SiStar I.2

5 0 0
                                    

Masayang masaya na bumangon sa higaan niya si Shin, isang dalaga na ubod ng ganda. Bukod sa pagiging maganda ay mabait at matalino din, madami ang nag sasabi na madami siyang talent pero hindi niya yun alam. Alam niyo kasi may pagka weird yang si Shin, para siyang magandang alien na pinatalsik sa lupa ^_______^

"Ohh Shin ngiting ngiti ka diyan" sabi sakanya ni Mich, na kakalabas lang galing ng C.r,

"Ah kasi wala lang, naisip ko lang na dapat mag saya ako kasi nagising pa ako hahaha" tumawa siya ng pang weird kaya napabuntong hininga na lang si Mich,

Konti na lang talaga maiisip ko ng baliw itong kaibigan ko

Yan na lang ang naiisip ni Mich, eh nakakabaliw naman daw kasi ang rason ni Shin, hindi naman dahil sa mababaw pero ang WEIRD kaya .

Lumapit sakanya si Mich at tinapik sa balikat

"Okay lang yan, ayon maligo kana para makaalis na tayo" mahinahong sabi sakanya ni Mich, tiningnan naman siya ng nagtataka ni Shin

Ano na naman kaya ang sumapi dito?- Mich

Saan kaya kami pupunta?- Shin

/kamot sa ulo/ guys pag pasensyahan niyo na ang baliw na si shin, ganyan talaga yan eh


"Hoi shin maligo kana" nakakunot ang noo ni Mich ,ang aga aga pinapainit ni shin ang ulo ni Mich , wala naman nagawa si Shin kundi ang maligo kahit wala talaga siyang clue kung saan sila pupunta

Habang naliligo si Shin ay kumain naman si Mich 1st day kasi nila sa bagong nilipatan nilang school at wala man lang kaclue clue si Shin na 1st day pala nila ,Kung ako si Mich ibibitin ko patiwarik si Shin ng matauhan HAHAH HARD AKO I KNOW

Natapos ng kumain si Mich at magkakalhating oras na si Shin sa C.r na flush na siguro sa inodoro yun


Wala ng nagawa si Mich kundi ang katukin si Shin sa C.r ,pero nakakailang katok na si Mich ay walang Shin na nasagot

"Shin dalian mo malalate na tayo" pag tawag ni Mich kay Shin mula sa labas,Pero wala talaga ,

"Siguro nag babad na naman yun ako na lang muna siguro ang papasok ,kakaiba pa naman ang utak ng isang yun" sabi na lang ni Mich saka lumabas na sa may kwarto ni Shin,

Kinuha na niya ang gamit niya at nag pahatid na sa driver nila, 15 mins. Before time ay nakarating si Mich sa Bishop International University,

halata naman sa hitsura ni Mich na mangha siya sa laki at ganda ng school na papasukan nila ^_____^ Totoo sobrang laki at ganda kahit nasa may gate ka pa lang alam mo na talaga na maganda ang school

"Ma'am Mich ingat po kayo sa 1st day niyo " tumango na lang si Mich kay Manong Robert, matagal na nilang driver ito kaya may tiwala siya dito at tinuturing na ding anak ni mang robert si Mich

Umalis na si mang robert kaya pumasok na si Mich sa loob, Sa oras na tumungtung siya sa ground pagkalampas ng gate ay nag tinginan sakanya ang lahat, meron naman na ang tingin ay may halung pagkamangha yung iba nakakanganga, yung iba insecure.


Nag taka naman si Mich kaya napatingin naman siya sa suot niya baka may dumi. Pero wala naman malinis siya,pero anong problema nila? Napahawak siya sa mukha niya baka may dumi pero wala naman siyang makuha.


"Ang ganda niya" rinig niyang bulong ng isa sa mga ito ,hindi niya malaman kung sino yun kasi ang daming nakatingin sakanya na para bang may artistang dumating


"Para siyang anghel na ibinaba ng langit"

"Ano kayang pangalan niya"

"Oo nga, ang amo ng mukha"

"Nakakaingit siya grabe ang ganda niya"

"Oo nga ,naku kawawa siya pag nag kataon sa campus queen"

Napapatingin na lang siya sa mga nagsasalita at walang balak na pansinin ang kahit na isa doon, nag diretso na lang siya sa pag lalakad , nakatungo siya nun dahil naiilang siya

"Nakakahiya siguro ang hitsura ko bakit naman kasi -----------" *BOOOOOGGGGGSSSHHH*

Natumba si Mich sa pag kakabangga niya, sa lalim ng iniisip niya hindi na niya nakita yung dadaanan niya ,

Tumingin siya doon sa lalaking nakabanggaan niya at napaatras siya ng makitang sobrang sama ng tingin sakanya nung lalaki, onti onti naman bumaba ang tingin niya sa hawak nito at sa damit nito


"Look what have you done" inis na sabi nung lalaki pero hindi siya sinigawan nito pero halata pa din ang pagkainis sa boses niya

*******

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SiStarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon