Sa may kaliitang iskinita sa Tondo maynila dumaan ang isang magarang kotse upang mag short cut dahil sa subrang traffic at bukod pa sa pagiging traffic sa daan ay may isang mission din itong ginawa at kakatapos lang.
Binabay na ng taong iyon ang daan upang isagawa ang isa pang mission ngunit sa pagbagtas niya sa kalagitnaan ng Crossway sa pagitan ng isang kanto ay biglang sumambulat sa kanya ang isang nakakasilaw na ilaw mula sa matulin na kotse at halos mabangga ang kabilang side ng kotse kung saan siya nakaupo.
Napamura ito dahil hindi nito namalayan na may kotseng dadaan ngunit impossible naman na hindi siya makikita ng driver ng kotseng bumangga sa kanya kung gayung naka on naman ang ilaw ng kotse ngunit sa huli ay natigilan ito dahil naalala nitong hindi nito binuksan ang ilaw ng kotse ngunit impossible ring hindi nito makikita oh maaninag na may babagtas na isang kotse kung nakabukas naman ang ilaw ng bumangga unless-- she stopped her thought at mabilis na dinukot ang kalibre ng baril.
Lumabas ang driver ng kotse at kinatok ang kotse niya.
She observed the man standing next to her car and she didn't see any weapons he was carrying but she also wasn't complacent.
Muling kumatok ang lalake sa binata at sa huli ay kampanti niyang ibinalik ang baril sa kinalalagyan nito dahil highly tainted naman ang salamin ng kotse at isa pa naka off din ang ilaw sa loob kaya sigurado siyang walang makikita ito maliban na lang kung ang taong nakatayo sa labas ay kaparehong mga tao sa totoong mundong ginagalawan niya.
Bumuntong hininga siya at umirap kahit hindi naman siya nakikita ng lalake. Bumaling siya sa kotse na halos bumangga sa kanya bago niya ulit binalingan ang lalakeng naka uniform ng police at napangisi siya dahil sa naiisip.
Humawak siya sa steering wheel and slightly waved her index finger on the steering wheel then looked around before opening the window slightly.
"Ma'am" sabi ng police na agaran niyang pinutol.
"Good evening Mr." Bati niya sa lalake habang may nakakalokong ngiti sa labi.
Bahagyang napakunot noo naman ang lalake na tila kinikilala siya.
"Ma'am." Sabi ulit ng lalake ngunit kagaya ng una ay pinutol din nito ang sasabihin ng mama saka binalingan ang sasakyan ng lalake at naaninagan niyang may isa pang tao doon na naka upo na tila bored kahit hindi ganun ka klaro ang mukha ng taong nasaloob ng kotse ngunit ramdam niya ang reaction ng mukha nito.
Bahagya siyang tumawa at nginisian ang lalake na nakatayo parin sa tabi ng kotse niya.
"Hey!" Maangas niyang sabi. "You know how to race?"
"What?" tila naguguluhan na sabi naman nito.
"Your police car is look new and in condition, I think your car can keep up with the race. "She said na ikina nganga ng lalake.
Napansin niya ang pag bukas ng pinto police car at bumaba ang isang lalake na tila hindi niya inaasahan. Isang guwapo at matipuno.
Humagikhik siya at mabilis na tinawag pansin ang lalake ng tuluyang makababa sa kotse na satingin niya ay lalapitan nito ang kasamang mamang police.
Hey, do you want to play car racing with me? " She asked with a smile, and without warning she drove away.
Natawa siya ng makitang nagulat ang dalawa at natigilan kaya napailing ng lang siya at nag patuloy sa bilis ng pag papatakbo ng kotse at walang katakot takot na mas binilisan pa ito hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo sa lugar na iyon at binaybay ang daan patungo sa next target niya ngunit sa pagsilip niya sa side mirror ay halos lumaki ang mata niya ng makita ang police car na humahabol sa kanya. Ang kotse na kanina lang ay iniwan at pinagtawanan dahil sa inakala niyang hindi na ito makakahabol pa dahil sa layo at bilis ng pagpapatakbo niya sa kotse kanina at medyo binagalan na lang niya noong lumampas na siya sa San Andres na kalapit ng lugar kung saan ang second mission niya ngunit tila mabulyayaso yata ang mission niya ngayon dahil sa humahabol sa kanya.
Binilisan niya ang pag papatakbo at binaliwala ang mga sasakyan na dumadaan isa pa hindi naman ganun karami ang sasakyan na dumadaan lalo na kapag hating gabi na hindi katulad sa umaga na maraming sasakyan lalo na ang mga pampubliko.
"Let's race honey!" Bulong niya sabay labas ng isang kamay at itinaas ang middle finger upang ikaway sa police car na pilit humahabol sa kanya alam niyang makikita ito ng dalawang lalake dahil siya ang habol ng mga ito at pansin din niya ang gigil ng driver na maabot siya kaya napahagalpak siya ng tawa at dinoble ang bilis ng pagpapatakbo niya sa kotse at nakipag unahan sa mga sasakyan na nandoon.
Tila isang drag race ang naganap mula San Andreas patungo sa makati hanggang sa nalampasan nila ang lugar at patuloy sa pakikipag habulan.
Namangha siya ng makitang halos mahabol siya ng police at sa isip niya ay hindi pangkaraniwan ang driver ng police car dahil alam niya ang rules ng mga police at kung sakali man ay tiyak makakalabag din ang mga ito ng batas dahil lumampas din ang mga ito sa limitasyon isa pa sa ikinamamangha niya ay tila hindi pangkaraniwang driver ang nagmamaneho sa police car dahil kaya siyang habulin gamit ang pangkaraniwan ng kotse lamang.
Binaba niya ang salamin ng kotse at nagsilbato sa mga ito ng mapantayan siya habang patuloy parin ang paghahabulan nila at walang nagpapatalo sa bilis at sa tuwing may nakakasalubong silang kotse ay nag uunahan sila upang maiwasan ito at pilit mauna ngunit hindi siya nag papatalo. Tila sila ang Hari sa kalsada dahil halos sakupin nila ito.
"Hey!" Tawag niya sa mga ito.
Lumingon ang lalakeng police na kanina lang ay kinakatok ang kotse niya habang nanlalaki ang mata na tila takot habang mahigpit na nakakapit sa seat belt. Tinuro siya nito habang pilit na nilalabanan ang takot dahil sa bilis ng takbo ng kotse.
"Babae tigil!" Sigaw nitong utos ngunit bumilat siya at tumawa saka binalingan ang taong nag mamaniho ng police car.
Nawala ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi ng mapagtanto kung sino ang taong iyon at lihim na napamura.
"Cordova." Bulong niya kasabay ng paglingon nito sa kanya ay ang demonyo nitong ngisi.
Nagngitngit ang mga ngipin niya dahil sa galit na muling nabuhay sa kanyang puso ang lalakeng kaytagal niyang hinanap. Ang lalakeng sinumpa niyang siya ang papatay dito.
Dinukot niya ang baril sa pinaglagyan niya at walang pagaalinlangan na tinutok sa mga ito na ikinamura ng lalakeng police habang nanlalaki ang mata.
Ngumisi siya bago ipinutok ang baril at ng masiguradong hindi na makakahabol ang mga ito ay walang pagaatubiling pinatakbo ng matulin ang kotse kasabay ng pagliko nito pabalik upang taposin ang mission na dapat ay kanina pa tapos.
BINABASA MO ANG
UNMASKED THE DRUG LORD
ActionPinasok niya ang Mundo ng mga Sendikato at naging isang Drug Lord hanggang sa isa na siyang ganap na myembro ng Dark Organization. Subalit sa kanyang pagpasok ay hindi niya inaasahan makakaharap niya ang Taong magpapabagsak sa kanya. April 11 2020.