Nahihintakutang napabalikwas ako mula sa pagkakatulog ng marinig ko ang malakas na alarm ng phone ko. I know it's time for me to wake up and be ready for school but I still want to sleep! For goddamn sake, it's still 5 AM!
Napaungol ako nang bigla akong makarinig ng maliliit na katok mula sa labas ng kwarto ko. Pinikit ko ng mariin ang mga mata at pinilit na ang sariling tumayo.
Umupo muna ako sa kama ng ilang saglit para mas luminaw ang isip, bago tumayo upang makapag-ayos na.
A cheeky radiant smile from Nanay Baby greeted my morning. Nakapasok na siya sa kwarto ko at nasa kamay niya ang susing pinangbukas sa pinto.
"Magandang umaga, Raya." She greeted me while smiling.
I felt myself tensed up. Pero ng maalalang si Nanay Baby iyon ay bahagya akong kumalma. My lips stretch into a half smile and greeted Nanay Baby too.
"Good morning po.."
Hindi nawawala ang magandang ngiti sa labi ni Nanay Baby. "Pumasok na ako dahil akala ko tulog kapa. May pasok kana ngayon diba?"
Sa sinabi ni Nanay ay naalala kong ngayon nanga ang araw ng pagpasok ko. Tinanguan ko ang matanda bilang sagot.
"Oh siya, kung gano'n ay mag-ayos kana. Ipaghahanda kita ng almusal at huwag mong sasabihin na busog ka dahil hindi kita nakitang kumain kagabi." Nakataas ang kilay niya na parang alam niyang kokontra ako kahit wala pa naman akong sinasabi. Natawa ako at hindi nalang sumagot sa sinabi niya.
Lumabas na rin naman kaagad si Nanay Baby. Nilingon ko naman ang kama ko at tinupi ang kumot ko. Nang matapos ay kinuha ko muna ang cellphone ko na nasa bedside table. Binuksan ko ang cellphone ko at nakita kaagad ang email ng school na nagsasabing ngayon araw nga ulit ang pagpasok ko.
3 weeks ago mula ng ma-suspende ako sa skuwelahan na pinapasukan ako. Napasok ako sa isang cat fight na ngayon ay pinagsisisihan kong pinatulan ko. But I'm thankful that I've got a weeks of suspension because it really help me to sort out my actions and decisions now.
The fight was actually petty. Pinagsisisihan kong pinatulan ko ang mga babaeng iyon dahil sa walang kwentang dahilan. Humugot ako ng malalim na hininga ng maalala ang dahilan kung bakit nauwi ako sa 3 weeks suspension.
Sana lang ay wala muna akong makita sa mga pagmumukha ng mga babaeng iyon. Ngunit mukhang hindi yata ako pinagbibigyan ng pagkakataon dahil pagpasok ko palang sa gate ng school, ang mga matatalim na mga mata ng mga studyante na ang sumalubong sa akin.
What a nice welcome.
As expected, ako ang usap-usapan sa paligid. Kada pasilyong daraanan ko ay kung hindi titingin sa akin, iirapan naman ako. Kung hindi naman irap, magtatawanan habang nakatingin sa'kin. Hay, buhay nga naman.
"She really has the guts huh. Pumasok pa talaga." Malakas ang pagkakasabi ng isang babae ng dumaan ako sa hallway papunta sa room ko.
"Matapang kasi mayaman ang pamilya." Sabi naman ng isa.
"And look what she is wearing. Ano 'yan? Basahan ba o sako?" Narinig kopang sabi ng hindi ko kilalang bubuyog.
Sa school na ito, sikat ako. Of course, hindi sa magandang dahilan. Kilala ako rito bilang weird. May mga tinatawag pa silang pangalan sa'kin na binabalewa ko lang. Wala naman akong mapapala kung papansinin ko ang mga sinasabi nila pero ibang usapan na kapag hinawakan na ako. Katulad nga ng nangyari 3 weeks ago. Kung puros mga salita lang ang ginawa ng mga babaeng iyon, hindi ko naman talaga sila papatulan. Pero dahil nauna silang mamisikal, doon na'ko nawalan ng pasensya. Pinagsasakal ko. Ang resulta? suspension. Ang malala, ako lang ang nasuspende. Pambihira.
BINABASA MO ANG
Chasing the Elusive Wave
General FictionStory started: August 20, 2021 Story Ended: November 19, 2021