CHASING LOVE

0 0 0
                                    

They always say that love is the most powerful thing in the world. It can heal even the most broken heart. Can find a one lost soul. Can fill the missing part. But I guess, love is not meant just for those things. It's not the only kind of love there is.

My life in Isla Villanova is not the most perfect life anyone expected. It's nowhere near perfect. But in all the places that i've been, its the only place where I left my heart with. The place where I loved, and hurt. The place where reminds me of the Love I have given that was never given back to me. The place where I lost myself. But above all of this misery this place has reminded me, there is a memory in this place that makes me wanna go back and give the place a second chance. To live. To learn. To find myself.

"You are insane soleil!"

I heard mama shouted at me while I am packing my things.

Sumugod sya papasok ng aking kwarto

"Mama, buo na ang isipan ko"

I heard a heavy sigh coming from her

Alam ko ang iniisip nya, alam kong hinding hindi siya papayag na umuwi ako sa isla villanova. Alam kong hinding hindi nya matatanggap ang decisyon kong tanggapin ang alok ni aucle antonio na pamahalaan ang aming mga ariarian doon.

"Akala mo ba hindi ko alam ang tunay mong pakay sa pag uwi doon soleil?"

Napa buntong hininga ako't marahan na umangat ang tingin sa kanya

"Uuwi ako para sa mga ariariang pamamahalaan ko doon mama"

"Nahihibang kana sa lalaking iyon!"

"Ma-"

"You are really willing to throw away your elegance and delegacy just to chase that man, soleil?"

Ayan na naman sya sa kanyang argumento tungkol kay hades

Kumunot ang noo ko

"Mama, hindi eto tungkol kay hades, uuwi-"

"Hindi ako papayag!"

"Buo na ang desisyon ko"

Anim na taon na simula ng iwan ko ang maliit na isla na yon. walang masama kong gugustohin kong bumalik.

"Hindi paba sapat sayo na niloko at sinaktan ka ng lalaking iyon soliel? Matalino kang babae, pero hindi ko alam na ganito ka ka mangmang pag dating sa lalaking yon!"

Hindi ko na kinaya at ibinagsak ang mga natitirang damit na aking inaayos sa malita

Napapikit ako at nag buntong hininga, kong ano man ang aking pakay sa pag uwi ay wala na siyang paki alam doon.

"Mama, dalawamput anim na taong gulang na ako. Siguro ay nasa tamang edad na ako para mag desisyon sa sarili ko"

"Paano ang pag momodelo mo dito? Ang nabuo mong pangalan dito sa amerika? Iiwan mo ng basta basta nalang?"

"Hindi naman ako mag tatagal doon ma, papamahalaan ko lang ang ating ari arian at asesekasohin ang pag lipat noon sa aking pangalan. Pag katapos ay uuwi din ako dito para ipag patuloy ang pag momodelo"

Nakita kong pumasok si papa sa pintuan at marahang hinawakan ang mag kabilang balikat ng aking ina

"Tama ang anak mo, nasa tamang edad na siya rosario. Pabayaan mong gawin nya ang gusto nya"

"Hindi ma kakatulong ang pag konsenti mo sa kanya teodoro"

Pag ka tapos ay padabog na nag walk out si mama palabas ng aking kwarto. Tinignan ako ni papa ng mapait bago ngumiti at tinabihan ako

Chasing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon