~6 Months to live~
Una,ito ang buwan kung saan nalaman kong may sakit ako at ito din ang buwan kung saan nawalan ako ng paningin. Ang buwan na ito ay napakasakit para sakin pagkat hindi ko alam kung maiikakasiya ko ba ang 6 months upang gumawa ng memories kasama ang aking pamilya't kaiibigan. I never thought na hahantong ako sa ganito. Nawawalan narin ako ng gana sa buhay but hindi sumuko sila mama upang ako'y maging masaya.
"Ma,pagod na ako."
"Anak wag kang susuko kaya mo yan. Laban lang!" Pagpapalakas ng loob sakin ni mama.
Araw-araw din akong binibisita ni Miggy sa bahay. Lahat ay ginagawa niya upang gumaan ang aking pakiramdam.
"Tol! May dala nga pala ako,yung paborito mo."
"Salamat tol!"
"Pasensya ka na tol haa... Yan lang kasi nakayanan ng budget."
"Susss...ok na to no... Masaya na akong nandito ka."
"Hayaan mo tol mag-iipon ako,at pag may sapat na akong pera mag-aouting tayo."
"Sige ba!"
Binuhay nila ang aking damdamin sa buwan na ito kahit masyado na akong nahihirapan.
Ikalawa,hindi parin sumuko si mama at siya'y naghanap ng paraan upang ako'y mapagamot. Dinala niya ako sa ibat ibang pribadong hospital,nagbabakasakali siyang gumaling ako. Naka sampung hospital na kami upang maghanap ng doctor na makakagamot sa akin,but lahat sila ay hindi na ako kayang gamotin because malala na ang tumour na nasa utak ko.
"Sorry po misis pero hindi napo kayang gamotin ang karamdaman ng inyong anak. Malaki napo kasi ang tumour sa utak ng Bata and kahit anong oras ay maaari na itong pumutok." Sabi ng isang doctor. Umiyak ng umiyak si mama sa harap ng doctor at nagmamakaawa.
Sa buwan na ito ay nagbabakasakali parin si mama na ako'y magamot at gumaling.
Ikatlo,sinulit namin ang buwan na ito na magkakasama pati narin sa pasko. Humanda si mama ng masasarap na pagkain sa hapag para sa buong pamilya at sa aking kaiibigan na si Miggy. Iniabot rin nila ang kanilang mga regalo para sa akin at Ito'y nagpaantig ng aking puso. Naramdaman ko kung gaano nila ako ka mahal. Hindi ko man sila nakikita but nararamdaman ko naman kung gaano sila ka saya.
"Sana maulit pa ito." Pumatak ang aking mga luha sa mga mata at natahimik lahat ng tao sa bahay.
"Sana maranasan ko ulit ang ganitong pasko."
"Oo naman anak mauulit pa to,ano ka ba." Sabi ni mama na halatang umiiyak.
"Tama na nga to" Ang aking sabi.
Itinigil na nga namin ang pag-eemote at nagsaya. Sabay kaming kumain at nagsalo-salo.
Ikaapat,pinuno namin ng masasayang ala-ala ang buwang ito,kasama na ang pag-celebrate ng bagong taon. Sa buwan ding ito ay tinupad ni Miggy ang kanyang pangako na mag-outing. Dito rin nagkasama-sama ang aking pamilya at pamilya ng aking kaiibigan. Kahit wala akong paningin ay tila ba nakikita ko silang masaya.
Ikalima,ito ang buwan kung saan isinugod ako sa hospital dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Nahihilo ako at halos hindi na makatayo. Mahina narin akong kumain sa buwan na ito. Marami naring mga gamot ang ipinapainom at itinuturok sa akin upang mapabuti ang aking pakiramdam.
Ikaanim,sa buwan na ito ay hinang hina na ako. Pakiramdam ko ay para akong papel. Wala na akong nararamdamn at halos hindi na makasalita, and one day dumating na ang araw na kinakatakotan ko.
"Ma..." Tawag ko kay mama at agad naman itong lumapit sa akin.
"Anak,anong nangyayari?" Tanong niya sakin.
"Ma...mahal na mahal ko po kayo,wag niyo po sanang pabayaan ang inyong sarili. I love you ma..." Ang aking sabi habang hinahabol ang aking hininga.
Di nagtagal ay hindi ko na nakayanan ang sakit. Hanggang sa ipinikit ko nalang ang aking mga mata at pumatak ang aking mga luha.
~End
Grammatical Errors Ahead!
Typographical Errors Ahead!