March 16 2***
Time of death: 9:31 p.m.Minulat ko ang aking mata. Pakshit.
Ang liwanag.
Langit na ba to??
God? Jesus? San pedro?Where na u? Dito na me!
Teka unting unting nagkakakulay.
"SYDNEY! SYDNEY!!" Iyak ng lola ko at ng bestfriend kong dalawa.
Hay. Bakit ko pa sila kailangang makitang nagdurusa.
Tama na yung nakita ko silang nagdusa nung nalaman nilang may kidney failure ako, at nasa nth stage na. Hindi na ko nakapag kidney transplant sa sobrang haba ng listahan ng may kailangan. Pwede naman sa mga kamaganak pero ang lola ko lang ang nagalaga sakin. Ang mga walang kwentang magulang ko iniwan lang ako sa kalsada nung baby pa ako. Napulot lang ako. Wala naman akong balak hanapin sila dahil naibigay naman halos ng lola ko ang pagmamahal na kailangan ko. Hinanap naman sila ng lola ko pero wala e. Hanggang sa pagkamatay ko wala pa din silang silbi.
"SYDNEY ANG APO KO!" hagulgol ng lola ko.
Kawawa naman ang lola ko. Magisa nanaman siya.
*Flashback*
Graduation highschool"Ang galing galing talaga ng apo ko!" Sabay yakap ng lola ko saakin.
"Lola naman. Wala nga po kong award ni isa e. Pasensiya na po, mahina po utak ko e" Niyakap ko din siya."Ano ka ba naman apo! nakatapos ka ng highschool! okay na yun ikaw talaga. Halika at magimbita ka ng mga kaibigan mo. At may onting handaan sa bahay"
"Lola talaga nagabala ka pa po"
"Isang beses ka lang gragraduate ano ka ba"
"E lola bago na nga po damit at sapatos ko, sobra sobra na nga po e"
"Dapat talaga ispesyal tong araw na to. Halika na nga at pasunudin mo na sa bahay mga kaibigan mo"
"Sige po lola. Salamat po sa lahat" At niyakap ko pa ang lola ko
"Ay nako apo, natatakot nga ako. Pano pag nawala na ko. Alam mo namang matanda na ako. Hindi ko ata kayang iwan kang magisa"
"Lola naman e! Huwag kang magsabi ng ganyan. Tatagal ka pa ng ilang taon. Lola talaga. Tara na nga po!"
*End of flashback*
Haay ako naman ngayon nangiwan sakanya. Sana alagaan siya nina Ash at Vana. Hinabilin ko si lola sa kanila bago ako nawala.