UDLUT 3

10 0 0
                                    

Tapos na ang concert ng crush ko. Nawala na ang mga tao. Dahil gusto ko makita ang crush ko sinundan ko siya.

Nakita ko siya sa dressing room kausap yung kaibigang niyang si Kier Reyes. Artista din pero mukhang masungit kaya si Don ang crush dahil mas mukha siyang anghel at mabait.

Pagpasok ko sa dressing room nila. Tumigil magsalita si Kier at nakatingin sa direksiyon ko.

Ha?? Tumingin ako sa likod ko wala namang tao. Ako lang naman nandun. E hindi niya dapat ako nakikita 

Nakatingin lang siya sakin. Hindi siya gulat. Dahil nakatalikod si don sakin humarap siya. Nagulat siya.

Ha?? Nakikita ba nila ako?

"Uhm... " sabi ko.

"Nawawala ka ata?" sabi ni Kier medyo sumungit nanaman tingin niya.

"Ahh. Nakikita mo-niyo ako?" tinuro ko pa ang sarili ko.

"Nakabukas 3rd eye naming dalawa" sabi ulit ni kier na parang wala nanaman sakanya.

"Pano? Weh?"

"Ahh hello? Ano ginagawa mo dito?" sabi no don na nakabalik na sa dating itsura. Hindi na gulat.

"Idol kasi kita e. Crush na crush din kita. Kakamatay ko lang kanina tapos narinig yung kanta mo. Paborito ko yung kantang tinugtug mo e" sabi ko ng casual lang.

"Kakamatay mo lang? Bakit ka gumagala? Diba may susundo dapat sayo?" sabi ni kier.

"Kanina pa ko na ospital pero wala namang kumakausap sakin. Hindi ko nga alam san ako pupunta e" sabi ko naman.

"Bro tulungan natin siya parang yung dati!" Sabi ni don kay kier na may pagkaexcited ang tono.

"Bro alam mo naman yung nangyari yung last na tumulong tayo"

"Bakit ano nangyari?" singit ko naman

"Hintayin mo ang sundo mo" sabi ni kier habang nagliligpit ng gamit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until Death.. lead us together.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon