Icetravaganza - Ikaw

24 3 1
                                    

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula nung matanto
Na balang araw iibig ang puso"

Noon, madalas napapaisip ako, lalo na kung may makikita akong sweet couple sa paligid ko. Kailan kaya darating si "IKAW" ko? Medyo matagal tagal na din akong naghihintay, pero hindi ka pa din dumadating. Nasaan ka na ba? Natraffic ka ba sa EDSA?

Hindi naman yung PERPEKTO ang hanap ko, dahil unang una, WALA NAMANG TAONG PERPEKTO, kahit ako, aminado akong may kakulangan din ako. Ang gusto ko lang, yung taong iintindihin at magpapasensya sakin.

Naalala ko nung bata pa 'ko, nung mga panahong una akong nagka-crush, sobrang litong lito ako nun sa nararamdaman ko, naman kasi wala pa 'kong muwang non! Pero nung pinaliwanag sakin ni Mommy na normal lang pala 'tong paghangang nararamdaman ko, dun ako nagsimulang magkaroon ng IDEAL MAN, landi ko no? Elementary days pa lang may IDEAL MAN na 'ko. Hahahaha!

Gusto ko nun mabait, matalino, yung tipong ipagtatanggol ako sa lahat ng nang-aasar sakin, yung kasabay kong maglalaro sa playground, pogi, yung crush din ako, at marami pang iba.

Pero paglipas ng panahon, narealize kong, nakakatawa pala yung ideal man ko nung bata pa 'ko. Hahaha. Kaya ang nangyari, nagkaroon ako ng IDEAL MAN teenager version, syempre ano pa nga ba? EDI YUNG GAYA NG PAPA KO! :)

----------
Ikaw ang pagibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pagibig na binigay
sa akin ng may kapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pagibig ko'y ikaw
----------

"Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pagikot ng mundo
Ngumingiti ng kusa aking puso
Pagkat nasagot na ang tanong
Nagaalala noon kung may
magmamahal sa 'kin ng tunay"

Pero mula ng makilala kita, nabalewala yung IDEAL MAN ko. Kasi sobrang kabaligtaran ka ng gusto ko, pero ewan ko ba. Simula nung marinig kitang kumanta, para nasungkit mo na agad yung puso ko ng mga oras na yun pa lang.

Hindi ka yung tipo ng lalaki na malinis tingnan, in fact, may tattoo ka nga sa braso mo eh. Pero everytime na titingnan kita, parang ikaw na yung pinakagwapong nilalang na nakita ko sa mundo ko, syempre pwera kay Daddy. :)

Hindi ikaw yung tipo ng lalaking mahaba ang pasensya, pero pagdating sakin, mas mahaba pa yata sa haligi ng bahay namin yung pasensya mo.

Flashback

Jean: Alliah, sama ka samin mag-bar mamaya?

Ako: Hala. Sorry Jean. Hindi ako pumupunta sa bars eh. Alam mo namang gusto ko lang ng payapang paligid.

Jean: Ayy :( Sige na. Sama ka na please? Kahit ngayon lang. Birthday ko naman eh.

Ako: Hays. Sige na nga. Basta ngayon lang ha? Titiisin ko muna yung ingay ng bar para lang di ka na magtampo.

End of flashback

Yan ang dahilan kung bakit nakilala kita Kevin. Siguro kung hindi ako pinilit ni Jean na sumama sa Birthday celebration nya, wala ka pa siguro sa buhay ko ngayon, at naghihintay pa din ako sa pagdating mo.

Flashback

Nasa bar na 'ko, pero 'di ko pa din ma-contact si Jean.

"The number you are calling, is currently not available."

The Soundtrack of your LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon