"naglakad ka?" tanong sakin ni au pagkapasok ko ng room gusto ko sya sabunutan sa tanong nya
"obvious ba? Why dont you look at your phone?" sabi ko saknya habang binababa ang bag ko magmula sa overpass ay naglakad na ako hanggang dito sa building ng mga nursing dahil nagpapasundo ako kay au pero mukhang busy yata sya kaka chismis sa mga kaklase namin na hindi nya napansin tumatawag ako
"ohh? Tumawag ka? Hindi ko napansin" sagot nya sakin inirapan ko nalang sya
Wala talaga patawad ang traffic! Bumaba na kasi ako sa jeep bago ang school dahil hindi umuusad ang mga sasakyan and I think kung hindi ako bumaba malalate ako sa 1st subject ko at tama nga ang hinala ko dahil nakita ko ang prof naming kanina na paakyat na sa bldg. namin buti nalang matanda na sya kaya nagtatakbo ako sa kabilang hagdan para hindi kami magkasabay
"punta tayo sa school nila clau at naya mamaya bulong nya sakin" habang inaabot ang attendance paper sakin mukhang nagpaattendance na kasi baka overtime nanaman si maam mamaya
"bakit?" tanong ko dahil kakapunta lang naming sa condo nya lastweek tingin ko ay magiinom nanaman dahil kakatapos lang ng midterm
"ewan broke daw eh sabi ni clau arat na! pucha baka papilit ka nanaman ah! " sabi nya sakin natawa naman ako sa sinabi nya na broke si naya
"gaga ang landi nyo kasi lastweek baka nakarating sa jowa nya" sabi ko pa kaya hinila nya ng bahagya ang buhok ko
"excuse me! - - - - - " pagdadahilan nya sana pero pinutol ko sya
"ohh daan kana" pagbibigay ko kunwari ng daan sakanya dahil sa sinabi nya hinampas nya ako ng folder lab naming kaya bigla akong tumayo at lumayo skanya
"FYI elliana louise ! Ikaw at si clau ang dahilan non kung hindi sana kayo pasikat ay hindi gumaya si naya sainyo" pabalik nya sakin kinunotan ko sya sa sinabi nyang buong pangalan ko, nagkayayaan kaming magpunta ng blue pub lastweek dahil last day ng exam, isa iyon sa nakagawian namin tuwing pagtapos ng exam para makapag relax. may mga indoor games din sa blue pub kaya karamihan studyante ang laman dahil studyante rin ang may ari, that day nagkayayaan na magpalibre sa mga lalake na taga ibang school at hingin kunwari ang phone number at dahil mukhang nagpasikat si naya ay isa sya sa maraming nakunan na number at nailibre pa ng drinks
Hindi na ako sumagot kay au dahil dumating na ang proof namin at totoo ngang overtime nanaman sya dahil habang papunta sya dito sa room namin ay naguumpisa na dapat ang time nya para magdiscuss. Naaantok akong bumaling kay AU para sana tanungin ang oras pero nakadukmo na sya Kinurot ko sya sa braso dahil baka Makita sya ni prof at madamay pa ako sa kagagahan nya
"ANO?! pabulong nyang tanong habang namimilipit sya sa hapdi ng kinurot ko skanya
"Wala lang, natutulog kaba?" walang malisya kong pagkakasabi sakanya kaya sinipa nya ang upuan ko at natawa nalang ako sa ginawa nya
"gago! Mamaya ka sa labas sabi nya pa habang umaayos ng upo"
Ala singko ng dumating kami sa SLU pagkasakay ni naya sa kotse ni AU nagumpisa na syang magdaldal akala ko ba broke to? Eh mukhang mas broke pa si AU sa itsura nya ngayon kulang nalang mahiga sya sa ulap sa cloud 9 ka gurl?
"akala ko ba broke yan?" Tanong ko kay AU na nakikipag kwentuhan pa kay naya
"oo nga broke ako pero may bago na ako ulit crush" sagot ni naya sakin habang tinatawagan nya si clau sa phone nya
"wala na kayo ni Richard?" tanong ko sakanya kahit obvious naman na
"oo kagabi lang, yaan muna yon akala naman nya gwapo sya eh ang lalaki naman ng ngipin nya buti nalang talaga mayaman sila at nadadala sya ng burberry" dagdag nya pa habang nagtitext sya tumawa naman si clau sa sinabi nya at nag apir pa silang dalawa