Chapter 2

42 2 0
                                    

"Tara Mila! Sabay na tayong mag lunch." sabi ni Nica.

"Ah sige pero samahan mo muna akong maglocker ha. Di ko pa kasi nalalagay tong mga libro ko eh."

"Sureness! Maglolocker din ako eh."

Lumabas na kami ng room at pumunta sa locker namin. Naghiwalay lang kami saglit ni Nica kasi 3rd floor yung locker niya tas ako sa 1st floor lang. Habang naglalakad ako papunta sa locker ko. May narinig ako...

"And they say
She's in the class a team
Stuck in her daydream
Been this way since 18
But lately her face seems
Slowly sinking wasting
Crumbling like pastries
And they scream
The worst things in life come free to us"

O M G! Ang ganda ng boses shet! Grabe. Nakakainlove! Woooh! Sino kaya yun? Gusto ko sana siyang makilala kaso ayokong makaistorbo. Sinilip ko nalang yung mukha niya. Kaso biglang nahulog yung mga buhay kong libro. Ugh! Sht! Kung di ka ba naman talaga mamalasin oh!

"Tulungan na kita.." sabi nung lalaki. Siya yata yung kumakanta kanina eh. Gosh! Ang gwapo. Kakaloka!!

"Grabe, thank you!" Enebe!

"No problem. Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Hahaha"

"Papunta kasi ako ng locker ko eh.."

"San ba locker mo? Sasamahan na kita, ako na magbubuhat netong mga libro. Bigat eh!" Gwapo na gentleman pa tas galing pang kumanta! Huhuhu. Ano pa ba? Thank you Lord :')

"Ha? Di wag na. Kaya ko naman eh" Pilitin mo ako! Pilitin mo ko! Nako nako!!

"I insist. Tara na punta na tayo sa locker mo.." ASGSGAGAHAKAHG! Kilig much. Landi ko talaga hahaha!

Buti nalang dun sa dulo yung locker ko, mahaba haba yung paglalakad namin. Pagdating namin sa tapat ng locker ko nagusap na kami,

"Thanks!" sabi ko pag abot niya nung mga libro.

"Ako nga pala si Dominic." Ang gwapo niya talagaaa. Nakakadistract!!

"Camila. Pero Mila nalang itawag mo sakin."

"Camila? Oh? Ikaw yung kapatid ni Chad?"

"Oo. Tropa mo siya?"

"Oo eh. Talino kaya nung kuya mo! Hahahaha joke. Si Chase talaga yung matalino!"

"Kaya nga naprepressure ako eh. Hahahaha!"

"Sus, sure naman ako na mageexcell ka sa mga klase mo. Mana ka daw sakanya eh!" Naks naman. Aweee!

"Sinabi niya yon?"

"Yup. Oh, mauna na ako ha. Babalik na ako dun. See you around!" Nginitian ko nalang siya after non. Grabe, ang gwapo niya talagaaa! Huhuhu! Para na akong sasabog kanina fak.

Saktong pagalis ni Dominic, dumating na si Nica.

"Sino yung kausap mo?" tanong niya.

"Ah, yung tropa ni Kuya Chad. Si Dominic! Ang pogi no?" Hehehe. Di ko napigilan yung sarili ko na sabihin yon!

"Pogi lang. Wala namang dulot yon!"

"Hard mo naman! Mukha naman siyang mabait eh. Alam mo bang tinulungan niya ako?"

"Sus. Malamang pakitang tao lang yon. May image kasi yan dito si Dom sa school. Papalit palit yan ng babae. Tas pag sawa na siya bigla nalang niya iiwanan.. Kaya kung magkakacrush ka diyan. Nako girl, wag mo nang ituloy!" Woah! Nagulat talaga ako sa sinabing yun ni Nica. Kasi parang mabait naman si Dominic eh. Baka rumors lang yun. Pero hindi ko rin masasabi, mas kilala naman niya sakin yun eh.

Dumeretso na agad kami ni Nica sa canteen. Nagmamadali nga siya kasi mauubusan daw kami ng upuan. Tama naman siya! Kasi pagdating namin don. Ang dami na ngang tao. Tinawag ako ni Kuya Chad. Dun sila sa pinakagitna ng mga kaibigan niya nakaupo, andun si Dominic.

"Baby sister!!" sabi ni kuya ng nakaway. Wtf?? Baby sister daw? Hahahaha!

"Uhh, hello kuya!"

"Sumabay ka na dito saming kumain, wala ng bakante eh.." Gusto ko na sana dun kumain kaso ayoko baka kasi maging awkard. Syempre mga tropa niya yon tas makikisali kami. Kakahiya diba?

"Ah hindi kuya, okay lang. Maghahanap na lang kami. By the way, eto nga pala yung kaibigan kong si Nica.. Una na kami ha!" Nag ngitian lang si Kuya Chad at Nica.

Buti nakahanap pa kami ng pwesto ni Nica, malapit dun sa bilihan ng mga shake.

"Nica, bibili lang ako ha." sabi ko sakanya pero nung pagtayo ko biglang may lalaking nakatapon ng shake sa damit ko!! UGH!

"Ano ba!!" sabi ko.

"Kasalanan mo yan, di kasi tumitingin eh." Wow naman ha. Siya nga tong nakatapon eh. Galeng naman.

"Seryoso ka ba? Ikaw kaya tong di nagiingat!! Magsorry ka nalang kaya!"

"Oh edi sorry" sabay umalis na siya sa harapan ko. What a jerk!

Nakita ko siyang dumeretso sa table niya at katable niya naman si Kuya Chase.

"Oy mila, okay ka lang?"

"Ikaw kaya tapunan ko? Hahahaha. Magiging okay ka ba?"

"Grabe naman to. Tara punta tayo ng cr. Ayusin natin yan"

"Wag na paabot nalang ng panyo ko. Mantsa lang naman to eh"

"Tanga naman kasi nun ni Luke. Hayaan mo na.."

"Kilala mo yung mokong na yun?"

"Oo naman! Hindi mo ba siya namumukhaan? Siya yung pinagalitan kanina ni Mam Nancy sa room!"

"Oh? Eh siraulo naman pala talaga yun eh, buti nalang napaglitan siya ni mam kanina. Hmp"

"Luh, di ah. Tropa kaya yun ng Kuya Chase mo! Captain ng basketball team yon, heartthrob din yon dito. Pero kaaway ng Kuya Chad mo yun!"

"What do you mean?"

"Mahabang storya... Basta magkaaway grupo ng mga Kuya mo. Muntikan pa nga silang makick out eh. Di ko kayang ikwento, ipakwento mo nalang sa mga kuya mo hahaha!"

Nagkwentuhan lang kami ni Nica buong lunch, nagalisan na nga yung mga tao sa canteen pero kami hindi padin umalis hangga't nagbell. Pinilit ko siyang ikwento yung stroya tungkol sa pagaaway nila Kuya pero sabi niya di naman talaga alam yun. Pagkabell na pagkabell, dumeretso na kami sa room. Iniisip ko parin yung about sa away nila Kuya. Hanggang uwian, yun padin yung nasa isip ko. Kasi sa bahay hindi nagpapansinan si Kuya Chad at Chase eh. Nagpapansinan lang sila pag andun si papa. Hay, mamaya ko nalang nga sila bubusisiin.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon