Gabi na naman,
Dama ang lungkot ng mga bituin at buwan,Kailan ba mapapawi ang lungkot na pinapasan?
Kailan ba mabubura sa isipan ang mga sinumpaan?
Sa simula ng katapusan,
Mag-isang babangon ang sundalong sugatan,
Mag-isang lalaban sa mundo kahit walang kasiguraduhan,
Lalaban kahit na maging talunan.Sa pagbagsak ng ulan,
Yayakapin ang sariling luhaan,
Kung muling umikot ang ating orasan,
Pipiliin kong ikaw pa rin ang balikan.At sa muling paglalakbay sa kalawakan,
Bakas mo pa rin ang aking susundan.
Ikaw ang babalikan,
Kahit paulit-ulit na masaktan.

BINABASA MO ANG
Huling Tugma (Koleksyon Ng Mga Tula)
PoetryManiwala ka, binuo ang pag-ibig para saktan at paniwalain kang kayo sa huli pero mali. Walang naghihintay sa dulo kung hindi ang pagluha, pighati, sakit at pait.