Sa kasalukuyan, 19 years old na ako. Kumukuha ako ng kursong Accountancy at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo. Limang taon na ang lumipas simula nang mamatay ang aking Papa sa sakit na cancer. Dahil na rin sa kailangan ni Mama ng katuwang sa buhay, muli niyang binuksan ang kanyang puso para sa ibang lalaki.
Noong una'y tutol ako dahil pakiramdam ko'y papalitan niya na si Papa sa buhay niya.
"Anak mag-asawa man akong muli, hinding-hindi mawawala ang Papa mo sa puso ko. Siya pa rin ang unang lalaking minahal ko." sabi ni Mama habang mataman akong tinitingnan sa mata ng diretso saka ito ngumiti ng malumanay.
Wala naman akong nagawa kundi pumayag sa kagustuhan ni Mama. Gusto ko rin kasi siyang sumaya at ayaw kong ipagkait iyon sa kanya.
Lumipas ang mga araw, dumating ang panahon na ipakikilala ako ni Mama sa bagong niyang mapapangasawa.
"O, ready ka na ba James anak?" tanong ni Mama sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
Kakatagpuin namin ang aking soon-to-be stepfather sa isang restaurant dito sa Makati. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung hindi kami magkasundo? Hays.
Napailing naman ako. Bat naman ako ang mag-aadjust? Bahala na nga.
"Relax ka lang anak. Mabait ang Tito George mo." pagpapakalma sa akin ni Mama.
Tumango na lamang ako.
Ilang saglit pa ay narating din namin ang restaurant. Sinabi rin ni Mama na nagpareserve na si Tito George para sa amin. Pagkababa namin ng taxi, napalibot ako ng tingin sa restaurant at hindi ko maitatanggi na mga maykaya sa buhay ang laman nito. Mukhang napaghandaan ang aming pagkikita ah.
Pumasok na kami at iginiya naman kami ng waiter na table na nakareserve para sa amin.
Nang marating namin ang mesang nakareserve para sa amin, naabutan naming nakaupo rito ang isang lalaking mukhang nasa edad 40. Sa tingin ko siya na ang mapapangasawa ni Mama, ang stepfather ko. Ano ba'to. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"George." bati ni Mama.
Napalingon naman ito sa amin. Ngumiti ito ng ubod ng tamis ng makita kami.
"Buti naman at nakarating na kayo Celine." masayang sabi nito. Napatayo ito mula sa kinauupuan at humalik sa pisngi ng aking ina.
"Kanina ka pa ba?" tanong ni Mama.
"Ah hindi. Kararating ko lang din." simpleng sabi nito at bumaling sa akin ng tingin.
Eto na naman ang kabog ng puso ko. Ayy nako, ewan ko ba.
"Kamusta ka James?" sabi nito sa akin sa baritonong tinig at ngumiti ng maaliwalas. Shit. Ang gwapo.
Nakatingin lamang ako sa kanya. Wari'y hindi alam ang isasagot sa kanyang simpleng tanong. Kumusta nga ba ako?
"O-okay lang naman po." nauutal na sabi ko.
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang sagot kong iyon. Basta agad na lamang akong sumagot ng 'di nag-iisip masyado. Punyeta naman oh, ano bang nangyayari sa akin?
Ano ka ba naman James? Wag mong sabihing tinamaan ka sa lalaking ito? Magiging stepdad mo na siya no!
Napatango naman ito sa sagot at ngumiti na lamang. Ramdam siguro nitong 'di ako masyadong komportable.
Napakalakas ng presensya niya. Ayokong magkasala sa mama ko pero iba ang pakiramdam ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Naa-attract ba ako kay Tito George?
BINABASA MO ANG
My Stepfather, My Lover
RomancePaano kung ang karibal mo sa taong mahal mo ay mismong ina mo? Magpaparaya ka na lang ba? O ipaglalaban mo pa rin ito? Tunghayan ang kwento ni James Martinez.