Kabanata 1

5 0 0
                                    


"Apo! Bilisan mo na riyan at mahuhuli ka sa klase mo" narinig ko'ng sigaw ni lola mula sa baba.

"Eto na po La!" sigaw ko pabalik kay lola habang mabilising sinulyapan ang aking sarili sa malaking salamin. I am wearing our school uniform which is long sleeves polo na itinupi ko hanggang siko with pink necktie and above the knee pink skirt. I am currently studying in private school kahit na gusto kong lumipat sa public dahil alam kong mahal ang tuition sa pinapasukan ko ngayon pero ayaw ni lola.

Kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay my lolo died nung hindi pa ako pinapanganak kaya hindi ko siya naabutan while my lola is a teacher back then pero retired na kaya nakakakuha din siya ng pension. Nagtitinda din si lola ng ulam sa labas kaya sumasapat naman ang pension at kita niya para sa aming dalawa.

Pagka baba ko sa hagdan agad akong sinermunan ni lola dahil sa mabagal ko'ng kilos.

"Apo hindi ba sinabi ko sa'yo na masamang pinaghihintay ang pagkain. Isa pa yang kilos mo, napaka bagal mo kumilos. Kung ganyan ka kumilos ay dapat maaga ka gumigising, ayos lang sana na tanghali ka nagigising kung mabilis ka naman kumilos." Mahabang litany ni lola sakin.

Napakamot na lang ako sa ulo habang pinapakinggan ang bawat salitang isinasambit niya sakin. Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, nanlalambing dahil alam ko'ng galit na naman siya sa akin.

"Sorry na La, aagahan ko na gising promise." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko sa harap niya na parang nanunumpa upang maniwala siya sa akin.

"Nako ikaw bata ka talaga ilang beses mo nang sinabi yan pero wala pa din nangyayari. Pano pag nawala ako ha? Paano ka na kung ganyan at hindi mo sinusunod lahat ng sinasabi ko sayo." Galit pa rin niyang sabi sa akin.

"La! Huwag nga kayong magsalita ng ganyan!" pagalit kong sabi kay lola.

"Apo sinasabi ko sa'yo ito dahil gusto kong matuto ka, kinse anyos ka na. kailangan mo ng tumayo sa sarili mong paa." Patuloy na sermon sa akin ni lola habang ipinaglalagay ako ng pagkain sa aking plato.

"Opo la, tinatandaan at isinasapuso ko naman po lahat nang sinasabi ninyo. Sobrang nahihirapan lang po talaga ako gumising ng maaga. Hindi po talaga ako early person la." Nakanguso kong sabi sa kanya habang hinahawakan ang braso niya, nanlalambing.

"Basta sanayin mo lang ang sarili mo at matututunan mo din yan ha." Hinaplos niya ang aking pisngi tanda na hindi na siya galit sakin.

"Sige na apo, kuman ka na" nakangiti niyang sabi sakin habang umuupo sa kanyang pwesto. Dali dali ko din siyang nilagyan ng pagkain sa plato niya upang makakain na din.

"Apo ako na, kumain ka na dyan huwag mo na akong alalahanin" sabi niya sa akin habang pilit na inaagaw sa akin ang plato ng sinangag upang siya na ang maglagay sa plato niya.

Hindi naman ako pumayag at agad na inilayo ang sa kanya ang sinangag.

"La, huwag ng makulit alam mong hindi ako titigil hanggat hindi kita napaglalagay ng pagkain sa plato mo." Sabi ko sa kanya habang pilit na nilalagyan ulit ng sinangag ang kanyang plato. Hindi naman na siya umangal at nakangiting hinayaan ako na ipaglagay siya ng pagkain.

Simple lang ang pamumuhay naming ni lola. Ang bahay naming ay sakto lang para saming dalawa. Pagkapasok mo makikita mo agad ang aming sala na may kahoy na sofa, TV at mga picture frame ng aming pamilya, mula sa sala ay matatanaw mo na agad ang aming hapag at kusina mayroon din kaming banyo malapit sa kusina. Sa taas naman naming ay may dalawa kwarto.

Si lola ay mama ni papa, mula ng mamatay si papa nung anim na taong gulang pa lamang ako kay lola na ako tumira. Ang mama ko, hindi ko alam kung nasaan ang huling kita ko sa kanya ay noong dalhin niya ako kay lola. Ang natatandaang kong huling sinabi niya sa akin ay mas maaalagaan daw ako ni lola.

Only YouWhere stories live. Discover now