Hi! I am Nathan. Bata palang ako ay para na akong hangin, nararamdaman ngunit hindi nakikita. All the people around me treat me like a ghost na para bang I didn't exist. Even my family ay walang pake sa akin, at lahat ng mga achievements ko sa school ay parang wala lang sa kanila. Maliban na lang sa nag-iisa kong kaiibigan,si Miggy.
"Tol! Kamusta?" Bati sa akin ni Miggy.
"Ok lang ako tol. Ikaw?"
"Ok lang din ako tol. Tyaka pala tol may bagong online games ngayon na download mo na ba?"
"Hindi pa... Ano ba yun?"
"Yung BL! Alam mo ba na maaari kang kumita sa paglalaro nito sa pamamagitan lng ng pagstream."
"Wala akong time sa ganyan tol."
"Sige na! Malay mo dito ka sumaya."
"Try KO."
"Wag mo nang e-try gawin mo na, promise support kita." Pang-iingganyo niya sakin.
"Oo na! Sige na uuwi na ako at magrereview pa Ako."
"Sige!"
Agad na akong umuwi sa bahay,at habang akoy naglalakad nakita ko ang mga kabataan na naglalaro ng kanilang phone. "Welcome to Battles of Legend" ang aking narinig. Akoy na curious sa kanilang nilalaro,kaya dali dali akong pumunta sa aking kwarto at kinuha ang aking phone. Nakita ko nga ang online games na sinasabi ni Miggy at ang games na nilalaro ng mga kabataan sa aming barangay. Itoy aking dinownload at nanood muna ng streams sa mga naglalaro ng BL. Nakikita ko kung gaano sila kasaya sa aking ginagawa,nakikita ko rin ang aking sarili na magiging masaya kapag naglaro ako nito.
"Ang cool naman nito." Ako nga ay naglaro at naramdaman ko ang kasiyahan.
Buong araw akong naglalaro at nakahiga lang sa kama. Hindi ko rin namalayan ang oras,hapon na pala. Kumain muna ako at kinagabihan ay naglaro ulit. Halos wala na akong tulog but pumasok parin ako sa school.
"Tol! Na download mo na ba yung online games na sinasabi ko sayo?" Bungad agad sa akin ni Miggy.
"Ang ganda lang pala tyaka andali lang."
"See...sabi ko sayo ehh... So anong rank ka na?
"Legend!"
"Weehhh?" Hindi siya makapaniwala kaya inabot ko ang aking phone at ipinakita sa kanya.
"Ang galing mo naman...,mag stream ka na kaya."
"Hahahhaha! Di ako marunong tol." Patawa kong sabi.
"Madali lang yan,manood ka ng tutorial."
"Sige tol!"
Pagkatapos ng klase ay sinunod ko ang sabi ni Miggy.Nanood ako ng tutorial about streaming, at nang matuto ako ay nag start na ako mag stream. I never thought na makakapag-gain ako ng thousands viewers sa isang oras.
"Oy! Salamat po sa lahat ng viewers." Pasasalamat ko.
Tuwang tuwa ako na halos tumalon na sa kagalakan. Marami ring viewers ang nagsesend ng stars. Whole night akong nag stream and again pumasok ako sa school na kulang ulit ang tulog.
"Nathan Congrats!" Ang aking mga kaklase ay nagkakagulo and they congratulate me.
"Huh? Bakit?" Pagtataka ko.
"Tol sikat ka na! Isa ka nang ganap na streamer" Sabi sa akin ni Miggy na tuwang tuwa.
"Hahahahaha! Hindi ko akalain na mapapanood niyo lahat ang aking stream."
"Sabi ko naman sayo kaya mo."
Habang kamiy nag-uusap ay biglang may nag email sa akin. "Good morning Mr. Legaspi, Congratulations! You can now claim your money (50,000)in the bank. Keep on streaming." from Facebook. Nabitawan ko ang aking telepono sa pagkagulat. At pagkatapos ng klase ay agad na akong pumunta sa bangkong sinasabi upang e confirm and legit nga. Hindi ko inaakala na sa pag-stream ko ay kikita ako ng ganong kalaking pera. Pagka-uwi ko ng bahay ay aking iniabot kay mama ang pera.
"Ma..." Sabay abot ng pera.
"Ano to? Saan to galing? Pagtataka niya.
"Kita ko po yan sa pag-stream."
Abot tenga ang ngiti ni mama at akoy hinagkan. Naramdaman ko ang pagmamahal, pagmamahal na matagal ko nang hinahanap. Pumatak ang aking luha sa mga mata at di maiintindihan ang nadadama.
"Salamat anak..." Sabay halik sa aking noo.
Pumunta ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos ko ay kaagad ko nang inihanda ang aking mga gagamitin sa stream. Umabot ng 100k. viewers ang aking stream.
"Anak kain na!" Tawag sa akin ni mama.
"Busog pa po ako! Mauna na po kayo." Sagot ko naman at nagpatuloy ako sa pag-stream.
Kinabukasan ay hindi na ako naka pasok sa school at ipinagpatuloy ko nalang ang stream. Everyday ay naglalaro ako at nagsistream hanggang sa na adik na ako. Paulit-ulit akong nag oonline gaming at streaming at parati akong nagpupuyat,sa pagpupuyat ko ay nakakatulong ako sa aking pamilya. Until one day may nangyari sa aking hindi ko inaasahan.
"Maaa...Tulong!" Sigaw ko Kay mama at agad akong pinuntahan.
"Anak! Anong nangyari?"
"Ma,hindi po ako makakita at napakasakit po ng aking ulo."
"Huh! Anong gagawin ko?" Natatarantang sabi nito.
"Ma...Di kO na kaya..." Namimilipit na ako sa sakit.
Kaagad tumawag ng ambulance si mama at agad akong isinakay upang dalhin sa hospital. Habang nakasakay ako ay halos masuka ako sa hilo at sa sakit ng aking ulo. Nang nasa hospital na kami ay hindi parin bumubuti ang aking pakiramdam. Matagal din ang aming paghihintay sa resulta at sa wakas ay dumating na ang doctor.
"Ikaw po ba ang ina ng pasyente?" Tanong ng doctor kay mama.
"Opo! Kumusta po ang anak ko?"
"I'm so sorry to tell you pero may brain tumour po ang inyong anak at malala na po. May 6 months nalang din po siya to live."
"Po!" Gulat na gulat na expression ni mama at umiiyak.
"Sorry po but malaki napo kasi ang tumour sa utak po ng inyong anak at hindi na kayang operahan."
Tila sinakloban kami ng langit at lupa sa aming mga narinig.
Maraming araw ang nakalipas at akoy tuluyang nanghina at hindi na makakita. Wala na rin kaming nagawa kundi tanggapin nalang ang lahat kahit masakit. The 6 months na natitira sa akin ay ginamit ko nalang sa pagbuo ng masasayang memories kasama ang aking pamilya at kaiibigan. Masakit man silang iwan ngunit yun ang katotohanan. Ngayon masasabi ko na "Lahat ng sobra ay nakakasama".
Grammatical Errors Ahead!
Typographical Errors Ahead!