#YoungerLooking

234 12 16
                                    

Evergreen's POV

Fine! Magreklamo na sya.Basta nagtitipid kami ngayon. Tsaka , paano ba kami makakahanap ng Syota kong nakasakay kami sa kotse?. Malay natin andyan lang pala sa tabi-tabi ang shoshotain namin diba?

Ito kasing si Tin2x ,maganda naman eh-- pero para lang walang plano sa buhay. She's 21 pero di pa talaga sya nagkakaboyfriend ever! Nun kasing tinanong ko sya tungkol sa life nya with her "ex" wala daw. Or baka she's just trying to forget kaya, ayaw nyang pag usapan yun. Ganun na siguro yun ano? Bsta! Ako lang naman yung may gustong maghanap ng boyfriend eh kasi, malapit na akong mag te-30 pero; wala pa akong boyfriend.

I mean nagkaboyfriend na ako. Marami.

Uyyy! Totoo yun. Hindi lang yan basta-basta chismis. Totoong-totoo talaga yan. Pero--- lahat naman hanggang 1 month, 2 months.. matagal na yung 3months break din agad.

Nakakasawa na kasi yung buwan-buwan Happy 1st Monthsary lang kami lagi. Kaya gusto ko na talagang mag karoon ng boyfriend at deretchu na kasalan. Roottss!! Atat na  atat lang talaga!

Uy!! Girls out there, mararamdaman nyo din tong nakakapraning na nararamdaman ko kapag 25na kayo at wala kayung boyfriend. Naku!! Dapat mamroblema na kayo!!

Kasi habang patanda ng patanda, papanget ka ng papanget. You'll never be fresh !! Sa paningin ng mga lalaki. Gurang, Gors?Naku! Mapapatay ko talaga ang taong tatawag saakin nyan.

I'll tell you ha?

Aabot talaga sa punto na mamomroblema ka ,at gustong gusto mo na talagang magka boyfriend. Oo . Totoo yan..proven and tested.

Kaya yang si Tin2x parelax relax muna sya ngayon,

ha !! Tingnan lang natin kung di yan aabot sa pinoproblema ko balang araw. At pag nangyari yun? Tatawa ako na parang baliw! Mark my wordssssss! (The "Sss" )

Ang akin lang naman kasi. Takot ako.

Natatakot ako na baka dumating yung panahong mag iisa nalang ako. Papanget ako. Tatandang mag isa-------------  Yun yung naramdaman ko eh!! . Takot

Nakakapagod lang kasi..

Ewan ko ba sa kanila. Mabait naman ako. Maganda. May narating din naman  sa buhay..pero--- anong nangyari?

Hayyy! What a life.

Isa pa to--------------- kapag kasama ko si Tin2x nagmumukha lang akong Manang . O kaya batang ina kay Tin2x. Grabeh ang tao ano?Judgmental. Hayaan nyo na.. Buhay nila yan eh!!! Roootsss ! Magdrama ba naman ako? Hindi kasi, noon talaga never akong nagselos o na insecure sa mukha ng ibang tao. Pero ngayon, Lahat ng ipit and accesories sa mall gusto kong bilhin, magmukha lang akong bata. Rootttsss! Para-paraan lang yan noh.

kaya,  Lahat ng settings sa buhay ko pambata. Mula bag, gamit. Pati paglakad. Acting. Nilahat ko na ,para YoungerLooking ako! pero---- iba parin eh.

naiinsecure ako kahit pa binuhos ko na lahat ng plans ko para maging bata lang..

Ngayong tumatanda na ako at single, ayh! Kahit kinder kinaiinggitan ko pa. ! Gusto ko kasi, kasing cute nila akong tignan.

Paulit -ulit kong sasabihin sainyo, iba na talaga kapag matanda na tapos-- Walang lovelife.

kaya nga yung mga pamangkin kong grade one, hinahayaan ko ng magkaroon ng crushes wag lang silang matulad saakin pagdating ng araw.

Ayokong matulad sila saakin.Naku! Hindi sasanay ang magagandang lahi namin? Hindi ako makakapayag nyan.

Nababaliw na ba ako? Hindi noh.

Maniwala kayo saakin. Mararansan nyo rin to. Darating ang araw. Share nyo saakin pag tama ako.

Falling inLove with my BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon