malalim yung sugat na pinanggagalingan.
Nakaharap parin siya sa tv.

"Ate, nababaliw ka na ba?"- nanginginig na sagot ko.

"Wala kang alam!"- sabi niya sabay harap sakin.
Nakasindi ang mata niya. Walang kurap. Walang galaw. Hinahanap ko ang galit, pero iba ang nakita ko. Lungkot at luha ang sa aki'y bumati.

"Ate, wag kang ganyan. Tinatakot mo ko eh.."- sabi ko sabay punta sa kanya ng dahan-dahan.

Dahan-dahan...

Habang papalapit ako ay hindi parin kumukurap ang mga mata niya. Pero iba na ito ngayon. Ito'y umaamo na naluluha.

Papalapit ako ng papalapit....

"Ate, ayos ka lang?"- sabi ko sabay galaw ng kamay ko sa mga mata niya.Hindi parin siya kumukurap...

"O, pwede na ba akong maging artista?- sabi niya.

"Ano, kalokohan. Alam mo bang halos lumabas na yung puso ko sa kaba. Akala ko nabaliw kana."-sabi ko habang pinupunasan ang pawis ko. Akalain mo, hindi ko napansin yun dahil sa kaba.

"Hahaha, naisahan kita dun."-tawa niya na umabot hanggang alipaap. Pero nagsisinungaling ang mga labi niya. Nakaukit parin sa mukha niya ang lungkot. O, masyado lang talaga siyang magaling umarte.

"Hoi, mogu. Natulala ka sa kin no. Haha. Lakas ng impact nung acting ko."-dagdag niya

"Kumain na nga lang tayo para mahimasmasan ako sa pinaggagagawa mo."-sabi ko sabay hatak sa kanya sa kusina. Pero palaisipan parin sakin ang mga nangyari.

_________________________________________________________________________________
"Spine chills, goose bumps
unfamiliar noise attacks
extraordinary feeling lingers
the taste of death utters."- An excerpt from Parthel's poem

Secret Crime DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon