Chapter 1

45 6 19
                                    

NOTE:

*This story is not related to my story "The Blitz Marriage: Married at First Sight"

**I am not yet that familliar with the K-12 curriculum lalo na sa senior high school, kaya naman I will be using the old curriculum. Sorry for the inconvenience.

***I'm not sure kung naipagpaalam ko lahat ng pangalang ginamit at gagamitin sa kwentong ito. Kung nagamit ko ang pangalan mo pero ayaw mo itong makita sa kwentong ito paki-message ako para mapalitan ko ang pangalan mo. Thank you.

****Galing man sa totoong tao ang mga pangalan sa kwentong ito, ngunit ang daloy ng kwento at pangyayari ay hindi totoo at pawang kathang-isip lamang.





Chapter 1

Sam's POV

Nakakakaba. Today is the first day of school.  I am now a first year high school student. Pero doble ang kaba ko kaysa sa mga kapwa ko estudyante. Bukod kasi sa lumipat ako ng school, this will also be my first day of school after four years.

Nagkaroon kasi kami ng financial problem kaya after kong maka-graduate ng elementary eh hindi ako nakapag-aral at kinailangang magtrabaho para makaipon ako at makatulong na rin sa pamilya.

Sinuwerte lang na mabait yung amo ko ngayon kaya pinatigil muna nila ako sa pagtatrabaho at mag-aral na lang daw muna ako. Sila ang bahala sa tuition ko at allowance, at magsabi lang din daw ako sa kanila kapag may mga projects o ibang bayaran at sila na din daw bahala don.

Realm of Retrouvaille University o mas kilala bilang ROR U ang pangalan ng bago kong school ko. Sikat ang ROR U dahil sa mahigpit at kakaibang palakad. But only students from ROR U know the difference of ROR U from other schools. And no one dares na ipagkalat ang pagkakaibang iyon, kahit pa ang mga graduates or mga nag-drop out. But soon, malalaman ko din 'yon.

Nandito na ako sa tapat ng Felicity building, ang building kung nasaan ang magiging room ko. Meron itong limang floor. Nasa first floor ang Principal's Office, Teacher's Office at Guidance Councilor. Nasa second at third floor naman ang eight classroom. Sa fourth naman matatagpuan ang dalawa pang classroom at computer room. At ang buong fifth floor naman ay Library.

Napabuntong-hininga na lang ako ng makita ko ang floor plan. Nasa fourth floor kasi ang room ng Sophisticated Swan, ang section na kinabibilangan ko.

Sosyal naman itong school, mayroong elevator. Pero ang daming nakapila, kaya nag-decide ako na gumamit na lang ng hagdan. Buti na lang inagahan ko ang gising kanina, kaya naman maagap din akong nakapasok at ang pag-akyat ng hagdan nang dahan-dahan ay hindi magiging dahilan para mahuli ako sa first subject.

Dahan-dahan lang akong aakyat para hindi ako hingalin at ma-haggard. Ang sama naman kung pag pasok ko ng room eh fresh mga kaklase ko tas ako pawisan at haggard.

Kararating ko lang sa second floor nang  batiin ako ng isang babae na kakalabas lang sa isang classroom.

"Hi! Bakit naghagdan ka? May elevator ah." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Mahaba kasi ang pila." nahihiya kong sagot.

"Ah. Ako nga pala si Lee-Anne Mirandilla, but you can call me Liyang." pagpapakilala niya at nakangiting inilahad ang kamay sa akin.

"Ako naman si Samantha Fravillana, tawagin mo na lang akong Sam." nakangiti kong tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"Anong year mo na?"

Lalo akong nakaramdam ng hiya sa tanong niya. Siguro nahalata niya sa hitsura ko na matanda na ako. Hindi naman na nakakapagtaka 'yon. Lahat ng kaklase ko noong elementary eh puro 1st year college na, pero ako bago pa lang magsisimulang mag-high school.

It Started at ROR UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon