Prologue

3 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either product of the Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Ps. Story cover is temporary only.


PROLOGUE



Hawak ko ang sarili kong bibig upang hindi gumawa ng ingay, ngunit sadyang hindi kaya ng katawan ko ang itago ang kabang bumabalot dito kaya nakagawa ako ng munting ingay na nakapagpalingon sa mga taong naghahanap sakin.
Ngayon na sa gawi ko na sila, naghahanap.


“I can hear you bitch!” Mahina ngunit malalim na wika ng lalaking naghahanap sakin.



Gusto kong tumakbo at humingi ng tulong ngunit hindi ko magawa dahil isang hakbang ko pa lang patay na ako.




Naramdaman kong may tao sa likod ko, sumibol ang kaba ko, namumuo narin ang pawis ko at ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko kayang lingunin ang kung sino man ito. Wala na akong lakas.





Alam kong kahit anong takbo, tago ko. Sa huli mahahanap pa rin nila ako. Tatanggapin ko kung hanggang dito na lang talaga ang buhay ko.





Mahina akong napasigaw nang takpan ng kung sino ang bibig ko, pilit din akong kumawala kahit na wala akong laban dito. Puro armas sila at masyadong advance ang kanilang teknolohiya.




“Shh. Soy yo! Soy yo Chace.” Mahina niyang bulong sa taenga ko.

Translate: Soy yo = It’s me

Tumigil ako sa pagpipiglas ng malaman na siya iyon. Halos manghina ako sa bisig niya kaya niyakap niya ako.

“Are you okay? Mianhe.” Tango lamang ang sagot ko dahil sa pagod at sakit ng mga sugat ko.

Translate: Mianhe= Sorry


Hindi ko inaasahan na aabot sa puntong hindi lang buhay ang tinatakbo namin kundi ang alaalang na aalala na lang namin.


Ang hirap isiping nagiging sakim ang isang tao para lamang umangat ito, ang sakit na unti-unting napapasunod ng teknolohiya ang mga tao.


Hindi ko aakalaing ang mga alaala ko noon na siyang bumubuhay na lamang sakin ay mawawala pa. Isa silang ganid, hanggad nila ang yaman at maging hari sa buong mundo.



“Kailangan na nating umalis dito bago tayo makita.” Tinulongan ako ni Chace na tumayo. Mahina man ay pinilit kong maglakad.

Nagtatago kami sa likod ng bultong-bultong drum at alam kong nadyan lang sila sa paligid, hinahanap kami.
Mabagal ang paglakad namin dahil tinutulongan ako ni Chace.


“Lumabas na tayo ng San Vicente, kailangan natin tong ma ireport.” Huminto si Chace sa paglalakad kaya napahinto din ako.

“You know, we can’t.”

“Subukan natin.”

Pangungumbinsi ko pa. Hindi kami makakapag tago habang buhay sa lugar na to. Maraming naghahanap sa amin at ano mang oras ay talagang makikita na kami.

“Bago pa natin maitapak ang paa natin sa labas ng San Vicente, patay na tayo.” Alam kong mas marami pa doong nagbabantay. Mamatay ang kung sinong magtangkang lumabas ng San Vicente. Kahit na walang tao ay may mga mata ng teknolohiya na nagbabantay doon.


“Kung ganun, wala na tayong pag-asa na maka labas ng buhay.”

Natutuwa ako noong unang tumapak ako sa San Vicente kasi ang babait nila ngunit lahat ng iyon ay palabas.
Gusto ko silang hangaan kung paano nilang iadvance ang mga teknolohiya pero lahat ng iyon nawala ng dumating ang araw na tinangay nila ang alaala ko.

Isang malakas na putok ang narinig ko at naramdaman ko na lang ang pagkamanhid ng buo kong katawan.

“No!” Malakas na sigaw ni Chace ng tumumba ako sa lupa.

Gusto man niyang tulungan ako ay hindi niya magawa, kasalukoyan siyang lumalaban sa mga armadong lalaki.

Gusto ko ng ipahinga ang katawan ko sobrang pagod na ako. Pagod na akong tumakas, alamin ang totoong mundo ng San Vicente. Pagod na akong magtanong kung bakit may lugar kung saan ang teknolohiya ang mas nagiging hari sa lugar na ito.

Pilit kong m inumulat ang mga mata ngunit mas nagiging mabigat pa ang mga talokap ko. Sumisigaw si Chace ngunit hindi ko na ito marinig ng maayos kahit na ang paningin ko ay nagiging malabo.

Siguro ito na ang oras ko. Hindi ko man ma isatinig ang nararamdaman ko sa isang tao, sapat na iyong sinsamahan ko siya sa lugar na naiiba sa lahat.
Ipinikit kko ng tuloyan ang  mga mata ko at naramdaman kong may basang dumadaloy sa gilid nito.



Paalam, paalam sa alaalang hindi ko na maalala..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon