"HULING PANGAKO"

55 0 0
                                    

“Pana-panahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon…”

Sa saliw ng gitara, sabay kaming umaawit ng aking matalik na kaibigan na si Wilbert. Simula pagkabata ay magkasama na kaming dalawa at hanggang ngayon sa aming pagdadalaga at pagbibinata. Sa dalampasigang ito nag-umpisa ang lahat. Saksi ang dagat at araw, buwan at mga bituin, at ang buhangin at mga kabibe.

“Rose”, ani Wilbert habang matiim na nakatitig sa dagat.

“Bakit?”, tanong kong may halong pagtataka.

Ngayon ko lamang siya nakitang ganong kaseryoso. Tila may kakaibang bumabalot sa kanyang mukha at sa saglit niyang pananahimik na iyon.

“Anong petsa na ba ngayon?”, tanong niya sa akin.

“September 23. Bakit mo ba tinatanong?”, tugon kong tila naiinis pa.

“Wala naman. Anim na buwan na lang pala kaarawan mo na ano? Magagalit ka ba sa akin kung sakaling mawala ako sa espesyal na araw mong iyon?”

Hmmmm! Sabay talikod sa kanya at nagwika: “Maghahalo ang balat sa tinalupan!”

“Ui, Bespren. Biro lang yun. Syempre, hinding-hindi ko palalampasin ang importanteng araw na iyon sa buhay mo. Ikaw pa? Eh mahal na mahal ata kita. Ikaw naman, hindi ka mabiro. Hind ka na nasanay sa akin. Pangako, hinding-hindi kita iiwan”, seryoso niyang sinabi sa akin.

“Ala! Hindi nakakatawa!”

“Asus naman ang aking Bespren, nagtampo agad. Halaka! Papangit ka niyan. Ngiti na ikaw. Ui! Ngingiti na yan”, panunudyo pa niya sa akin.

Nagkatitigan kami at napuno ng tawanan ang dalampasigan.

KINABUKASAN…

“Mama, papasok na po ako.”

“Sige, anak ingat ka hah. Wag magpapagabi.”

Kaming dalawa na lang ni Mama ang magkasama. Solo kasi akong anak at kamamatay lang ni Papa last year. Pero ok na naman kami ngayon. Salamat din kasi andyan si Wilbert na palagi akong pinapasaya. Kinasanayan ko ng dumaan sa bahay nina Wilbert bago pumasok, para sabay na rin kami pagpunta sa eskwela. Lima silang magkakapatid at pangalawa siya. Ang Ate Karen niya, maagang nag-asawa at ngayon ay kasama din nila sa bahay. Pati na rin ang asawa nitong si Kuya Jonel na wala din namang trabaho. 3rd yr. high school naman ang sunod sa kanya na si Christian; Grade 6 ang pang-apat na si Mikoy; at Grade 1 ang bunso na si May-may. Tricycle driver naman ang kanyang Tatay na si Mang Dinoy at tindera ng mga kakanin ang kanyang Nanay na si Inay Leona. Kapos talaga sa buhay ang pamilya nila. At sa ngayon, si Wilbert na lang daw ang pag-asa nila. Kaya nga hangang-hanga ako sa kanya. Consistent 1sthonor kasi siya kahit na nagtatrabaho siya sa gabi upang masuportahan ang pag-aaral niya.

“Inay Leona! Inay Leona! Si Wilbert po?”

“Rose, andyan ka na pala. Tuloy ka muna. Berto! Berto! Si Rose andito na sa baba. Bilisan mo!”

“Inay Leona, asan po sina Ate Karen at Kuya Jonel?”

“Kaaalis lang nila. Pumunta sa probinsya. Dun muna sila titira sa mga magulang ni Jonel. Ang Tatay Dinoy mo naman kanina pang umalis para mamasada. Yung tatlo ay kanina pang pumasok sa eskwela. Sya iiwan muna kita dito hah. At ilalako ko pa itong mga paninda ko. Isara niyo na lang ni Berto ang bahay pagkaalis nyo hah. Sya sige.”

“Sige po ‘Nay. Ingat po kayo.

“Oh Wilbert. Bakit dala mo na naman ang gitara mo? Haharanahin mo na naman siguro si Lisa ano? Tsk. Bka naman “pag naging kayo na ay kalimutan mo na ako?”

“Hay naku, Rose! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na magkaibigan lang kami. Nagseselos ka ba kay Lisa?”, panunudyo niya sa akin.

“Hindi ah! Tara na nga at tigilan mo na yang kapreskohan mo.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"HULING PANGAKO"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon