Chapter One

95 3 1
                                    

"When someone is in your heart, they're never truly gone. They can come back to you, even at unlikely times."

Erica's Point of View

Nakaupo ako habang tinititigan ang dalawang tao na nasa harapan ko - sina Ezekiel at Fiona, mga kaklase ko. Ang ganda kasi talaga ng tanawin ngayon. Sobrang ganda talaga. Sobrang ganda nilang pasabugin! Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko.

"Ezekiel! Samahan mo ako sa canteen." aya ni Fiona.

So kapag pupunta ng canteen kailangan isama pa si Ezekiel? Lumpo lang? Ano yun, wheelchair si Ezekiel ganun? Gusto ko yan isagot pero ayoko gumawa ng gulo.

"Sige tara." pag sang-ayon naman ni Ezekiel.

May kirot akong naramdaman sa kaliwang dibdib ko. Nagseselos ba ako sa kanila? Shet. Hindi ako pwedeng magselos. Naka move on na ako. Bakit bumabalik na naman tong feelings ko kay Ezekiel? Ayoko na ulit magpakatanga sa lalaking yun. Pero sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Fiona nagseselos ako, nasasaktan ako. Parang gusto ko nasa akin lang ang atensyon niya kahit nasa akin naman palagi ang atensiyon niya. He's my best friend. I'm not selfish, okay lang naman sa akin na may kasama siyang iba basta wag lang si Fiona. Iba kasi e. Nagkagusto siya dati dun kaya parang natatakot ako na baka magkagusto ulit siya dun. Pag nangyari yun guguho mundo ko.

"Eriiiiica!" Sigaw ni Ezekiel sa may tenga ko habang kinakalabit ako.

"Ha? Bakit?" pagtatakang tanong ko.

"Kanina pa kaya kita tinatawag pero parang hindi mo ako naririnig. Mukhang malalim yung iniisip mo." Pagtatampong wika niya.

Hindi ko nga napansin na nakabalik na sila ni Fiona. Ganun ba kalalim yung iniisip ko para hindi ko siya mapansin?

"Hehe. Sorry na." ani ko sabay ngiti.

"Kumain ka na ba?" Pagtatanong niya. Bigla kong naalala na hindi pa pala ako kumakain. Tumingin ako sa relos ko at nagulat ako kasi 3 minutes na lang tapos na yung recess namin.

"H-hindi pa e." Sagot ko naman sa kanya.

"Oh." sabay abot ng pagkain.

"Halata naman kasing hindi ka pa kumakain kasi hindi ka sumama sa amin ni Fiona sa canteen. Kaya yan binilhan kita ng sandwich." sabi niya sabay ngiti

"Salamat. Nako nag-abala ka pa." mahal mo pa ata ako e. Gusto ko yan sabihin pero ayoko hahaha.

"Wala yun. Btw, tara laro tayo ng chess." Pag-aaya niya sa akin

"Sige." sagot ko naman.

**

"Ayoko na!" Sabay tayo. 

"Eh dali na. Tuloy na natin 'to." sagot naman ni Ezekiel.

"Ako ba niloloko mo?" Naiinis ako.

"Hindi. Dali na, ituloy na natin." pagmamakaawa niya sa akin.

"Ang lakas mo mag-aya tapos hindi ka naman pala marunong magchess." naiiritang sagot ko. As in hindi talaga siya marunong, dama lang alam niya.

"Okay lang yan. Turuan mo na lang ako, please?" sagot niya.

"Nako, kanina pa kita tinuturuan. Tsk." Oo kanina ko pa talaga siya tinuturuan. Simulang-simula pa lang ng laro. Hindi niya alam kung paano galawin yung mga bishop, horse, queen, king, rook.

"Pero okay lang." dagdag ko.

"Yey. Basta turuan mo ako ah? Baka matalo ka sa akin kapag marunong na ako." Pagyayabang niya.

"Nako, tumigil ka. HAHAHAHA. Kung matalo man ako sayo, okay lang kasi ako yung nagturo sayo. So, yung nagturo yung nagdala." Sagot ko naman sa kanya.

"Wala. Ako pa rin yung nagdala. Kasi ako na mismo yung naglalaro." Pagkontra naman ni Ezekiel

"Oo na, oo na. Tuturuan na kita. Dali." Sabi ko. Para hindi na humaba ang pag aargumento namin.

Matiyaga ko siyang tinuruan. Para naman hindi na ako kulitin ng kulitin nito. Hanggang sa nag-uwian na.

"Tara na. Uwi na tayo." pag-aaya niya.

"Tara." sagot ko.

Sabay kaming lumabas ng room. Pagkalabas namin, madaming mata ang nakatingin sa amin. Yeah, madaming gumagawa ng kwento na kami daw. Kasi sobrang close at sweet daw namin sa isa't-isa, ganito ganyan. Well, matutuwa na sana ako kung totoo yang mga rumors na yan kaso hindi e. Saklap lang haha.

"Erica. Bye na." paalam ni Ezekiel with matching wave ng hand.

"Okay sige. Bye, ingat!" nakangiti kong sabi

**

Nakahiga ako ngayon. Iniisip ko yung feelings ko kay Ezekiel. Palagi na lang talaga bumabalik 'tong feelings ko sa kanya. Siya din kaya? Sana may feelings pa din siya sakin. Sana. Napaupo ako ng bigla akong makaisip na magandang idea. What if humingi ako ng signs? Tama, kailangan ko ng signs ngayon. Wag niyo na ako kontrahin, please. HAHA. So, kapag may nagbigay sa akin ng sunflower ibig sabihin mahal ko pa rin si Ezekiel. AND kapag hinug ako ni Ezekiel ibig sabihin mahal niya pa ako. Syempre kasama si Ezekiel sa signs, para may thrill lol pero hindi pa niya talaga ako nahuhug ever since the world began haha. Ang drama. Basta yan yung signs. Grabe, ganito ba talaga kapag inlove? Kung ano-anong idea pumapasok sa isip mo. Nakakabaliw talaga ang mainlove.

End of Erica's Point of View

9 StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon