Prologue

70 5 0
                                    

Mag-isa ako nakatayo sa puntod habang umuulan ng husto. Nakisabay ang ulan sa nararamdaman ko matapos nawala sa akin ang mahal ko. Sa isang aksidente ay gumuho ang lahat. Ang pangarap namin, ang buhay namin, at ang mga araw na sana ay magkasama pa kami. Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyari ang

Masaya kami ni Vale sa buhay namin. Hindi ibig sabihin na masaya kami ay wala kami naging problema. Meron din naman kami tampuhan pero hindi nagpapalipas ng isang araw. May mga tao na sila mismo ang ugat ng pagtatalo namin ni Vale pero ang pagmamahal namin sa isa't isa ang nangingibabaw.

Second year ako sa Medical School ay nawala si Vale sa buhay ko. Tinanggi ko ang mga sinabi nila na patay na si Vale. Hindi ko kasi matanggap ang nangyari kahit hanggang ngayon ay para na akong baliw sa tingin ng ibang tao. Mismo pamilya ko ay hindi na nila alam ang gagawin sa akin at naapektuhan na ang pag-aaral ko

Tanging alaala ko kay Vale ang pagkamatay niya sa hospital. Na-coma siya ng pitong araw matapos ang aksidente saka siya binawian ng buhay. Wala akong magawa kundi ang umiyak ng husto sa kama ko kasi nabali ang paa ko. Mismo ang kapatid ko ang nag balita sa akin na patay na si Vale.

Kaya ngayon lang ako nakadalaw sa puntod niya pero wala akong dalang bulaklak. Hindi ako nakadalaw sa libing niya kasi nagpapagaling pa ako sa hospital. Nilibing agad si Vale pagkatapos ng tatlong araw sa dahilan na hindi kinaya ni Mrs. Stuart ang nangyari sa anak niya.
Hindi ko pa nakausap ang mga magulang ni Vale pero ang mga kapatid niya ay galit na galit sa akin. Nang dahil sa akin ay namatay si Vale. Hindi ko naman ginusto na maaksidente kami. Hindi ko naman alam na may problema ang kotse ko sa panahon na iyon. Hindi ko gusto na sisihin ang sarili ko pero unti-unti namuo ang pagsisisi sa sarili ko.

Ang sakit makita at isipin na sa ilalim ng lupa ay nakalibing na ang mahal ko. Magpapakasal pa sana kami pagkatapos ng Medical School ko. Yun na ang usapan namin ni Vale. Inayos ko pa ang condo unit na binigay sa akin ni Dad para doon na kami ni Vale titira. Pero ano na ang silbi nun kung wala na ang mahal ko.

Napaluhod ako sa puntod ni Vale at sumisigaw. Hiniling ko sa Diyos na ibalik niya sa akin si Vale hanggang sa gusto ko na isuklam ang Panginoon. Kung itinakda na Niya si Vale na mawala sa akin sana hindi na lang Niya kami pinagtagpo. Hindi sana nangyari ang lahat na ito. Humiga na ako sa puntod ni Vale, umiiyak at nagmamakaawa sa Diyos na ibalik sa akin si Vale.

Biglang may humila sa akin at sinigawan niya ako. "Tumayo ka diyan!"

"Ayoko! Gusto ko na rin mamatay kung ayaw ibalik ng Diyos si Vale sa akin!" Sigaw ko at nanlaban ako.

Hinila ako ng kapatid ko at sinampal ng malakas. "Wala na tayong magagawa diyan! Itinakda si Vale na kunin siya ng Maykapal! Sana naman matanggap mo ang nangyari!"

"Hindi!!" Sumigaw ako ng malakas sa kapatid ko. "Hindi ko matanggap na wala na si Vale. Alam ko buhay siya! BUHAY SIYA!"

Nakita ko na parating si Vladimir sa puntod at mabilis siya naglalakad patungo sa amin. Pinigilan ng kapatid ko si Vladimir pero isang tulak lang ang kapatid ko. Sinugod ako ni Vladimir at sinuntok sa mukha ng tatlong beses. Agad naman inawat ng kapatid ko si Vladimir at nagmamakaawa na huwag na ako saktan. Nakahiga ako sa lupa, umiiyak at sumisigaw ng malakas.

"Vlad, please tama na. Hindi nakakatulong ang ginawa mo sa kapatid ko. Hindi lang kayo ang nawalan, nawalan din ang kapatid ko." Sabi ng kapatid ko.

Napatingin ako kay Vladimir at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Gusto na niya ko patayin pero sinipa lang niya ang dala niyang bulaklak.

"Pasalamat ka nandito ang kapatid mo kung hindi, mapapatay din kita hayop ka!" Sabi ni Vladimir.
Umiiyak na ang kapatid ko at humingi ng pag-unawa. "Please, hayaan mo muna ang kapatid ko magluksa. Masakit din para sa kanya na hindi makita si Vale."

"Fine! Umalis rin kayo pagkatapos at huwag mo ng hayaan ang kapatid mo na bumalik sa puntod ng kapatid ko kung ayaw niyang magpira-piraso ang mga buto niya!"

"Pangako, aalis din kami at hindi na babalik dito. Bigyan mo lang ng oras ang kapatid ko." Pagmamakaawa ng kapatid ko.

Umalis si Vladimir na may galit sa akin. Umiiyak na naman ang kapatid ko at nagpupumilit na umalis na kami. Hindi ako nakinig sa kapatid ko kasi gusto ko hukayin ang lupa. Nung hinukay ko ang lupa ay nagalit na ang kapatid ko. Tinawag niya ang security namin at inutusan na hilain ako pabalik ng kotse. Nanlaban ako pero may biglang tumusok sa braso ko. Mga ilang minuto ay nakaramdam ako ng panghihina at inaantok ako hanggang sa nakatulog ako.

Nagising ako sa kwarto ko na nakatali ang mga kamay at paa ko. Nakita ko si Mom sa tabi na malungkot nakatingin sa akin.

"Mom, pakawalan niyo ko."

"I'm sorry, anak. Hindi ko pwedeng gawin yan."

"Please Mom! Pakawalan niyo ko."

Umiyak si Mom at sumagot. "Anak, ayoko na mawala ka. Paano kung pupunta ka ulit sa puntod ni Vale at nakasalubong mo ang mga kapatid niya? Alam mong galit na galit sila sayo at baka mapatay ka pa."

"Mas mabuti na yun para makasama ko si Vale."

Sinampal ako ng malakas ni Mom habang umiiyak siya ng husto. Naramdaman ko ang sakit sa mukha ko na parang namamanhid. Tumingin ulit ako kay Mom at kita ko ang sobrang lungkot at pag-aalala sa mga mata niya.

"Anak, hindi tumigil ang oras mo hanggat nabubuhay ka. Sa tingin mo ba masaya si Vale na makita kang ganyan? Sa tuwing may problema kayo ay pinupuntahan niya ko para kausapin at humingi ng payo. Nalulungkot siya sa tuwing kayo ay may hindi pagkakaintindihan at ayoko makita si Vale o ikaw na malungkot." Huminto si Mom sa pagsasalita para punasan ang mga luha niya. "Anak na ang turing ko kay Vale. Alam ko na mapagmahal siya sa mga tao na nakapaligid sa kanya pero kung ganito ka, sasaya ba siya ngayon?"

Natulala na lang ako sa mga sinabi ni Mom at tumulo na rin ang luha ko. Umiyak na lang ako at sinubukan na tanggapin ang pagkamatay ni Vale. Wala na ba akong magagawa kundi ang tanggapin ang nangyari sa mahal ko?

Habang nakahiga ako dito sa kama ay ang tanging ginawa ko na lang ay bumalik sa masayang alaala namin ni Vale. Sa panahon na ako ang unang na-in love sa kanya at naglakas loob na suyuin siya.

-- pigrabbit_09 --

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and I: The Blossom of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon