Jeepney Love Story

22 2 2
                                    

Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
Di makapaniwala

Monday morning. Nagmamadali akong pumunta sa terminal ng jeep na byaheng pa-SM North. Hayst. Alas sais na! Makaka-abot pa kaya ako ng 7:30 sa School neto? -_-"

Pagdating ko sa terminal. Napa-WTF ako. Ang haba kasi ng pila! Dyusmiyomarimar!

So yun nga, dahil wala naman akongg choice kundi pumila, edi pumila na ko. -_-" Ano ba pang dapat kong gawin dba?

After 12345678910 minutes...

Sa waakaaaaas! Nakasakay na 'ko! Grabe lang. Kala ko aabutin na 'ko ng Semana Santa sa pilang yun eh!

Dahil ako'y may sariling mundo kapag nasa byahe ako't ako lang mag-isa, lumulutang na naman kung saan saan yung utak ko. Haaays.

After 11121314151617181920 minutes...

Nakakaiyak! 6:30 na! Tapos isang oras pa byahe ko pa-NTC eh. T^T So ayun, andito na nga ko sa Sm North. Naghihintay ng jeep na byaheng pa-Quiapo

Parang may hiwagang nadama
Nang tumama sa'yo
Ang aking mga mata

Ng may makita akong jeep na pa-Kalaw na dadaan ng Quiapo, pinara ko agad! Aba! Mahirap na no, baka maunahan pa ko ng mga kasama ko ding naghihintay ng jeep pa Quiapo. Hihi. ;)

And there, i saw you. The first time i lay my eyes on you, i kne---

*Beep! Beep!*

Driver: *Nakatingin sakin sa mirror nya* Oy miss sasakay ka ba? O balak mong tumambay lang dyan sa akyatan ng Jeep ko?

Pffftttt--- Ewan ko. Na-stuck pala ako sa akyatan ng Jeep. Kasi naman. Tae. Ewan ko kung anong nangyari. Natulala ako sayo eh.

At nagsiksikan na
Dahil tumigil ang jeepney
Sa tapat ng eskuwela

Tsk! Kainis naman 'tong katabi ko, akala 'ata kutson ako eh! Natutulog tapos sumasandig sakin. -_-"

Tapos tapos, 'tong jeep na 'to. Masyadong matalon. Yung ano.. ugh. Yung maalog, ganun! Ang sakit tuloy ng dibdib ko kapag umaalog yung Jeep -_-" Girls, ramdam nyo ba 'ko sa part na 'to? Huhu. Ang sakit sa dibdib eh. Literal na dibdib. At sa magsasabing FLAT CHESTED ako kaya imposibleng sumakit, huh! Asa kayo. May future naman ako kahit papano ano! :)

At ayun nga, ang siksikan na sa jeep. Kasi, malamang puno na, pero si Manong nagpapasakay pa! Feeling nya ata nageexpand tong jeep nya eh.

Barker: Oh dalawa pa! Dalawa pa!

Wtf! Dalawa daw? E halos magkapalit na nga kami ng muka netong Mr. Access Student na katabi ko eh. -_-" Asan ang dalawa pa dyan?!!!

Barker: Dalawa paaaa! Sakay na! Mga nagmamadali dyan! Dala----

Ugh! Umiinit na ulo ko sa barker na to na sigaw ng sigaw ng "Dalawa pa" kahit yung isang maliit na daga e hindi na makakaupo!

Ako: Oy kuya. Anong dalawa pa? Try mo kayang umupo dito tingnan natin kung makahinga ka pa sa sikip!

Barker: Sorry na miss. Akala ko meron pa eh. *Lingon sa driver* o puno na jeep mo. Alis na, mukang nagmamadali tong si Miss Nurse eh.

Ako: FYI! Hindi ako nurse! 'Pag naka-puti, nurse agad? Tss.

Biglang nagkadikit
Puso ko'y biglang sumikip
At natulala

"Kalma ka lang Miss. Ang aga aga ang init ng ulo mo."

Yan, yang statement na yan yung unang sinabi mo sakin. Di ko alam kung matutuwa ako o ano eh.

Nilingon kita, saka ko na-realize na, WOW PARE! HEAVY! ANG POGI MO PALA TALAGA!

The Soundtrack of your LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon