Untitled Part 1

12 0 0
                                    

MY OWN FANGIRL STORY.

Hanggang ngayon, di ko alam bakit ako fangirl. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako bakit ako baliw sa Kathniel. Hanggang ngayon, di ko alam ano yung nararamdaman ko pag nakikita ko sila sa TV, Personal, picture at videos.

Nagsimula to noong September 4, 2011. Oha! Birthday ko pa sakto! Isa siguro yan sa mga dahilan bakit. Nasubaybayan ko sila bilang Ella Dimalanta at Patrick Rivero. Hayyyy. Super kilig kahit parang aso't pusa sila. At super cute ni DJ dun kahit ang payat niya. At si Kath naman, gumanda lalo. Nabibilib ako kay Kathryn noon sa Goin bulilit at Super Inggo. Yung super kikay na si Maya ay naging si Mara ng Mara Clara. Oo KathBie din ako noon. Pero super magkaiba ang naging experience ko sa Kathbie kumpara sa Kathniel. Hindi ako bumibili ng magazine ng Kathbie noon. Kasi parang, oo kinikilig ako sa kanila. Pero hanggang doon lang yon.

Sumunod ang Princess And I. April 2012. Kapag di ko napapanuod ang isang episode, naghahanap agad ako sa Internet. Nasa laguna kasi ako that time, nagbabakasyon. So kapag may namiss na episode, harap agad sa computer or sa cellphone. Ay grabe! Kinilig din ako dito. Dito ko napatunayan na FANGIRL Na talaga ako.

Sunod ko silang napanuod sa 24/7 inlove. Sorry pero hindi ko pinanuod yung mga unang story, talagang inaantay ko ang scene ng Kathniel. Hahaha! Ang baliw ko ba? Sorry, pero sila lang talaga inaantay ko duon eh. Naging fangirl si Jane kay Billy. Parang totoong fangirl, yung hahalikan mo yung tv, yung gagawin mo lahat para makita siya at matutulala pag nakaharap mo na.

Sumunod ko sila nakita sa big screen sa Sisterakas. Grabe parang usual, aso't pusa sila pero nagkatuluyan din. Nakakakilig yung mga Da Moves ni Angelo kay Kathy. Parang mga lalaki nga.

March 13, 2013 pinalabas ang Must be... Love. Di ko napanuod sa first day dahil JS Prom naming yun. Talagang habang nasa Prom ako, inaalala ko ano yung mga scene sa MBL. Hayyy. Pero napanuod ko din siya,. Super duper kiliiiig! Kahit ang manhid ni Ivan at si Patchot naman ay tinatago ang nararamdaman niya kay Ivan.

Dumating na ang Got To Believe! Shems! Dito! Dito ako halos mamatay sa kilig grabe ang mga eksena eh. Kahit na lagi napuputol yung kiss nila. Pero ayos lang, kasi alam naman naming lahat na wala pa sa tamang edad si Kath.

At siyempre pinanuod ko yung Pagpag na pumunta pa kami ng mallshow nila, at kumuha ng poster na nakadisplay :D peace sa mall na yun. May kinuha kaming poster ng kaibigan ko.

Pinanuod ko rin ang SDTG. Shempre naman. Di ko pinalampas yun. At paulit-ulit ko pa rin pinapanuod hanggang ngayon kaya kabisado ko na ang mga lines.

At siyempre ang Crazy Beautiful You. Hindi sa mismong showdate ko napanuod yun, pano kasi nandito na ako sa America. Kaya late ang showdate nila dito. Pero kahit 1 oras ang biyahe mula sa bahay namin hanggang West Covina, pinuntahan ko pa rin at pinanuod. Grabe, yung lola ko napaiyak ng movie. At ako, siyempre kinilig. Wala nga akong mahampas noong mga oras na yun sa super kilig. Kasi di ko kilala yung katabi ko at yung lola ko naman, di ko pwede hampasin. Hahahahahalol.

Marami akong first time na naexperience sa Kathniel. First time kong bumili ng mga Magazine, CD. Dahil sa kanila, nagbabasa na ako ng DIyaryo at Magazine. Dati kasi puro tingin lang ako sa mga pictures. Pero ngayon, binabasa ko na. dahil andun sila. First time ko din sumama sa mga fun run. Yung G2B Color Fun Run. At first time ko pumunta sa isang Fair, ang G2B Best Fair Ever. Oo hindi pa ako nakakapunta sa mga concert ni DJ. Bakit? Nung una kasi, di ako nakapagipon ng pera. Kaya #teambahay ako. Yung 2nd concert naman niya, akala ko kasi makakaalis na ako ng PHL ng April. Pero ayun, di natuloy kaya #teambahay ulit ako. Pero that time, nagPay-per-view ako. Pero sa kasamaang palad, pumunta kami ng Pampanga. Akala naming yung laptop, pwedeng iconnect sa wifi para kahit papaano, maglive stream kami ng kaibigan ko na fan din. Pero ayaw, kaya ayun, badtrip ako buong gabi hanggang kinabukasan. Naiinggit ako sa mga nagpopost na napanuod nila. Kasi yung akin nakaplano na eh. Kaya 3rd concert, akala ko meron ng April. Kaya kahit andito ako sa US, pinadala ko sa mommy ko yung pera na pambili ng concert ticket para siya bibili at di ako mahuli. Pero sinabi na hindi pa April ang concert niya. Kaya yung pera, pinambibili nalang ng KN Merch na lumalabas.

Sabi nila Rich Kid daw ako, kasi ang kumpleto daw ako sa mga Merch nila, pero hindi. May mga kulang din ako. At ang Mommy ko, kahit kapos kami sa pera, binibilhan niya pa rin ako. Para maging masaya ako. Sabi nila ang swerte ko daw kasi daw may Supportive Mom ako. Well, totoo naman. At nagpapasalamat ako kay God dahil dun. Kahit andito na ako sa US, binibilhan pa rin ako ng Mommy ko ng mga Merch at pinopost to sa Facebook at pinapaipon ko sa PHL. Para hindi na gumastos padala dito. Kasi makikita ko naman yun paguwi ko eh.

July 27, 2013. First but I hope not the Last picture k okay DJ. Sa Binondo, malapit sa school namin habang nagshoot sila sa movie na Sa Ngalan Ng Ina, Ama at mga Anak. Nagpapasalamat ako sa kaibigan ko dahil sa kanya nagkapicture ako with DJ. Siya ba naming umiyak sa labas ng tent para lang makita ng personal si DJ eh. Kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao pinapatahan ko siya. Pero ayun, nakita siya ni kuya RJ Padilla at pinapasok kaming dalawa sa tent. Super bait ni DJ! Tapos ako naman, sa super saya, paglabas ng tent, ayun naiyak na rin ako. At nilapitan kami ng mga tao at tinanong ano daw nangyari sa loob, etc. kaya yun ang anniversary namin ng kaibigan ko. Hanggang ngayon winiwish at pinagdarasal ko talaga na sana magkapicture ako with Kathniel. Kahit na ang daming ways kong nakikita na mangyari yun. May mga kilala akong kilala nila. May mga kamaganak sila na kilala ko. Pero nahihiya ako sabihin kasi di ko alam paano sasabihin. Lol.

Meron pa nga isang beses eh, umiyak ako kasi nasa Rob Manila si DJ. Tapos yung mga dapat kong kasama, mga nagback out. Kasi daw gabi na, blah blah blah! Eh ako? Wala akong pakialam kahit super late na yun. Kasi yun ang consequence ng pagiging fangirl eh! Buti nalang nagtext yung best friend ko at tinanong ko siya kung pwede siya. Ayun, sinamahan niya ako. Pero, wala akong dalang 500php nun para makaMeet And Greet si DJ. Kaya ayun, nasa malayo ako sa kanya.

First time ko makita si DJ sa SM MNL. Yung meet and greet niya sa first album niya, di rin ako nakaabot nun. Kasi akala ko di na kami pupunta ng mga kaibigan ko, pero nagaya sila dun. Pero nakabili naman ako ng CD niya, regalo sakin ng mommy ko para sa birthday ko. Advance Gift. Kasi August 30 niya binili yung album eh.

Si Kath, first time ko nakita, sa G2B Color Fun Run na. grabe, starstruck sa mukha niya. Kasi ang DIYOSA niya. Kung ano itsura niya sa TV, ganun din itsura niya sa personal. Tapos nagsunud-sunod na sa mga mallshows nila na malapit sa amin.

Hindi ako pinapasali ng mommy ko sa mga fansclub. Bakit? Kasi mas okay kung magisa kang pupunta sa mga mallshow kasama mo mga kaibigan mo. Kahit na gusto mo sumali sa fansclub, minsan umaayaw din ako di ko rin alam bakit.

Minsan lang ako maging active sa twitter sa Kathniel. Kasi masaya na ako na alam ko sa sarili ko na SOLID fan ako. Di naman nasusukat ang pagiging SOLID sa pangaaway ng mga bashers, sa pangaaway ng mga Fansclub. May isa lang talaga akong fandom na kinakaayawan at kinasusuklaman ko. At secret na yun kasi ayaw ko gumawa ng gulo. As I was saying, di nasusukat ang pagiging SOLID sa ilang beses mo na sila nakikita. O gaano karami ang Merchandise mo. Para sa akin, nasusukat ang pagiging SOLID FANGIRL mo, kung alam mo sa sarili mo na MAHAL NA MAHAL mo sila kahit na ilan at anong issues pa ang nababato sa kanila.

AKO? Hindi ako bibitaw sa pagiging fangirl ko. At PROUD akong sabihin na isa ako sa mga BALIW Na fan ng Kathniel. I don't care kahit anong sabihin nila, ang mahalaga, MAHAL ko sila. At kahit sa magiging anak ko na alam kong never si DJ ang magiging ama, sasabihin ko sakanila na PROUD FAN ako ng Kathniel.

Minsan iniisip ko, pano pag tanda ko tapos biglang patutugtugin yung mga Kanta nila sa radio or sa kung saan, magiging ganun pa rin ba ang ngiti ko? Syempre! Forever fan ako eh. Naniniwala ako sa FOREVER, kasi alam ko ang KATHNIEL ang magpapatunay nito. At sana sa mga ibang fan ng Kathniel jan, sana STAY MATATAG tayo. Wag tayong bibitaw, wag tayong gagaya sa mga bumitaw noong nakaraang issue. At kay Kath and DJ, sana wag na kayo papaapekto sa mga issue kasi andito kaming Kathniels na handang magtanggol sa inyo. At andito lang kami LAGI para sa inyo. Sorry kung minsan napakaWar Freak naming laban sa ibang fandom kasi ayaw namin kayong sinasabihan ng kung anu-ano. Kasi nasasaktan din kami eh. FOREVER DEFENDER Niyo kami. Stay Strong lang din sa inyo. I LOVE YOU. KATHNIELS LOVES YOU SO SO SO MUCH!

Sana mabasa to ng Kathniel or Kathniel Fan jan. Hindi ko hinihiling maging FAMOUS ako. Ang gusto ko lang, mabasa to ng Kathniel. Kahit super Waley to. J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me as a fangirl.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon