AIKO POV!
nagbabrowse lang ako sa facebook, walang magawa bat ba! puro nga lang scroll down nang sunod na sunod ang katok sa bintana ng kwarto ko.mukhang alam kuna kung sino to. -_-
si kuya. pinagbuksan ko naman siya bukod sakin ay wala nang ibang magpapasok sakanya. kung dadaan siya sa pinto sa harap yari siya kay papa. kung sa likod walang humpay naman sa sermon ni mama baka nga madamay pa pati mga walang kinalaman, hindi rin pwede sa kwarto ni ate at isusumbong lang din siya."birthday ang paalam, tas umuwi ng gutom nice kuya" sabi ko nang pati pagkain ko sa kwarto ay tinuhog niya.
"break na kami ni elain" aniya hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya sakin yon beside alam kuna yon kalat sa facebook.
"sakit no? sayang yung "staystrong" ko sa inyo nagbreak lang din naman pala kayo" 5years na sila sa pagkakaalam ko si elain ang nagloko. ayoko naman paghimasukin pa yon abay may sari sarili talagang tayong problemang hinaharap. "okay lang yan katangahan mo naman yan kuya" dagdag ko at pinagtulakan siya palabas sa kwarto ko. nagpatuloy na din ako sa pag browse hanggang sa makatulog. may pasok pa bukas-_-
anyway. ako si Aiko santos, simple lang, oo nga simple lang, masayahin may pagka bully din minsan at sobrang hype ^^ Simple lang din ang buhay namin. guard si papa sa isang mall, si mama naman nagtitinda sa palengke, si ate isang nurse at si kuya naman isang sawi joke! isa na siyang ganap na doctor. oh dibaaa di halata. ako na nga lang ang sakit sa ulo sakanila.
"oh? himala?" naglilinis si kuya nang makita ko paglabas s kwarto. ang tamad na tao kapag kumilos alam na.
bibihira to kaya kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan siya agad naman itong ngumiti at nagpose."pag ako naglinis ng bahay tawag dun, pinagalitan ako HAHAHA" sorry guys, wala tlaga sa pamilya namin ang pala emo. di uso yon samin. "papasok kana?"
"oo kailangan HAHAH" graduating nako sa ng high school. dipa rin sure kung gagraduate . hahaha
"pa bra bra kapa anong tinatago mo jan, sama ng loob?" ang intrimitida kong ate umagang umaga lakas ng trip. mukhang kasabay ko siyang papasok ngayon. ilang araw din siyang hindi nakakauwi dahil sa toxic nga daw sa hospital ngayon.
"ikaw nga dyan parang manang na. napaka dry ng balat mo ate. maganda ka pero may igaganda pa kaya umayos ayos ka konti"
"clear skin ako dati e pinuyat lang ng maling tao HAHAHAHAHA" eh pag ganyang salita na ni ate. tatahimik nalang ako. pinag taxi na niya ako baka malate daw ako at siya maglalakad lakad muna at kulang na daw siya sa exercise at para masinagan naman siya ng araw.
"uyy bakla yung bebe mo nilalandi na naman" ani joseph na sinalubong ako. Si Calvin ang tinutukoy niya na bebe ko. pinaka crush ko sa lahat at aamin naman ako na patay na patay talaga ako sakanya.
"ikaw nalang ang kulang sa buhay ko para magliwanag ang buhay ko calvin" salitang narinig ko pagpasok ko sa room. aga agang lumalandi ni Diana ah. fair fair lang kahit patay na patay ako kay calvin hindi ko naman pinagbabawalan ang iba na hindi siya landiin, kausapin, o kung anu ano pa. bukod kase sa wala akong karapat eh alam ko ang nararamdaman nila.
"gusto mo pala lumiwanag buhay mo try kumain ka ng bombilya" sabat ko at nag apir pa kami.
"tawag ka sa dean" aniya bago bumalik sa pwesto niya.
"ah baket?"
"loko, nalaman nila na kinopya at binenta mo ang exam paper"
lagot ako neto kay sir-_-