"Hinding hindi kita iiwan"
Nag-akalang totoo na hindi ka lilisan.
"Tanggap kita kahit ano pa"
Napaniwala ako sa isinulat mong letra,Kung kailan handa na akong hawakan ang pisi,
Doon ka nagdesisyong bitawan ang mga sandali.
Kung kailan nagtiwala na ako sa bulong ng puso,
Doon ka nagsimulang humakbang palayo.Kung sakaling magtagpong muli tayo,
Tandaan mong totoo ang bawat letra sa tulang ito.
Na isinulat gamit ang luha sa pagsapit ng umaga,
At mga mapanakit na nakalalasong masasayang alaala.Ikaw ang dahilan ng panibagong sugat,
Ikaw ang tao sa likod ng masakit na pamagat.
Kung hindi tayo ang para sa isa't-isa,
Sana una pa lang nagbago na ako ng ruta.Sana una pa lang hindi na tayo nagkakilala,
Sana una pa lang iniwasan na kita.
Bakit nga ba nagtagpo ang mga mundo natin?
Simpleng tanong na mahirap sagutin.

BINABASA MO ANG
Huling Tugma (Koleksyon Ng Mga Tula)
PoetryManiwala ka, binuo ang pag-ibig para saktan at paniwalain kang kayo sa huli pero mali. Walang naghihintay sa dulo kung hindi ang pagluha, pighati, sakit at pait.