-ONE SHOT

9 1 4
                                    

Listen to HEARTBEAT and SPRING DAY while reading this☺️💜

YEAR 2017

"Bangtaaaan Here I cooooome"

Kararating lang ni Janny sa Maynila para sa gaganapin na concert ng Bangtan Sonyeondan na kanilang Wings Tour.
Sobrang excited ni Janny sa gaganapin concert dahil first time niyang mapanood ng harap harapan ang Bangtan. VIP ang kinuhang ticket ni Janny sa concert. Mahigit dalawang taon ding pinag ipunan ni Janny ang pera para sa ticket ng concert at sa magiging fan meeting ng BTS. Natapos na ni Janny ang kanyang kursong Education at isa nang ganap na guro pero kahit paman ganun ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagiging fan ng BTS at sa isip niya ay wala siyang planong tumigil. Kumbaga para sa kanya ito lang ang masasabi niyang tunay na forever
"Ang Pagiging isang Army".
Sa lahat ng pagsubok na kinaharap ni Janny tanging ang BTS lang ang nakakapag pasaya ng araw niya. Kahit gaano man ka lungkot ang araw ni Janny makinig lang siya sa mga kanta nila ay solve na ang araw niya. She always said to herself that stanning these seven men was the best decision she ever made.

Pagka tapos ng isang oras na biyahe ay nakarating na si Janny sa bahay ng kanyang dalawang kapatid na si Johanny at Jadgemine na isa ding avid fan ng Bangtan.

"Ateeeee" bati sa kanya ng dalawang nakababatang kapatid. Masaya siyang sinalubong at yinakap ng mga kapatid.

"Salamat naman ate at ligtas kang nakarating dito."

"Oo nga Johanny buti nalang may mababait na tumulong akin."

"Ate kumain ka na ba?" tanong sa kanya ni Jadgemine.

"Ah hindi pa."

"Halika ka ate kain muna tayo."

Nagsalo salo ang magkakapatid sa hapagkainan at nagkukuwentuhan para sa pagpunta nila sa concert ng BTS. Habang nagkukuwentuhan bakas sa mukha ng tatlong dalaga ang saya at pananabik sa pinaka espesyal na araw na kanilang dadaluhan.

"Ateee di nako makapag-intay. Alam mo ba 'te nagdala nako ng mga gamit na pa pipirmihan ko sa Bangtan. Ahhhh." kinikilig na saad ni Johanny.

"Pati din ako ate. Nag ready nadin ako ng pinaka magandang susuotin ko para mabighani ko si Jimin." pagbibida naman ni Jadgemine.

"Puwes hindi ako magpapahuli sa inyo no? Kita niyo yang maliit purple na maleta? Andiyan ang lahat kailangan ko sa para sa concert at fan meeting." nakangising saad ni Janny sa mga kapatid.

"Ateeee alam mo ba kahapon pato parang may bulati dito sa tiyan ko. Hindi talaga ako mapakali ate."

"Ako din ate, sobrang excited kong makita silang mag perform. Yung boses nila sa live,yung sayaw nila sa live. Lalo na sa fan meeting alam mo yun yung makikita mo sila ng harap harapan. Yung maririnig mo boses nila. Yung mahahawakan mo sila. Lahat ate sobrang saya ko talaga."
maluha luha na kuwento ni Jadgemine sa kanyang kapatid.

"Kumalma nga kayo. Kumain muna kayo ng sapat diyan para may full energy tayo para bukas."

Pilit na pina pakalma ni Janny ang dalawang kapatid kahit paman sa loob loob niya ay gusto niya tumalon at sumigaw dahil sa sobrang excited. Pero sa isip niya gagawin niya lahat iyon sa gaganaping concert ng BTS.

Patuloy ang magkakapatid na kumain at nagkamustahan na din sa isang taon na hindi magkasama. Isa kasing flight attendant si Jadgemine na naka destino sa Maynila at fashion designer naman si Johanny sa isang kompanya din sa Maynila. Parehong naka destino ang mga naka babatang kapatid ni Johanny sa Maynila kaya siya na lamang ang natira sa Cebu kung saan siya ay nagtuturo sa isang private school. Kaya din sobrang excited ni Janny maka punta sa Maynila ay isa na rito ang makita muli ang kanyang mga kapatid. Sila kasi ang naging kasangga ni Janny sa lahat ng bagay. Pati na rin sa pagiging fan girl nila sa BTS.

Purple Ocean (One Shot)Where stories live. Discover now